“Tampuhin mo talaga. Sori na nga! Tigilan mo na pananakot!"

“OO NGA, SOBRA NA!"

Hindi ko sila pinakinggan. Inubos ko na 'yung pagkain sa pinggan ko bago uminom at tumayo.

“Oy, saan ka? Nagbibiro lang naman kami. It's joke time lang naman eh."

Joke time? “Kapag sinapak ko kayong dalawa, it's joke time lang din. Huwag nyong seryosohin ha?"

Napakamot sila sa ulo pareho. “SORRY NA!”

“Cheeee!"

Lumayas na ako sa harap nila. Hindi naman ako galit, papasok lang ako sa kwarto. May ilang oras pa bago 'yung pajama party. Ang start kasi ay 5 pm. So, makakatulog pa ako. Kelangan kong magipon ng lakas para mamaya. Ang sabi ni Lolo ay maraming prizes.

Kelangan kong manalo.

------------------------------------------*-*

Time check : 4:45 pm. 

Ang tagal ko ding natulog. Ang gaan sa pakiramdam! Nakaligo na ako kanina. Tuyo na nga din 'yung buhok ko. Nakatwin na braid na siya. Iniikot ko din 'yun, 'yung parang ipit nung nasa tekken. Basta 'yung character dun. Ang init kasi e.

Nagpolbo din ako kahit papaano. Lalaitin na naman ako ng mga 'yon mamaya. Dapat ready!

“Nasaan na ba 'yung damit ko?"

Saan ko ba nilagay 'yun? Luminga linga ako pero wala sa kama ko. Saan ko nga ba nailagay? Ay, asa drawer pala!

Agad kong kinuha 'yon. Binuksan ko na din 'yung plastik para isuot na 'yung pajamas. Infairness ha, ang cute cute ng design hihi.

Ano kayang itsura neto sa'kin?

Isinuot ko na 'yung damit. Pumunta ako sa CR para makita ang itsura ko, pakiramdam ko kasi malaki.

Shit.

Napanganga ako habang nakatingin sa reflection ko sa sslamin. Shete. Hindi malaki, kundi over sa laki! Lubog na nga ako eh. Ang haba ng blouse style jacket pa naman siya. Lubog na 'yung kamay ko! Ang haba din ng pambaba! May hood pa.

Chineck ko 'yung hood kung ayos lang. Napangiwi ako. Hindi ayos! Wala akong makita! Hanggang ilong ko 'yung hood, buset!

Bakit ganito 'to? Aisshhh! Itatanong ko nga kay Lolo M!

Bumaba na ako nang kwarto ko. Nakasuot na din halos lahat. Napapatingin sila sa'kin. Ano pa nga ba? Malamang dahil natatawa sila sa'kin. Para akong mascot sa laki. Well, hindi naman totally malaki. Makapal lang kasi 'yung tela.

“Ang cute mo naman, George!" sigaw ni Timothy na alam kong pangasar lang. Hindi ko sya pinansin. Dire-diretsong nagtungo ako sa office ni Lolo M.

“Bakit may bata tayo dito?"

Tsss. Hindi ako bata!

“Ang cute, panda!"

Well. Napanguso ako. Tuloy tuloy na naglalakad ako, tuloy tuloy din ang bulungan nila. Kaso biglang….

“Ay! Dumilim! Ba't nawalan ng kuryente------AYY!"

Napabangga ako sa pader. Rinig ko ang tawanan ng Class Z. Ba't kasi biglang nawalan ng kuryente? At bakit biglang nagkaroon ng pader sa gitna ng daan?

“PFFT, HAHAHAHA!"

“May nakikita ka pa ba, George? Nasaan kami?"

Napapikit ako sa inis. Gigil na tinanggal ko 'yung hood ng damit ko na talaga isinuot sa'kin. Wala akong nakita! Bubulyawan ko sana 'yung nasa harapan ko kasi hindi pala sina Tim 'yon.

Class of Morpheus Where stories live. Discover now