Kapitulo Otso

53 1 0
                                    

Kapitulo Otso

Koronasyon

* * *

Dark Sky Parker

"MAHAL NA PRINSESA, humanda ka na dahil malapit na ang iyong koronasyon. Maging reyna ka na sa kahariang ito. Ayusin mo ang iyong galaw at pananalita."

Napalingon ako sa bahagi kung saan nanggaling ang boses. Kasalukuyan akong namasyal sa hardin ng palasyo. Nakita ko agad matipunong lalaki na tumingin din sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko ito kilala pero tinawag niya akong "mahal na prinsesa", siguro ay nagtaka ito sa aking tingin sa kanya.

"S-Sino ka? Hindi naman kita kilala, hindi rin kita nakita na tauhan ka ng palasyo."

"It's not necessary na makilala mo ako. I'm just a by-passer," he chuckled.

Natingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Parang kilala ko ang tindig niya. He winked at me kaya naging familiar siya sa akin.

The guy who stole my money... I remembered him.

"You-"

"Yeah. I guess you knew me. Nagkita ulit tayo." He snapped his fingers and his whole outfit changed.

Nanginginig ang ulo ko na yumuko dahil nakita ko ang korona sa ulo niya. He is King here.

Oh my... baka nagkasala na ako nang hindi ko alam.

"Patawad, mahal na Hari. Hindi ko alam ang iyong katauhan kanina, patawarin niyo ako kung nagkasala man ako." Nanatili lang na nakayuko ang aking ulo.

Malakas niyang tawa ang namuo sa buong lugar. Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa ito sa akin. Hindi naman nakakatawa ang sinabi ko.

"Raise your head, princess. You're the Queen of Xaphoenix Kingdom soon. You don't have to bow your head. You and I have the same title. Relax."

Naramdaman kong itinaas niya ang aking ulo para magtama ang mga mata namin. His brown eyes made me stuck for a moment. Nakakahipnotismo ang mata niya pero agad ko namang nalabanan.

"I never thought that you live here. Kaya pala naglaho ka lang na parang usok noong nasa Belphagor ako. Tapos nakakagulat na ang kumuha ng pera ko ay isang hari pala rito. Unbelievable."

Halakhak lang ang ginanti niya sa akin. Ang weird niya talaga.

"I'm sorry, magkamukha kasi kayo. Anyway, I have to go. See you later on your coronation day, princess."

Yumuko na lang ako bilang paggalang sa kanya hanggang sa lumaho siya sa harap ko. Sanay na ako sa paglaho ng mga nilalang rito kaya hindi na ako nagulat.

Magkamukha? Ang ina ko lang ang aking kamukha. Magkakilala ba sila ng aking ina?

Napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa aking silid. Baka naghihintay na sa akin si Lord Felix doon. Tama nga ang hinala ko maraming taga-silbi sa loob ng silid ko at inihanda ang damit ko sa koronasyon. Walang Lord Felix na ikahinga ko ng maluwag, isang lalaki lang na galit na galit at hindi mapakali sa loob.

Sino naman ito?

"Saan ka galing, mahal na prinsesa?" bungad na tanong ng lalaking pamilyar ang mukha nang makita niya ako.

"Wait! Ikaw ang lalaki na nasa pangunahing hardin 'di ba? Bakit nandito ka? Hinihintay mo ba si Lord Fel-"

"You're so innocent. Hindi mo talaga alam na si Lord Felix at ako ay iisa?" may inis na wika niya na ikinagulat ko.

"Woah. Paano ka nakapagpalit ng anyo? From Lolo to like this? Wow. Ang galing."

Namangha pa rin ako sa nalaman ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang tinawag ko Lolo sa Belphagor at Lord Felix na pinahanap ng aking Ama at iyong lalaki sa hardin ay iisa. Kaya pala ang gaan-gaan pa rin ng loob ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sinless Demon (Book 1 of The Demon Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon