Chapter 1: The First Glimpse

49 3 0
                                    

Last year between August and September, Habang nagka-klase kami. My best friend knocked on our room's door kasi may sasabihin siya, 'agad naman akong pumunta and binuksan 'yung room. Ang una ko'ng nakita is 'yung cute girl na katabi niya.

I met this girl besides my best friend. First time ko talaga siyang nakita and nakilala in person, pero we had no interactions at all, siguro sulyap-sulyap lang kasi hindi ko pa nga siya kilala and same rin siguro siya sa'kin. She's so cute kasi pasikot-sikot lang siya sa likod ng best friend ko and parang nahihiya pa sa'kin. Parang I got the feeling na na-love at first sight ako kasi sobrang ganda niya and I wanted to know kung sino siya, so bumubulong-bulong ako sa best friend ko habang pasikot-sikot siya sa likod niya, na kung sino 'yung kasama niya, and siya naman, tumatawa lang.

L :Pre, sino 'yang kasama mo
he then chuckled
J :Haha, si Vanessa 'yan pre bakit"...
L :Wala lang"

Doon ko nalaman 'yung name ng girl, and the story goes on. Hindi ko rin talaga siya napansin last year sa Gawad Parangal when we were Grade 8 kaya hindi ko talaga siya kilala, and this was before mag Buwan ng Wika.

Kinagabihan noon, nakipagkwentuhan ako sa Discord kasama ang aking mga matalik na kaibigan and tinanong ko talaga kay Jobson, kung sino 'yung kasama niya kanina kasi hindi ako nakuntento. Tapos Angelique gave her Facebook, siguro nung una mataas pa pride ko, even though I'm feeling different na about this girl, so hindi ko muna siya in-add kasi nahihiya rin ako. My friends told me about her personalities na kesyo "Mabait", "Sobrang Bait", "Respectful", "Academically inclined" and many more. At that moment pa lang na-turn on agad ako sakaniya, kasi 'yung mga sinabi nila is one of my types talaga and it's on the level of high standard girl for me.

Sa mga sumunod na araw, my friends started teasing me sakaniya. Kasi ako naman itong laging sumisilip sa classroom nila para makita siya.

At that moment, feel ko crush ko na siya 'agad. Never pa uli nangyari 'yung feeling na ganito sa'kin dati, I kept it lowkey muna for weeks even though I was kinikilig and embracing her pictures na sinesend din naman ni Jobson.

Sa makalipas na mga araw, hindi ko na rin natiis at in-add ko na siya, no responses that night. Pero kinaumagahan nakita ko na in-accept niya na 'yung friend request ko, kinikilig naman ako 'agad at sinabi ko talaga 'agad kay Jobson. At first inaasar niya pa'ko na

J : Ayan ka na naman Lance, kilig na kilig ka na naman
L : Hindi naman, slight lang

Pilian na ng speciality between Cookery and CSS, noong una Cookery talaga ako pero nakita kung gaano compassionate at sobrang saya magturo tuwing sa subject ni Sir Nestor. Nalaman ko rin na CSS din ang pinili niyang speciality dahil sinabi ni Jobson sa'kin, silang dalawa ni Sir Nestor ang nagpush sa'kin para lumipat sa CSS. Matapos noon, naging close kami ni Sir, at lagi na kaming nagkw-kwentuhan lalo na when it comes to relationships and crushes, aksidenteng nalaman ni Sir at hindi ko na ipinagkait, naging honest ako sakaniya at dahil pinagkakatiwalaan ko siya sinabi ko kung sino 'yung crush ko. Araw-araw na kami mahigit nagkwentuhan about sa mga crushes namin together with Gian na alam niya na rin.

Gustong-gusto ko na siya makilala at mag-first move na 'agad sakaniya, kaso may pagkatorpe at mahiyain din ako. Kasi hindi ko pa siya kilala. Sinasabi at pinipilit na rin ako ng mga kaibigan ko na i-chat ko na siya, kaso hindi ako makahanap ng way para i-approach siya. Until...

HaranaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang