2 | My Golden Boy

784 32 6
                                    

"The future for me is already a thing of the past. You were my first love and you will be my last"

— Bob Dylan

🔸🔸🔸



Bukod kay Claire, Jacob or Jake as what almost everyone calls him – ay isa sa mga kababata namin dito sa Los Balcones. Jake, that brown-haired boy. Hindi naman sobrang brown ng buhok niya. May natural shade lang kasi ang buhok niya na brown, at tuwing masisinagan iyon ng araw, it appeared like gold.

Simula pa man pagkabata ay kilala na namin ang isa't isa. Simula pa ng magsitubuan ang mga ngipin namin, magsibungi, at magsitubong muli. Jake's a year older. Dahil na rin siguro hindi nagkakalayo ang mga edad namin kaya mas malapit kaming tatlo sa isa't isa. Both of them has a special part in my heart. Since I'm an only child, I got to experienced loving a sister and a brother, and having them loved me in return.

But unlike us, Jacob missed several summers with us. Isang taon bago kami lumipat papuntang Maynila, nag-migrate ito sa Amerika kasama ng Mama niya. Nakapangasawa kasi ang Mama niya ng foreigner galing New York. He was raised by a single-mom. Nang maipanganak pa lang ito iniwan na sila ng Papa niya. Hindi na nga siya nagkaroon pa ng chance na makilala man lang o makita ito. Kahit hindi niya sabihin sa amin ni Claire, I know that somehow, he developed bad feelings towards his father.

When Jacob was 10, nakilala ng mama nito ang isang bakasyunistang Amerikano sa resort kung saan nagta-trabaho ang mama nito bilang receptionist. Makalipas ang isang taon ay nagpakasal ang mga ito at dinala sila nito sa Amerika para doon manirahan.

Bago sila umalis patungong Amerika ay nagpunta pa kaming tatlo sa dalampasigan. Naupo kami sa buhanginan habang nababasa ang mga paa namin sa tubig na dinadala ng alon sa pampang. Sunset. Papalubog ang araw. Katatapos lang naming maglaro noon.

"Excited ka na ba?" A nine-year-old Claire asked Jake.

Sampung taon pa lang noon si Jake, pero matured na ito kung kumilos at mag-isip. Growing up, I find him a little bit intimidating. Siguro dahil tahimik ito at hindi masyadong palasalita. I had the same attitude, may pagka mahiyain kasi ako. Kaya nga siguro nagkasundo kaming tatlo. Kabaligtaran kasi namin si Claire. Claire's outgoing and can be loud at times. Iyon din ang dahilan kung bakit mas malapit kaming dalawa kay Claire kaysa sa isa't isa.

"Malamig do'n. May snow do'n 'di ba? Gusto ko din makarating do'n," Claire added. Tahimik pa din si Jake. Kumuha ito ng bato at itinapon sa dagat.

Kung dito buhangin ang kalaro namin. Sa Amerika, snow ang lalaruin ni Jake. Parang natuwa ako ng maisip yun. Gaya ni Claire, gusto ko rin maranasan makapunta sa Amerika baling araw. Kami ni Claire, gusto namin. Iyon kasi 'yong nakikita namin sa TV. Tapos mapuputi yung mga tao, malamig, masarap ang buhay. Pero si Jake, mukhang hindi ito ganoon ka-excited.

"'Di ba Gabby? Gusto nating pumuntang Amerika?" nagningning ang mga mata ni Claire sa akin.

Ngumiti ako at tumango, "Oo. Gusto ko din."

Natahimik kaming tatlo. Maghapon kasi kaming naglaro, pare-pareho kaming napagod. Iyon ang huling araw na makakasama namin si Jake maglaro araw araw.

Tinignan ko silang dalawa. Sa mga oras na yun, nangako ako sa sarili kong kahit anong mangyari walang magbabago sa amin. Kahit makakilala man ako ng maraming kaibigan sa hinaharap, sila pa rin ang best friends ko.

Nang gabi ding iyon, kila Jake kami naghapunan. Ipinaalam na kami ni Tita Marina, Mama ni Jake, sa mga magulang namin na doon na kami maghapunan. It was summer, kaya marami rami paring tao sa labas kaunting lakad lang kasi nasa Los Balcones Private Resort na kami, at ang community naman namin ay malapit sa Tali Beach, isang napaka gandang tourist spot dito sa Batangas. May residential area kasi malapit dito, at doon kami nakatira.

Maliit lang ang bahay nila Jake. May porch ito, at may gawa sa kahoy na mahabang upuang duyan. Sa likod naman ng bahay nila may malaking puno, kung saan may tree house. Doon kami mahilig mag lagi kapag nandito kami kila Jake.

Dinig mo doon ang hampas ng alon sa dalampasigan, at mula sa itaas makikita mo in full view ang dagat. Ginawa ito ng dating Boyfriend ni Tita Marina. Karpintero kasi iyon. Naging tambayan na kasi namin yun kaya hindi narin tinanggal ito ni Tita Marina.

"Handa na ang hapunan!" masiglang anunsyo ni Tita Marina palabas ng kusina. Inilapag niya ang ginataang alimasag, adobong manok, seaweed soup, at kanin sa dining table. Pinaupo niya kaming tatlo at kasama namin sila at ang Amerikanong asawa sa pagkain.

"You are Jake's friends, right?" magiliw na tanong ng Amerikano sa amin na eventually ay naging step father nito. At dahil simpleng tanong lang naman iyon sa ingles, tumango kami ni Claire ng maintindihan ang sinabi nito. Ngumiti rin si Jake. Kapag ngumingiti si Jake, mas nakikita ang resemblance nila ng mama niya.

Matapos namin kumain, nagtungo kami ng sala para manuod ng TV. Napansin kong naka ligpit na sa mga karton ang iba nilang gamit.

Pagbalik nina Tita Marina, may dala dala itong dalawang supot na punong puno ng imported chocolates. "Para sa inyo Gabby at Claire."

Nanlaki ang mga mata namin ni Claire sa nakita. Ang dami kasing chocolates nun.

"Salamat po," magkapanabay na sabi namin ni Claire. Nakita kong tahimik lang si Jake habang pinapanuod kami ni Claire na tuwang tuwa sa natanggap. Malungkot siguro siya, kasi aalis na sila.

Malungkot umalis. Malungkot mang-iwan.

Bago kami inihatid ng sasakyan ng step father ni Jake pauwi, lumingon si Claire at kinausap si Jake.

"Susulatan mo kami ni Gabby ha? Pati papadalhan mo kami ng mga pictures mo." bilin nito.

"Pati bibisitahin mo kami pag walang pasok. Wag mo kaming kakalimutan. Sa bakasyon uli, bibisita ka ha?" Muling bilin nito. Magkaiba ang bakasyon sa Pilipinas at sa States pero kahit na ganoon tumango nalang si Jake.

"Mamimiss ka namin. 'Di ba Gabby?" tumingin ito sa akin, hinihintay ang pagsang-ayon ko.

"Ah. Oo mamimiss ka namin ni Claire, Jake." sagot ko. Tumingin ito sa aming dalawa, at sa unang pagkakataon nang gabing iyon nakita namin siyang ngumiti.

"Mamimiss ko kayo Claire at Gabby..."

"Bye Jake!" I remembered myself telling him. Hindi ko na maalala kung may sinabi pa siya noon bilang tugon sa sinabi ko o kung kakaiba ba 'yong tingin niya sa akin. We were young back then, not realizing Jake will be miles apart from us.

That's the last event I can remembered before they went to the States. But I always remember him, despite the passing years. I can still picture that boy Claire and I grew up with and the summers we had shared.

We'll Always Have Summer (WAHS #1)Where stories live. Discover now