Chapter 3: Supportsfest

28 3 0
                                    

Sportsfest na nito at ito yata 'yung first time na magkakasama ang batch namin sa isang room para mag-assign ng mga players for the game, noong una, nahihiya pa ako pumasok. Hinahanap-hanap naman ko naman siya 'kung saan siya nakaupo, katabi niya lang pala 'yung mga friends niya. After that day uli', long talks na naman with friends sa Discord about her..

Hindi ko inaasahang ako 'yung pipiliin for Mr. Red Hawks which is 'yung team namin. Kasi noong una, wala naman ako sa options and ayaw ko rin talaga noong una, kaso wala talagang choice ang mga advisers namin para pilitin at kunin kaming dalawa ng isa ko pang classmate na kaibigan ko rin. So 'yun practice ng marami together with other teams, habang sila naman ay, gumawa ng props and such.

The day of the opening, alalang alala ko pa noon may pa-reahersal pang gusto si Sir na gawin ko kaso nahihiya talaga ako lalo na't maraming tao, at nandoon sila sa tabi ng room, gumagawa ng props para sa Ibon namin.

Naging successful naman ang pag-represent namin sa aming kuponan, slight, pero we didn't reached our full potential that day kaya medyo disappointing din at the same time, may mga naging technical difficulties pa na nangyari. Pero nagawa pa rin namin, which is nakakaproud pa rin!

After namin magperform, nasa gilid na kami ng stage, hinahanap ko siya sa taas kaso may nakatakip kaya hindi ko siya nakita, after noon umakyat na'ko and siya pa rin ang una ko'ng hinahanap pero s'yempre lowkey lang at nilagpasan ko lang siya.

Afterwards, game day na namin, akala ko noong una hindi sila manonood sa court since may friends sila na naglalaro sa school, so akala ko doon sila mags-stay. Pero the moment na nakita ko na 'yung mga friends niya, alam ko na na baka doon sila manood, so na-excite ako kasi makakapagpasikat na naman ako ng k'onti pero s'yempre focus pa rin sa game. That day din yata tinawag kami ni Ma'am Francis para tulungan silang kunin 'yung mga tubig for the players. So s'yempre G na G naman ako at sinamahan ko sila. At that moment ko lang din nalaman na may kapatid pala siyang mas nakakatanda sakaniya, dahil 'yung kuya niya pala 'yung magbibigay ng tubig. So kinabahan ako slight ng sakto lang, then ayun, medyo napatagal ang paghihintay namin. Waiting pa rin kami sa kuya niya, pero s'yempre hindi ako tumigil sa pag-hihintay. Finally dumating na 'yung Kuya niya dala 'yung mga tubig, at doon din kami unang nagkaroon ng interactions ng kuya niya, dahil habang naglalakad kami parang tumabi 'yung kuya niya sa'kin and then kinausap ako ng kuya niya.

V :Player ka ba ng basketball or kasama ka?
*Kinakabahan
L : Hindi po, 'di po ako kasama sa Basketball line up sila lang po 'yun, tumulong lang po ako, football po 'yung game ko.
V : Ahh..

So successful ang interaction naming dalawa ng kuya niya, so ayun may mga games na naipanalo at s'yempre may mga talo, wala namang laging panalo sa isang laro. Bilib lang ako sakanila dahil nagstay din sila ng matagal para suportahan 'yung team namin, which is thankful din ako kasi nagtagal pa sila roon at makikita-kita ko pa siya.

Sobrang saya talaga ng experience noong sportsfest at hindi'ng-hindi ko makakalimutan 'yun!.

HaranaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon