Napaupo ako kalapit nina Tim at Wavin. Nakasnorlax na damit si Tim samantalang nakacolor blue naman si Wavin. Inilibot ko pa 'yung tingin sa paligid. Mink na mink, este pink na pink sina Corine. 'Yung apat, pini ang suot na pajamas. May barbie pa nga.
May iba na nakacolor green. Plain colors. Si Gray ay nakablack & white din pala. May stripes lang 'yung kanya tapos 'yung kay Zero wala. Ba't kaya hindi Gray ang color na pinili nya? Nakita ko si Archer kasama ni Zero at Gray. Papalapit sila sa pwesto namin.
Ay ayon! Si Archer naman pala 'yung nakaGray.
Umupo silang tatlo sa may kalapit namin.
“Magandang hapon mga bata." Napalingon ako kay Lolo M.
“Magandang hapon, Lolo!" Sabay sabay na bati ng mga Egg Warriors. Pangunang panguna si Tim, may pagtayo pa. Natatawang tiningnan ko siya. Ibang klase.
“Nabanggit ko na naman kahapon na ang party na 'to ay para sa inyo. Para sa mga gabing nagpupuyat kayo kakaaral, para sa mga efforts sa pagpunta punta nyo sa tagpuan natin upang matuto kayo. Para sa mga araw na kinailangan nyong magsunog ng kilay.”
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Lolo M.
“Gusto kong ibigay 'yung pagkakataong 'to para Makapagsaya naman kayo. No assingment, no tasks, no activities, just fun. Maglalaro lang tayo ngayon, kakain, magpapakasaya. This is because your efforts and sacrifices has been paid off. Tapos na ang exmination nyo at hindi pa man ay binabati ko na kayo. I've been there and I know na magiging maganda ang resulta."
Pinasadahan ko ang Class Z ng tingin. Lahat sila nakangiti habang pinagmamasdan si Lolo, pwera nalang dun sa trio at kay Donald? Ba't kaya ganon 'yung itsura nya? Parang may something.
Tatanungin ko nga sya mamaya!
“Cheers to those days you've survived! Congratulations, Class Z!”
“WHOOOOOO! THANK YOU, LOLO!"
Nagpalakpakan ang lahat. May nagtatalon pa sa tuwa. Hindi ko rinaiwasang ngumiti. Ang saya lang hehe.
Nagsimula na ang mga palaro. Si Spade ang host. Unang palaro ay pahabaan. Syempre nanalo 'yung grupo namin nina Tim, kagroup ba naman namin 'yung trio. Tapos etong si Tim pa humiga at dumugsong dun sa nasa sahig. Edi sure win!
Pfft. Akala ko nga hindi pwede 'yun. Pinayagan ni Lolo M at Spade. Tawang tawa pa sila.
“Gusto ko lang ulit sabihin na may mga premyo lahat ng palaro. So, I encourage everyone to join."
Biglang nagningning 'yung mata ko. Napatayo pa ako.
“Hoy, George! Huwag ka nang mangarap, hindi mo makukuha 'yung prize!"
Napangiwi ako sa sinabi ni Tim. “Baka ikaw ang hindi makakakuha ng prize!"
Kelangan ba ako sumuko? I'll make sure na mananalo ako!
“Lah! Ako pa hinamon mo! Sa liit mong 'yan!"
“Aray! Siraulo ka!"
Tinampal ko 'yung kamay nyang nakapatong sa ulo ko. Halatang binibigatan nya talaga! Naknang!
“Ay, sorry. Liit mo kasi e."
Liit? Hayufff. Nanggigigil na inambahan ko siya ng suntok.
“Joke lang!" Napasimangot ako.
“Tss. Don't make fun of her, dude." Pagsingit ni Gray na nakaupo sa gilid. Napatigil si Tim sa pangaasar, dinilaan ko siya. Buti nga!
“Our next game is…."
Napaayos ako ng tayo. Sasalihan ko lahat! I'll make sure na mananalo ako! Kala ng Tim panget na 'to.
Napatingin sa'kin si Spade. “George, ba't nakatayo ka?"
“Sasali ako e!"
Nagsimulang magbulungan 'yung mga Egg Warriors. Ano naman kayang kachismis, chismis sa sinabi ko?
“Pfft. Patay gutom talaga."
“So, poor."
“I feel sorry for her."
Whatever! Gusto lang sumali, patay gutom na kaagad? Tss.
“You can't..."
I can't? Bakit hindi pwede?
Napasimangot ako.
“AY, GEORGE! BAWAL KA PALANG SUMALI!”
−_−
Pantanga, Wavin. Kasasabi nga lang uulitin pa.
“Bakit bawal?" Tanong ni August. Medyo nagulat ako nang sya 'yung magtanong. Itinanong nya ba 'yun para sa akin?
Plus points to kay Lord!
“Because the next is game is for boys only."
For boys pala? Kaya naman pala! Napapameywang ako. “Anong laro, Spade?”
“Pillow fight.”
Pillow fight?
'Yun lang pala eh! Kayang kaya ko 'yun! Nagbulungan 'yung mga Egg Warriors. Kanya-kanyang sabi na sasali sila.
“Madali lang pala e, sasali ako." Giit ko.
“You can't." Wika naman ni Gray. Napataas ang kilay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “You don't know them. Hindi sila tumitingin sa gender kapag nakikipaglaro. They all wanted to win so wala silang pake kung sino pa ang kalaban."
In short? Nagaalala lang sya sa'kin? Napatingin ulit ako kay Spade.
“Sasali ako! Tsaka I stand for Equality no. Kaya ko ding makipagsabayan sa kanila!"
YOU ARE READING
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 72
Start from the beginning
