“Ngiting ngiti ah, parang hindi umiyak."

“NABABALIW NA 'YAN MALAMANG!"

Hindi ko sila pinansin, tuloy tuloy na kumain lang ako. Dinamihan ko 'yung sandok ng kanin at ulam. Nakailang damak pa ako. Well, good mood ako today hihi.

“Tsk." pagsusuplado ni Gray sa gilid. Napatingin ako sa kanya. Nagtatanong ang matang tinitigan ko siya.

“Nothing." preskong sagot nya sabay alis sa harap ko.

Ano daw 'yun? Well, whatever. Problema nya ba? Aissh! May sapak din talaga sya minsan.

Kakain nalang ako! Need ko ng energy para mamaya!

“George.”

“Oh?"

Ba't na naman kaya natawag 'tong si Timothy? Todo lamon lang ako habang hinihintay syang magsalita.

“Bakit sobrang iyak mo kanina nung hindi ka namin pinapansin? Nung sinusungitan ka namin?"

Napatingin ako sa kanya. Napatigil din ako sa pagkain. “Hindi mo alam 'yung rason?” seryosong tanong ko.

Umiling sya bilang sagot. “Umiyak ako dahil…" tiningnan ko silang dalawa. I smiled at them. “… .nasaktan ako malamang.”

Jusko, itatanong pa ba 'yun? Halata na naman 'yung sagot eh. Hindi sila nakapagsalitang dalawa. Parang hinihintay pa nila 'yung sasabihin ko.

“Kung itatanong nyo kung bakit ako nasaktan.." huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Nasaktan ako dahil kaibigan ko kayo. Masakit sa akin na naririnig na pinagsasalitaan nyo ko ng ganon, na ang cold ng treatment nyo sa akin maski naman sa lahat. Hindi ako sanay. Medyo nahurt din ako nung sinabi nyo na hindi ko kayo tanggap. Alam ko kasi sa sarili kong kahit maging ano pa kayo ipis, palaka, unggoy. Tanggap ko kayo! Basta kayo 'yung nasa harap ko, basta hindi kayo nagkukunwari. Kahit sabihin nyo sa'kin ngayon na bakla kayo hindi ko kayo huhusgahan. Tatanggapin ko kayo ng buong buo."

Nag-iwas sila ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila. “Dahil ganon naman kapag kaibigan diba? Ganon naman kapag nagc-care ka sa tao. Dapat tanggap mo sya, kahit sino pa siya."

Hindi sila makatingin sa'kin ngayon. Napatawa nalang ako. “Ginagawa nyo? Umiiyak ba kayo?"

Hindi ko nakikita 'yung mga itsura nila pero namumula sila pareho!

“S-SI TIM UMIIYAK!"

“Ako pa? Huwag ka ng magturo, dude!”

“TOTOO NAMAN!"

“Si George kaya 'yung umiyak!"

Napangiwi ako. Ba't napunta na naman sa akin? “Umiyak nga ako pero ba't kelangan nyong paulit ulitin? Adik ba kayo?"

“Oo! Nagaadik kami!"

Wew. Proud lang, Tim? Lakas pa ng bunganga nung sinabi nagaadik sila.

“Nagaadik kami! Tumitira kami nung Minkmink!”

Huh? MinkMink? Nu 'yon?

Napanganga ako habang nakatingin sa proud na si Tim. Paulit ulit na nagloloading 'yung utak ko hanggang sa mapagtanto ko 'yung sinasabi nya.

Putanginang MinkMink 'yan.

“Mikmik 'yun, baliw!"

“Minkmink kaya!"

Class of Morpheus Donde viven las historias. Descúbrelo ahora