"Alam ba ito nila Tita?"

Napalingon ako sa kaniya.

Tinawag niyang Tita ang Mama ko?

"N-No, hindi nila alam."

At hindi nila pwedeng malaman.

Hindi nga nila ako pinayagang magtrabaho. Mas malalagot pa ako kapag nalaman nila ang nangyari sa akin kanina. Grabe pa naman mag-alala ang mga 'yon. Baka mapabiyahe sila nang wala sa oras para makita lamang na okay ako at masiguradong walang nangyaring masama sa akin.

Makalipas ang ilang minuto, nasa condo tower na kami. Pinark lamang ni Galen saglit ang kotse niya sa basement parking.

Nang mai-park na niya ang kotse, agad na itong lumabas.

Umikot ito papunta sa front seat. Akmang bubuksan na niya ang pinto ngunit naunahan ko siya. Ako na ang nagbukas nito nang tuluyan para makalabas ako.

Hindi agad ito naglakad.

Hinintay niya munang makahakbang ako at malagpasan ko siya.

"Do you need help?"

Napahinto ako. Siguro ang tinutukoy nito ay kung kaya ko bang maglakad. Wala naman akong galos na natamo sa bandang binti dahil nakasuot ako ng maong pants. Masakit lang ang bandang pwet-an ko dahil napasalampak ako kanina.

Pero imbes na sagutin ko siya nang seryoso, nakaisip ako ng kalokohan. Napangiti ako bago ko ito lingunin.

"A-Aray!" Um-acting ako na para bang namilipit sa sakit ang tuhod ko. Nakayuko na ako nang mag-panic siya. Dali-dalit itong lumapit sa akin. Inalalayan niya ako sa braso na hindi nagagalaw ang sugat ko.

"This is a nonsense question, but I'll still ask you, are you alright? Oh, wait— tatawag na ba ako ng Doctor? What if sumakay ka na lang ulit sa kotse at idiretso na lang kita sa hospital?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko na napigilang mapahalakhak.

Really? Si Galen ba talaga 'to?

Bakas sa tono nito ang sobrang pag-aalala.

Saka lang ako napahinto ng tawa nang binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko at doon, napagtanto niyang pinag-tri-trip-an ko siya.

Bumalik ang dating poker face na ekspresyon ng mukha niya and this time, mas masakit na ang tingin na ipinukol niya sa akin.

"Do you think it's funny?"

Natakot ako sa tono niya kaya napaayos ako ng tindig at sumeryoso na rin.

"Ito naman, joke lang, eh! Ang seryoso mo kasi."

Hindi na niya ako inimikan. Humakbang na lamang siya at nilagpasan ako. Hindi na niya ako nilingon. Nagtuloy-tuloy na lang siya sa paglalakad.

Napikon ba siya?

Hindi kasi ako sanay na ganoon siya umasta sa akin, worried at concerned. Parang hindi tuloy siya 'yung Galen na nakilala kong masungit at snob.

Hindi na ako nagtagal sa kinaroroonan ko.

Naglakad na rin ako at hinabol ito. Naabutan ko siya bago siya sumakay ng elevator.

Walang ibang tao kaming nakasabayan sa elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob at nabuo na naman ang katahimikan sa pagitan namin.

Gusto ko sana siyang itanong kung bakit sinundo niya ako at kung bakit sinagot niya ang tawag ko. May choice naman siya na dedmahin ako dahil sino ba naman ako sa kaniya, 'di ba? Si Jervy nga eh nakakaya akong 'wag siputin, siya pa kaya?

Pero hindi ko ito matanong.

Badtrip na naman siya sa akin, eh.

Nagsalubong na naman ang kilay nito.

Ilang saglit lang ay nagbukas na ang elevator. Una siyang lumabas, nakasunod ako sa likuran niya.

Ilang hakbang lang ang binaybay namin sa hallway bago makarating sa condo unit niya. Gumilid ako at hinintay na buksan niya ang pinto.

Nauna siyang pumasok.

Sumunod ako.

Inalis ko lang ang suot kong sneakers at inilagay ito sa lagayan ng mga sapatos na nasa likod ng pinto. Didiretso na sana ako sa kwarto nang mapahinto ako. Nakita ko siyang nakatayo sa hallway na nasa pagitan ng magkatapat na kwarto namin. Mukhang hinihintay niya ako.

Tiningnan ko siya na nagtataka.

"Hintayin mo ako roon," pautos niyang sambit sabay tingin sa sala.

"Ha? Bakit?"

Pero imbes na sagutin niya ako, iniwan niya lang ako at dumiretso sa kwarto niya. Hobby na ba niya talaga na mang-iwan ng tanong sa ere? Hindi na ako magtataka kung marami na siyang ghinost.

Well, aminin ko, may hitsura naman talaga itong si Galen. For sure, maraming nagkakagusto sa kaniya. 'Yun nga lang, mukhang mahihirapan silang mapaamo ang isang 'to.

Wala man akong ideya, sinunod ko pa rin ang inutos niya. Dumiretso ako sa sala at hinintay siya roon.

Nasa harap ko ang remote pero wala akong gana na manood kaya tumunganga na lang ako hanggang sa dumating na siya.

Nakatayo siya sa harap ko. Nahagip ng paningin ko ang dala niyang plastic container. Hindi ko alam kung anong laman nu'n.

Ipinatong niya ito sa lamesa. Naupo siya sa gilid ko at binuksan ang dala niya.

Isa pala 'yung medical kit box.

Nakita ko ang ilang first aid kit items na naroon. Naalala ko si Mama, madalas niyang gamitin ang first aid kit namin sa bahay noon dahil halos araw-araw ay nagtatamo ako ng sugat pagkatapos maglaro. Ang clumsy ko kasing gumalaw kaya hindi maiiwasang madapa ako o makabangga ng mga gamit dahilan para magtamo ako ng ilang gasgas sa katawan.

Hindi ko namalayan na hinawakan ni Galen ang braso ko at dahan-dahang nilinisan ang sugat ko.

Napadaing ako dahil sa hapdi.

Napansin niya 'yon kaya yumuko siya at hinipan ito.

Nakapokus siya sa pagdampi ng gamot sa sugat ko kaya may oras ako para pagmasdan siya.

Habang dinadampi ang bulak na may alcohol sa braso ko ay sinasabay niya ng pag-ihip para mabawasan ang hapdi nito.

Sa buong buhay ko, siya lang ang nakagawa nito bukod kay Mama at Papa. Siya lang ang unang lalaking nagpakita ng pag-aalala at nag-effort na alagaan ako kahit sa ganitong simpleng paraan.

Bakit niya ito ginagawa?

Nabigla ako nang tiningala niya ang kaniyang paningin at nahuling nakatingin ako sa kaniya. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya.

Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ako na ang magtutuloy niyan. Kaya ko nang linisan ito."

Akmang kukunin ko ang bulak na nasa lamesa pero inunahan niya ako. Binawi niya ang braso ko. Itinuloy niya ang paggamot nito sa sugat ko.

"Gusto mo bang ipaalam ito kila Tita?" tanong niya habang busy siya sa kaniyang ginagawa.

"Please, huwag," sagot ko.

"Bakit ka nagtratrabaho?" Isa pa niyang tanong.

Hindi ako sumagot agad. Bumuntong-hininga muna ako. "Para makaalis dito at makabalik sa dorm."

Pagkasagot kong 'yon ay napadaing na naman dahil sa sakit. Napadiin ang pagkakadampi niya sa galos ko kaya naramdaman ko ang hapdi ng gamot na nilalagay niya.

Hindi ko mawari kung bakit niya ako tiningala. "Gusto mong umalis dito?"

Tumango ako.

Iyon naman ang totoo. Kaya ako nagtratrabaho kahit ayaw ng mga magulang ko ay para makaalis dito sa condo niya at bumalik sa dorm. Alam ko namang ayaw niya ring mag-stay ako rito.

Hindi na niya ako inimikan.

Tinapos niya lang ang paggamot sa akin at saka na ito tumayo at walang pasabing nagdiretso sa kwarto niya. Iniwan niya akong nagtataka sa inasta niya.

Anong nangyari roon?

Living Under The Same RoofWhere stories live. Discover now