DOBLE

3 0 0
                                    

"Ma! Alis na'ko!" Sigaw ko pagkababa ko ng hagdan sa bahay na kakalipat palang namin nung araw bago ang kahapon.

"Sige! Mag-iingat ka! Yung kapatid mo, sinundo na ng school bus kanina, ha Jimmy?!" Dinig kong sigaw niya galing sa kusina.

"Opo!" Balik kong sigaw.

Mabilis akong lumabas ng bahay at nakita ko yung school bus na naghihintay, at ang alam ko ay hiwalay ang elementary sa high school students. Isang school bus sa elementary, isang school bus sa high school. Kaso, nauunang sinusundo ang mga elementary.

Pumasok na'ko sa school bus at naghanap ng bakanteng upuan. Tatlumpong minuto bago kami nakarating sa school. 

"Kuya Jimmy!"

May narinig akong tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa likod ay may nakita akong batang babaeng kumakaway sa'kin. Pamilyar siya.

"May kailangan ka ba?" Mahinahon kong tanong.

"Ah, e kasi po, hinahanap ka ni Jimboy kanina." Tukoy niya sa kapatid ko.

"Ha? Eh nasa'n siya? Teka—ano ka niya? Bakit mo siya kilala?"

"Kaklase po niya'ko, hihi." 

"Ah gano'n ba, anong pangalan mo?"

"Kate po! Kate Vergara."

"O sige Kate, alam mo ba kung nasa'n si Jimboy?" 

"Hindi po eh. Pero kanina nakita ko po siya sa Batibot."

Batibot? Anong ginagawa niya dun?

"O sige na Kate, mauuna na'ko. Baka kasi may kailangan si Jimboy eh." Paalam ko.

Kumaway lang siya at ngumiti.

Habang naglalakad ay tumingin ako sa orasan na nakalagay sa pulsuhan ko. 7:00 am. 30 minutes pa, bago mag-umpisa ang klase.

Ang batibot ay isang oval. May malaking kubo at may mga puno. May mga lamesa at bench din na nandoon na gawa sa semento. 

Madalas doon pumupunta ang mga estudyante kapag may bakante silang klase o kaya naman ay uwian, dahil bukod sa presko ay maganda iyong pahingaan. 

Nakalagay ang batibot sa pagitan ng mga room sa high school at elementary, ibig sabihin ay nasa gitna siya.

Pagkarating ko do'n ay nakita kong marami-rami pang estudyante ang nandoon kasi maaga pa. Pero dumeretso ako sa may swing dahil doon ang laging spot ni Jimboy. At nakita ko naman siya ro'n.

"Jimboy!" Tawag ko.

Pero nagtaka ako nang hindi siya tumingin. Nakatingin lang siya sa harap niya at hindi kumukurap. Tulala siya.

"Jimboy?" Tawag ko ulit pagkalapit ko.

"JIMBOY!" Malakas na sigaw ko, hindi alintana ang mga taong nakatingin sa'kin. 

Nakahinga ako ng maluwang ng lumingon sa akin ang kapatid ko, "Hinahanap mo raw ako?" 

Umiling naman siya pero walang sinabi. Nangunot naman ang noo ko roon.

Tumayo siya at parang robot na naglakad. Uhm, papunta sa classroom nila. Sinundan ko naman siya para makasigurado na doon nga siya pupunta.

Nang nasa nandoon na nga kami ay tumingin ako sa bintana ng room nila.

Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa nakita.

Nakaupo na si Jimboy sa kanyang silya at nakikipag-kwentuhan na sa mga kaklase niya.

Pero sino yung—

Pagtingin ko sa likod ko ay wala akong taong nakita. Ni anino ay wala. Muli akong tumingin kay Jimboy. 

Kilala ko ang kapatid ko. Madaldal siya.

At masasabi ko na ang kasama ko kanina ay hindi si Jimboy.

Sino 'yon? Pinaglalaruan ba 'nila' ako?

--


N/A: How was it?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now