Chappie 1

13.8K 192 49
                                    

Chappie 1

"KYAAAHHHH!!! PLS. JOANNE SIBUGAY!! KYAAHH!" sigaw lang ako ng sigaw kasi ang raffle 1st prize ay ang makita ang 1D IN PERSONAL FOR 1 MONTH! KYAAHH! ASSISTANT KA DAW NILA!  OMEGHHEDD! Lalo akong kinakabahan!!

"Micca Ann Porkita please!!!" Napalingon ako sa katabi ko na biglang nagsalita at umiirap pa. Ano ate? Kung iirap ka ba diyan sa tingin mo makikita ka 'nung nagpaparaffle at maaawa sa'yo? Duh!

Asan ang utak? Tinangay ng hangin? At kung seswertehin man na siya ang mapili ay hindi ako papayag. Kung hindi ako ang makuha, walang ibang pwede! AKO lang! Capslock ang 'ako' para dama niyo!

Halata naman kasi sa katabi ko na carrot siya at kapag siya ang napili, gagawin ko ang lahat para di siya makapunta. Kung kinakailangang bilhan ko siya ng iPhone 6 ay gagawin ko dahil sigurado namang Cherry Mobile lang ang gamit nito at ineedit lang sa Pizap ang pictures nitong nakacollage at lalagyan ng logo ng Retrica para kunyaring may watermark.

Ay jusko! Sa haba ng sinabi ko, mas madali pa ata kung gawin ko na lang kuneho 'to? Carrot naman eh.

Saka Porkita? Parang impokrita lang ehh -.- Bagay sa kanya. Tsk! Teka, bat ba ang insecure ko rito eh alam ko sa sarili ko na maganda ako. (Ako lang ang naniniwala)

  

 "Ahmm Joanne Sibugay? Ayaw niyo ho ba ng raffle prize na ito?"

 At sa kapal ba naman ng make-up nito akala mo hindi meet-up ng directioners ang pinuntahan kundi children's party----

"Ahh kung ayaw o wala po rito ang taong nagngangalang Joanne F. Sibugay ay bubunot na lang ho tayo ng iba."

Mula sa pagkakatahimik ay biglang nagsigawan at naging wild ulit ang co-directioners ko.

(A/N: As of now, we're legends. Yay)

"TEKA HO! Masyado po kasi akong na-entertain sa clown kong katabi kaya di ko ho narinig pangalan ko!" Bigla kong sigaw nang mabalik na ako sa wisyo. Nakita ko rin ang iba na tinatawanan pa ang katabi ko kanina nang lingunin ako nito na parang ililibing ako ng buhay! 

Dali-dali akong umakyat sa stage! Antaray! Ang haba ng hair ko!

"Ahmm, good afternoon Ms. Joanne Sibugay. Mukhang prepared na prepared ka para sa hapong ito ah." Pang-ookray sa akin 'nung bading na may hawak ng mic. Nakapambahay lang kasi ako.

"Wala kang pakielam sa kanto lang ang bahay namin." Bulong ko na sa tingin ko ay narinig naman 'nung echoserang bading kaya napangisi ito pero di na nagsalita. Tumingin naman ako sa mga pumunta sa meet-up na 'yun na may raffle draw pa. Ang raffle talaga na ticket mo para sa flight sa UK ang ibinigay dito. Galing pa kay Simon Cowell!

I've Met One Direction [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon