Chapter 17

14 0 0
                                    

Chauncey's Point of View

After a week I already made a decision. Pupuntahan ko na si Daddy at hihingi ng tulong. Wala naman akong choice, ayaw kong mawala ang St. Luke, napamahal na din ako sa paaralan na iyon. Kaya gagawin ko na to.

Nandito kami ngayon sa park nina Julia at Nica dahil nagrereview kami para sa paparating naming exam bukas, buti nalang ang hindi maraming tao dito kaya hindi maingay. Hindi naman namin afford yung coffee shop, ang mahal kaya ng bayad kada minuto don.

Habang binabasa ko ang notes ko ay bigla nalang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa lamesa at sinagot, hindi ko na nga nakuta kung sino ang tumawag.

"Hello po, sino po ito?" tanong ko.

"Chaun, this is your Tita Ysa. Chaun yung Daddy mo." My stepmother called, and she's sniffing. Umiyak ba siya?

"Po? Anong nangyari kay Dad?" natataranta na ako.

" Inatake siya sa puso kanina habang nagtatrabaho siya. Nandito kami ngayon sa hospital at stable na naman ang lagay niya kaso hinahanap ka niya hija. Please maawa ka sa Ama mo." Pagmamakaawa niya.

"Sige po papunta na po ako diyan, i - text niyo nalang po ang address." minadali kong inilagay sa bag ko ang aking mga gamit at pinatay ang tawag.

"Juls, Nica. Una na ako huh. May emergency sa bahay." pamamaalam ko hindi ko na nga hinintay ang sagot nila at tinakbo ko na ang highway at pumara ng jeep.

Nag-vibrate na man ang phone ko at tiningnan ko ito.

From: 09*********

Gallilie Hospital. Mangarine Street. Ito ang address hija.

To: 09*********

Sige po papunta na po ako.

Sent

Buti nalang ang malapit lang ang Galilie Hospital at nakarating ako ka agad. Pumunta ako sa front desk ang tinanong ang room number ni Dad.

"Room 106 po ma'am, second floor." aniya sa nurse sa harapan.

"Sige po. Thank you."

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 2nd floor na button.

Room 106

Nakita ko agad ang room ni Daddy kaya kumatok agad ako. Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang mukha ni Tita Ysa.

"Tita." tawag ko sa kaniya .

"Chaun, halika pasok ka. Buti nalang at pumunta ka. Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo. "liningon  niya ang Ama kong natutulog sa hospital bed.

Lumabo ang mata ko sa nakita. Ang payat na ni Daddy tsaka may mga aparato na nakakabit sa kaniya. Dad.

Lumapit ako sa hospital bed at hinawakan ang kamay ni Dad.

"Dad, nandito na po ako. I'm so sorry po at lumayas ako sa atin. Dad gising na nandito na si Princess Chaun." umiiyak kong turan.

"Chaun, hija?" pinahid ko agad ang mga luha ko nang nadinig ko ang boses ni Dad.

"Dad!" napalakas ko ang aking boses at dinamba siya ng yakap.

"Dad! S-sorry po." panghihingi ko ng tawad. Sumisinghot pa ako.

"Oh my princess, bumalik ka na sa atin anak. Miss ka na ni Daddy. And I'm so sorry too alam kong may nagawa akong mali kaya ka lumayas sa atin." aniya at yinakap ako pabalik.

"Opo dad babalik na po ako. Bakit ka po inatake kanina? Hindi niyo po ba ininum ang maintenance niyo po?" tanong ko dito. My dad is not that old he's only 51 ngunit may mga maintenance na siya dahil sa highblood niya.

Ms. PresidentWhere stories live. Discover now