Prologue

86 12 0
                                    

"Okay little dinosaur's huwag kayong malilikot baka mawala kayo dito sa mall, okay!" Sabi ni Chaun sa mga batang babae na nakasuot ng dinosaur outfit. Narito sila ngayon sa A- Mall isa sa mga pinakasikat na mall sa buong mundo.

"Yes, Tita Ton no likot AT" bulol na sabi ng pinakamaliit na bata sa kanila.

(Yes, Tita Chaun hindi malikot si Ac)

"Yan, goods at nagkakaintindihan tayo. Tara na baba na sa sasakyan." Ngiting ani ni Chaun.

Sumunod naman sa kanyang sinabi ang tatlong dinosaur's— este bata pala.

"Tita Chaun bakit ganito soot namin?" takang tanong ng isang bata dinosaur. Siya ang pinakamatanda sa tatlo.

"Wala lang ang ku-kyut niyo kasing tatlo Ara babyko" lambing niya sabi.

"Tss... ang init nito Tita Chaun eh" sumabat naman ang pinaka reklamador sa tatlong bata.

"Hay nako, Aya napaka reklamador mo talaga. Kung hindi lang kita pamangkin baka hinulog na kita sa ilog pasig." Pabirong irita niya sa bata.

At biglang umiyak si Aya sa sinabi niya.

"Uwaaaaaaaaaaah! Sumbong kita kay daddy mamaya! Uwaaaaaaah" dali-dali niya naman tong kinarga at pinatahan.

"Shussh, charot-charot lang naman yun Aya walang ganyanan Ha-ha" Si Aya din ang pinakamaiyakin sa tatlo.

Nandito sila sa mall dahil siya ngayon ang nakatukang magbantay sa triplets nato. Dito sila ngayon magdidinner.

"Ara, hawakan mo kamay ni Ac para hindi mawala, tas hawakan mo tong kamay ko." aniya sa mga bata.

Mahirap na baka mawala ito dito sa mall at baka mapatay siya ng kanyang kuya.

Sinunod naman ng mga bata ang sinabi niya.

Nang makapasok sila sa mall ay marami ng nakatingin sa kanila. Sino ba naman hindi titingin sa kanila ang ku-kyut ng batang dala niya. Meron pang nagpipicture sa kanila.

Binalewala lang yun ni Chaun at naglakad nalang.

"Tita Chaun, baba ako." biglang sabi ni Aya na karga niya.

"Sige pero humawak ka sa kamay ko." Aniya

"Sige po."

Nagsimula lang ulit silang maglakad at bigla nalang bumitaw sa kaniya ang mga bata at pumorma ng parang train habang ang mga kamay ay nasa balikat ng kanilang kapatid.

Bale ang nasa unahan si Ac sunod si Aya ang kamay niya nasa balikat ni Ac at si Ara ang last at ang kaniyang kamay ay nasa balikat ni Aya.

Habang siya ay nagulat sa formation ng mga bata at kumanta ito ng napakalakas.

"C'mon vomonous, everybody let's go!
c'mon we can do it! I know I can do it!
where are we going!? To the Jollibee" kanta ni Ac kahit may pagka bulol ito.

"Where are we going!?" muling tanong ni Aya

"To the Jollibee!" sagot ni Ara at Ac.

Pagkatapos ng kanta ay tumawa ang mga bata, siya naman ay naka ngiting tiningnan ang mga pamangkin.

"Diba sabi ko huwag makulit, bakit kayo kumanta diyan?" nakangiting tanong sa tatlo.

Ms. PresidentWhere stories live. Discover now