'Yung impakto.

Napatingala ako sa kanya. Seryoso lang nya akong tinitingnan. Sa kanya ako bumangga? Kaya pala parang pader.

Pasimpleng pinasadahan ko sya ng tingin. Nakablack and white na plain lang syang pajama. Napasimangit ako bigla nang mapagmasdan sya. Nakapamulsa pa tslaga sya!

Bakit ang cool tingnan? Nasaan 'yung hustisya? Ako mukhang mascot tapos siya eto nagpapacool?

Mas lalong napasimangot ako.

“You look…funny, Noburi."

Napatingala ako ulit kay Zero. Nginisian nya ako pagkasabi nya non. Napaawang ang bibig ko, ready na sana akong magsalita kaso isinuot nya bigla 'yung hood ko sa'kin!

Wala akong makita! Agad kong tinanggal 'yun pero ang walanghiya. Wala na sa harap ko. Grr!

“Buset. Nagugulo buhok ko."

Hirap na hirap pa naman akong magsirintas tapos guguluhin lang. Sina Tim at Wavin kasi ang may kasalanan! Hinanap ng mata ko sina Tim kaso hindi ko na nakita. Nakatakbo na ang walanghiya. Mamaya sila sa'kin!

Naglakad na ulit ako.

“Kita nyo ba 'yon? Nginitian siya ni Zero!"

Huh? Ngiti? Ngiti pala 'yon? Hindi naman ah!

“Tsaka mukha silang couple 'no? Pareho pang nakablack and white!"

Couple? Nasaan ang CR dito. Susuka lang ako. Nakakasuka kasi sinasabi nung Egg Warriors na 'yon. Hindi ko na tinangkang tingnan pa silang sa mukha. Mabubuset lang ako. Pagkamalan pa kming couple, kadiri!

Pagdating ko sa office ni Lolo M. Andon din si Spade agad kong inireklamo 'yung suot ko pero tinawanan lang nila ako pareho.

“Ang cute mo nga iha eh."

Napasimangot ako. “Eeeee, Lolo! Malaki nga oh. Paano ako makakagalaw ng maayos neto mamaya?"

“Pfft. You can do it."

You can do it? Try nya kayang suotin 'to. “Sino ba kasing nagpili neto Lolo? Ang laki sa'kin eh!"

Hindi ba nila alam na ako ang susuot?

“Si Spade na lamang ang 'yong tanungin, iha."

Si Spade? Napatingin ako kay Spade. Tila sumusukong itinaas nya 'yung kamay nya. “Sorry. I was the one behind that pajama's."

Napanganga ako. “Spade." Seryosong pagbanggit ko nang pangalan nya.

“Sukat ko kasi 'yan, hindi sa'yo. I just want to make fun of you. Kaso naiwan ko pala dun 'yung totoong para sa'yo. Kaya 'yan nalang 'yung binigay ko." Napakamot pa siya sa ulo nya.

Hindi ako nakaimik agad. He mouthed 'sorry' at me. Aisssh!

“Ano pa bang magagawa ko? Andito na e."

Mas okay na siguro 'to kesa hindi ako makasali. “Sorry. Don't worry. You look cute in that."

Ano naman kung cute ako? Alam ko na 'yon. Tss. Pangaraw araw na 'yon ih.

“Tara na sa living room. Magsisimula na."

Napasunod agad ako kay Lolo M. Nakapajama's na rin siya. 'Yung color ng pajama's nya si rainbow. Si Spade naman ay nakawhite na pajamas.

Ang cute nilang tingnan. Nakasuot pa 'yung hood nila pareho hihi. Nawawala tuloy inis ko.

Pagkarating namin sa Living Room, agad na tinawag ako nina Tim. Nakaupo sila sa may sahig. Hindi ko napasin 'yung ayos ng living room. Wala na dito 'yung sofang malaki. Hawan na sa gitna, tapos meron pang videoke. May mga design design pa. Meron pang christmas lights! Basta pang mayaman na ayos. May parang tent pa nga e.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon