Chapter 4: Scouting True Love

29 1 0
                                    

Ok, this time, recruiting na ng mga bagong scouts para sa darating na Day Camping sa school namin. Noong una, nanghihinayang pa'ko na sumama sa scouting kasi medyo busy pa'ko sa school works and such. Scout na talaga ako since elementary and feel ko hindi na para sa'kin ang scouting, so nagstay ako'ng undecided kung sasama ba'ko sa scouting or hindi. Marami ang mga nagtatanong kung bakit hindi ako sasama, wala ako'ng maibigay na sagot kun'di "Wala", "Hindi ko pa sure", etc,. At hindi pa'ko ready magcommit sa scouting, dahil alam ko'ng magiging malaki ang impact nito sa aking life.

Kahit ang kaibigan ko'ng si Alliyah ay tinatanong at 'pinipilit din ako'ng sumama sa scouting, eh ako naman itong walang balak na talaga. Not until nakita ko na kasama siya sa list ng mga recruits at gusto maging isang Senior Scout. Nagulat ako, pero lowkey lang uli' so hindi ko pa rin masyadong pinansin, later that night hindi na nawala sa isip ko at hindi na talaga ako makatulog na para ba'ng may gumagambala sa'kin. Pinag-isipan ko rin ito ng maayos at masasabi ko'ng dahil sakaniya, naging scout uli' ako. Sinabi ko ulit sa kaibigan ko'ng si Alliyah na sasama na'ko sa scouting pero hindi ko sinabi na dahil ito sakaniya, 'agad naman niya ako'ng in-add sa group chat ng OWS BSP Official Gc. It is so unexpected talaga na sasama siya sa scouting kasi sobrang introverted niya talaga, pero nangyari na ang nangyari. Naging interested at ginusto ko na ulit maging scout dahil sakaniya, ito rin ang chance ko para maging often ang meetings namin at makikita ko siya tuwing may mga activities ang scouting sa school namin. Dumating din sa point na kahit ako, palong-palo na sa pag-recruit ng mga kaibigan ko, may mga iilan na sumama at may mga hindi rin naman, pero todo support naman sila sa'kin. Few days later, nagkaroon kami ng practices para sa Investiture, so G na G naman ako kasi makikita ko uli' siya at makakasama siya. Nagkaroon din kami ng mga lectures about scouting so s'yempre nakikinig naman ako.

Earlier that day of our Investiture, nagprepare muna kami sa room nila and s'yempre todo papogi naman ako, kasi nandoon din siya. Afterwards, oras na para sa aming Invesiture so nagfocus muna ako, gusto ko talaga siyang makitang walang face mask dahil lagi siyang naka-facemask and this is the chance. Gusto ko siyang masulyapan kaso magkaiba ang pila namin, magkaiba kami ng linya, na sa likuran ko siya at nasa harapan niya naman ako. Hindi ko magawang makalingon dahil kami ay naka"attention". Medyo masakit sa paa ang matagal na nakatayo at hindi gumagalaw, pero tiniis ko pa rin. Naging successful naman ang aming Investiture at first time ko talaga siyang nakita without a face mask and sobrang ganda niya talaga!!.

After ng investiture namin nagkaroon din ng mga activities like Knot Tying na sobrang thankful ko kasi, medyo may experience at marunong na'ko sa ganiyan. The day has finally come, may mga dumating din na mga scouts from different schools para turuan kami. May mga ilan na hindi ko na-gets pero majority ay na-gets ko naman. This time magkatabi na 'yung pila namin, nakita ko'ng nags-struggle sila para gawin 'yung ibang knots, tinulungan ko naman ang aking mga kaibigan para gawin ang tamang way. Una ko'ng tinulungan ang kaibigan niyang si Ryza at successful naman dahil natuto siya. Gustong-gusto ko siya tulungan pero hindi ko alam kung pa'no siya i-approach. Hulog talaga ng langit ang kaibigan niya at sinabing;

R :Vanessa, 'yan oh magpatulong ka kay Lance.

I didn't waste any chances and moments para tulungan siya, narinig ko na naman 'yung boses niya dahil sa sobrang struggle niya, kalimitan ko lang kasi marinig ang boses niya and whenever naririnig ko ito, It felt like heaven. Pure naman 'yung intentions ko para tulungan siya, pero first time ko siya maging kadikit ng ganun kalapit. Medyo naguluhan pa rin siya pero hindi ako tumigil para turuan siya, kahit deep inside sobrang kinikilig na'ko, tinuloy ko pa rin 'yung poker face at pagiging seryoso ko. After ng mga activities na ginawa namin, time na para mag-assign ang mga seniors namin ng mga Crew leaders, napili ang aking kaibigan na si Alliyah para i-handle ang aming unang crew. Naging selection ang mga members namin, pinili ako ni Alliyah, at pinili niya rin siya, sobrang saya ko at magkasama uli' kami. Feel ko itinadhana talaga na magkita at magkasama kami!. Ang pangalan na naisip namin para sa aming crew ay "Luna", naming after sa isa sa mga bayani ng Pilipinas. Nagdesign din kami ng banner namin at may rule kasi na kapag nakuha 'yung banner, is out na sa mga laro, so todo secure talaga kami sa banner namin. Lumabas kami para maglaro ng "Agawan ng Necker", unang game kami ang nauna, tagumpay at nanalo kami kahit na struggle nakaladkad ako throughout the game. Second game girls naman, naaawa at natatawa ako at the same time sa laro nila kasi sobrang competitive talaga pero as usual majority ng game nakatingin lang ako sakaniya, baka kasi may mangyari'ng masama and naaawa na'ko sakaniya kasi nakakaladkad na rin siya, pero kasama naman sa laro 'yun. That time din talaga kami nagkaroon ng maayos na interactions at feel ko, gusto ko rin muna talaga siyang maging kaibigan dahil maganda kung magiging magkaibigan muna kami, so patuloy lang 'yung interactions namin.

After ng activities namin sa baba, oras na para magdinner, at naging masaya naman ang dinner namin kasi magkakasama kami sa room habang kumakain. Gumawa kami ng skit/acting namin para sa required presentation na gagawin namin. Ako ang na-assign sa pag-lead at pag-gawa ng skit na may kasamang tulong din naman ng mga ka-crew ko

Mas naging malapit kami sa isa't isa that time at sobrang saya ko naman kasi first time ko magkaroon ng ganoon karaming interactions or pakikipag-usap sakaniya. Kahit na small talks lang namin nagiging masaya na talaga ako roon.

After naman ng Camp fire na pinerform ng mga Senior Scout namin, oras na para iperform ang skit na ginawa namin pero before that we took a picture as a crew.

Masasabi ko rin na naging masaya ako throughout that small period of time ng practice namin para sa skit, kahit rushed na 'yung ginawa namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Masasabi ko rin na naging masaya ako throughout that small period of time ng practice namin para sa skit, kahit rushed na 'yung ginawa namin. Kami ang unang nagperform ng aming skit and we managed to perform it well, nakita rin namin kung gaano kaganda 'yung skit na ginawa nung iba. Even though the majority of our skits are impromptu we managed to win the contest naman and sobrang saya namin.

Pagkatapos ng activities and presentations, at dahil dala ko rin 'yung gitara ko, kami ay nagsikantahan na ng "Huling El Bimbo". Sa palagay ko ay napansin niya ito and after ng lahat, before we parted our ways may time na magkakatabi kami sa stage ng mga ka-crew ko at kasama siya na nasa stage, tinanong niya ako kung alam ko raw ba tugtugin 'yung Harana by Parokya ni Edgar. Nagulat ako and kinilig ng slight, nagloading ako saglit and nawala ako ng slight seconds.

Hindi ako familiar sa title ng song, ang sabi ko. I tried to find it on google para alamin 'yung chords pero hindi ko talaga alam 'yung song. So I was disappointed sa sarili ko kasi hindi ko siya na"Harana", I mean kung alam ko 'yung song that time, sana nakanta ko ito sakaniya. After noon I felt like I was embarrassed sa sarili ko, kasi I missed the opportunity. Pero later on, we took a picture na hindi ko makakalimutan, pinatabi pa siya ng kaibigan niya sakin and sobrang kilig na kilig na talaga ako kasi may pa slight lean pa siya, and s'yempre I couldn't resist it anymore so naglean din ako, para makita ako sa picture. Kasama namin ang Outfit advisor at CSS teacher naming pareho na si Sir Nestor at alam niya na that time talaga na crush at may gusto na'ko sa katabi ko, dahil lagi ko itong 'kinekwento, simula nung aksidente niyang nalaman.

 Kasama namin ang Outfit advisor at CSS teacher naming pareho na si Sir Nestor at alam niya na that time talaga na crush at may gusto na'ko sa katabi ko, dahil lagi ko itong 'kinekwento, simula nung aksidente niyang nalaman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After namin magdismiss at pag-uwi, ang una kong ginawa when I got home ay pakinggan 'yung Harana by Parokya ni Edgar. Pinag-aralan at kinapa ko talaga 'yung chords kahit mahirap. Hoping na one day, makabawi ako sakaniya at makanta ito sa harapan niya.

HaranaWhere stories live. Discover now