KABANATA 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

29 3 0
                                    


Sa ibabâ ng kubyerta ay ibá namán ang nangyayari. Nakaupo sa mga bangkóng ang ilán ay may sandalan at ang ibá ay walang sandalan, na yari sa tablá, at katabi ng mga maleta, tampipi, at mga bakol, mga iláng hakbáng la- mang ang layò sa mainit na mákiná, at sa gitna ng sari- saring amoy ng tao at mabahong langis, ang karamihan ng mga manlalakbáy.

May mga nagmamasid na matahi- mik ng iba-ibáng tánawin sa magkábiláng pampáng, may nagsisipagsugál o nagsisipag-usap sa gitna ng kalatóg ng mga pala, ugong ng mákiná, bulwák ng tubig na nahahalu- kay at walang tigil na paswit ng bapór.

Sa isang sulok ay nangakahigáng parang mga patáy, nangagsísitulog o nangagtátangkáng matulog ang mga insík na mángangala- kál-nangahihilo, namumutlâ, at naliligò sa pawis. filáng kabataan, karamihan niyán ay mga nagsisipag-aral ayon sa maayos na pananamít na pawang pinutián, ang malala- kás ang loob na nagpáparoo't parito sa daóng at sa hulihán ng sasakyán, nagpápaluksú-luksó sa mga baúl at tampipì, na pawang masasayá dahil sa nálalapit niláng pamama- hingá.

Nároóng magtalo ukol sa galáw ng mákiná na pa- rang ginúgunita ang kaniláng nápag-aralan sa písiká, ná- roong paligiran nila ang batang kolehiyala o ang maghihit- só na may mapupuláng labi, at nakakuwintás ng sampagi- ta, nároóng bulungán silá ng mga nakatatawá at nakapag pápatakip sa kanilang mga mukha ng kanilang mga pamay páy.

Gayunma'y may dalawang estudyanteng sa halip na harapin ang gayong mga pagmamakisig na madaling lu mipas, ay nasa gawing daóng at nakikipagtalo sa isang ma- tandâ na, nguni't malakás pa't tuwid ang tindig. Ang dalawang ito ay tila lubháng kilalá at iginagalang ayon sa pitagang ipinakikilala ng kanilang kasamaháng manla- lakbay. Ang may gulang nang kaunti sa kanilá, ay nakasuot ng itim na itím. Ito'y si Basilio, isáng estudiyante ng medisina, na kilalá sa kabutihan ng panggagamót at kahanga-hangang pagpapagaling.

Ang isá namán na mata- ás at mataba, bagamán malaki ang pagkabata kaysá una, ay Isagani ang pangalan. Isá siyáng makatà o mánunugmâ man lamang na noóng taong iyon ay nakatapos sa Ateneo, at may ugaling di-pangkaraniwan; nápakawaláng-kibo at tila malungkutin pa. Ang kausap nila ay si Kápitáng Ba- silio na namilíng buhat sa Maynilà.

"Si Kápitán Tiago pô ay paris din ng dati," ang sabi ng estudiyanteng si Basilio na iiling-iling pa. "Ayaw pô siyáng pagamót kaninumán. Sa payo ng isáng kung si- nong tao, ay pinapúpuntá akó sa San Diego, di-umano'y upáng tingnan ang kanyang bahay, nguni't ang totoo'y upáng siya'y mápag-isá at magkaroon ng layà sa pag- hitit ng apyan."

Nang sabihin ng estudiyante ang kung sinong tao, ang ibig sabihin ay si Pari Irene na matalik na kaibigar at tagapayo ni Kápitán Tiago noóng mga huling araw niya.

"Ang apyan ay isang salot ng bagong panahon" ang sagót ng kápitáng may pag-uyám at pagkamuhing nara- rapat sa isang senador na romano. "Kilalá rin ng ating matatanda ang apyan dátapwá't walang nagpakalabis ng paghitit niyán noong dakong una. Samantalang nanana tili ang pagkakawili sa mga araling klásikó (magmatyág kayóng mabuti, mga kabataan) sa páaralán, ang apyan ay mananatili ring gamit lamang na panggamót at sa katu- naya'y sino ang masasabi ninyong mahiligin sa paghitit niyán? Ang mga insík, ang mga insík, na walang na lalaman sa latín. A! kung pinag-aralan lamang ni Kápitán Tiago si Ciceron!" Ang kanyang mukháng tils mukha ng isang epikureo na malinis ang pagkakaahit ay kinalalarawanan ng isang matinding sama ng loob. Pi- nagmasdan siyang mabuti ni Isagani. Ang matanda'y na híhibáng sa mga bagay noong nakaraán nang panahon.

"Dátapwa't magbalik tayo sa pinag-uusapang Aka demya ng Wikang Kastila" ang patuloy ni Kápitáng Basi lio. Tiyakan kong sinasabi sa inyó, mga ginoó, na hind! iyán maisásagawa."

"Maisásagawa pô," ang tugón ni Isagani, "at hinſhin- táy na lamang namin ang pahintulot, kung hindi ngayon ay bukas. Si Pari Irene na nakikita ninyo sa itaás, ang niregaluhan namin ng dalawáng kabayong kastanyo, ang mahigpit na nangako sa amin. Siya'y magsasadya upang makipagkita sa Henerál."

El FilibusterismoWhere stories live. Discover now