Aba't nakipagtalo pa. “Lah. Ano 'yun ngongong version ng Pink? Tanga naman, Mikmik nga!"
“Mas tanga ka, George. Ako nagpangalan nun, Minkmink 'yun!"
Grabe. “Alam mo imbento ka!"
“Mas imbento ka! Alam ko kaya 'yun."
Jusko. “Edi sige, paniwalaan mo gusto mong paniwalaan."
Magminkmink sya ngmagminkmink, ewan ko nalang kung hindi sya tawanan nung bibilhan nya. Parang tanga.
“Talaga! Minkmink 'yun. Tss."
Napasapo ako sa ulo ko. Jusko, kakastress siya. Tiningnan ko si Wavin na mukhang malalim ang iniisip.
“Hoy, nyare sa'yo?"
Naagaw ko 'yung pansin nya. “GEORGE!"
“OH?!" Balik sigaw ko din.
“MINKMINK TALAGA 'YUN!"
“…… ."
−_−
“Ewan ko sa inyong dalawa. Magsama kayo pareho kayong baliw!"
Minkmink amp.
Naiiling na pinagpatuloy ko 'yung pagkain ko na hindi na natapos tapos dahil sa kanila. Nakikipagtalo pa rin sila sa'kin hindi ko lang pinapansin. Kakain nalang ako.
“Ay, mamaya na pala 'yung pajama party. Nasukat mo na 'yung isusuot mo?"
Ako ba ang tinatanong? “Hindi pa-----."
“… .Wavin?"
Ay, si Wavin pala. Sinamaan ko ng tingin ang nakangising si Timothy.
“AY KELANGAN PA PALANG SUKATIN? HINDI AKO NAIMFORM!"
Ket kelan talaga 'tong si Wavin. Tsktsk.
“Ikaw…”
“Hindi pa---."
Pinutol ulit ni Tim ang sasabihin ko. “… .self?"
Napangiwi ako. Talaga lang ha. “Nasukat ko na naman 'yung sa'kin, ayos lang. Lalo akong gumwapo!"
Baliw. Sige, kausapin mo sarili mo nang dumiretso ka sa mental ng maaga! Tss.
Padabog na dinampot ko 'yung kutsura't tinidor.
“NAGDADABOG KA BA, GEORGE?!"
Nagpeke ako ng ngiti. “Hindi! Ganto talaga ako kumain.”
Tatanong pa, psh. Sabay pa talaga silang nagbungisngis! Edi waw! Mukha silang utot pareho.
“ANG MABUTI PA. MATULOG NALANG MUNA TAYO PARA FRESH MAMAYA. DIBA…"
Tatango na sana ako pero. “… .TIM?!"
Napataas ang kilay ko. Napangisi ako nang wala sa oras. “Sige, huwag nyo kong pansinin!" bulong ko. Aba't, hindi nga ako nilingon man lang! Tongono.
Binigyan ko sila pareho ng death glare. Pinapatay ko na sila ngayon kasi buhay pa din. Tawang tawa pa nga, kapal ng mukha.
“HAHAHAHAHAHAHA---------SHIT!"
Napatigil sa pagtawa si Tim. “Panghorror. Whooo. Nakakatakot."
Nakakatakot? Nanggigigil na sumandok ako ng kanin sa pinggan ko. Hindi ko sila tinigilan ng tingin.
YOU ARE READING
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 72
Start from the beginning
