Kung kanina ay gutom ako dahil sa pagod sa exam, ngayon naman halos gusto ko nalang tumigil sa pagkain at bumalik na sa classroom. Pero marami kaming binili ngayon, sayang naman kung hindi namin mauubos. We need to finish it all, nilebra pa naman ako.

We started talking about our exams. Maingay na ang dalawa habang nagsasalita lang ako kapag tinatanong. Kahit isang beses ay hindi siya sumulyap sa puwesto namin, hindi ko alam kung ikaluluwag ba yun ng loob ko o hindi. He's just very cold right now, katulad ng unang beses ko siyang tinanggihan sa library at aksidenteng nagkita kami sa bar. He's cold and almost distant, like a stranger.

May sakit akong naramdam sa mga iniisip. Mas mabuti na lang siguro ang ganito? We should act like strangers. It is better for the both of us.

Nasa malalim ulit akong pag-iisip ng may lumapit sa amin na server.

"Para po sa table niyo Ma'am." Agad na binaba ng server ang isang platitong yema cake.

"Nakuha na po namin lahat ng orders namin." Takang banggit ni Andrea.

Ngumiti naman ang ginang sa amin. "Sa inyo po ito at bayad na rin, inorder niyo po kanina."

"Kumuha ka Sevie? Diba paborito mo yema cake?" Tanong sa akin ni Andrea.

Umiling ako dahil wala akong matandaan. Kukuha sana ako pero nahihiya akong magsabi kina Andrea kaya pinili ko na lang ang gusto rin nilang dessert.

"Sige po, salamat." Singit ni Rica sa usapan.

"Baka unconscious kong nasabi kanina kasi paborito ni Sevie." Konklusyon ni Rica.

I smiled at him. Nabalik ulit kami sa usapan sa exam ng may mapagtanto ako. My heart suddenly starts beating fast and hard again with my realization. Napatigil ako sa pagkain at agad na tiningnan si Sandro. Nakaawang ang labi ko ng mapagtantong maaaring posible ang nasa isipan ko.

He suddenly looked at my side at agad kong iniwas ang tingin. But he is cold, imposibleng siya ang nagbigay nito? Tama, baka nasabi lang talaga ni Rica kanina. I shouldn't overthink again.

"It's your birthday next week Sandro, what's the plan?" Tanong ng isang kaibigan niya.

So it's his birthday next week? Halos matawa ako sa sarili dahil maging ako'y hindi alam na malapit na pala kaarawan niya. I almost felt bitter about it.

"I don't know, probably just a dinner party." He answered uninterestedly.

Hindi ko alam kung paano ko na lusutan ang lunch. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng nasa classroom na kami. Ang dalawa kong kasama ay halos wala ng isasaya pa sa nangyari, habang ako, walang gustong gawin kanina kung hindi ang umalis na lamang.

Last exam na namin at bakasyon na. Pero magtratrabaho ako, mag iipon ulit ako para sa susunod na school year.

Mabuti nalang at hindi na masyadong mahirap ang last na exam namin, walang essay at puros multiple choice kaya maaga akong natapos. Pwede ng umuwi ang mga tapos kaya maaga akong makakauwi ng apartment, wala pang alas tres. Sumensyas na lang ako kina Andrea ng natapos na ako, nahuli na sila sa pag sagot.

Umuwi akong mabigat pa rin ang loob. I wonder if I will still feel the same after a month? Or a year? Wala man lang bang magbabago sa nararamdaman ko sa kanya? Hindi ko alam na makakaramdam ako ng ganito. Kung pwede ko lang baliwalain na lang ang nararamdaman ko sa kanya, siguro matagal ko ng ginawa.

I shrug off all my thought at sumakay na ng jeep. Thinking about it now, he will pursue his masters abroad, and after that, he will manage their company, and who knows if he will still be willing to pursue another related course. There are endless opportunities for him, hindi siya mauubusan. It is safe to say that I am happy for him, and will always be proud of his achievements. And that's enough for me. Probably.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now