What an opportunity. It's so funny. The world probably hates me so much.

Tinititigan ko si Boaz na nag-aalala namang nakatingin sa akin. His shoulders are slumped and his eyes are restless. He looks like he hasn't slept a wink. He must be thinking and worrying about the pictures of him and Kiesha. He must think I'm upset or angry.

But I don't feel anything but pity.

Pagod ako. I'm too tired. I just want to rest and take a very long sleep.

"Ida. . ."

His voice is full of fear. Kung sabagay. Ngayon lang nangyari ito. Hindi niya siguro alam ang gagawin.

He's scared. I want to pull him and give him a hug. I just want to caress his hair and tell him that everything is gonna be alright.

But I'm too tired. I feel so guilty. Bakit pagod at awa lang ang nararamdaman ko?

"H-Hindi totoo ang sinasabi nila. I can't do that to you."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. He's covering me from the morning sun. This day looks so peaceful—with the soft clouds covering the blue sky like cotton. Everything looks so beautiful. . . Yet they still look gloomy in my eyes. At kahit si Boaz ang nasa harapan ko, itim at puti lang ang nakikita ko.

Boaz. . . I know for sure that I love you. But this war inside my heart. . . I can't win it with just your love. Time? Space? I don't know any remedy. I'm too broken. Kung pag-ibig ang sagot sa bawat laban. . . Paano iyon kung ang mayroon lang ako sa ilang mga ligong lumipas ay pagod?

"I'm sorry, Ida. . ."

Boaz looks scared. His hands are trembling—as if he wants to raise them and hold me but can't.

Hindi ako umimik sa ilang minutong lumipas. Pinagmasdan ko lang siya at ganoon din siya sa akin. I give him a small smile. Bumagsak ang tingin niya sa ngiti ko at mukhang hindi niya iyon inaasahan.

"It's fine." I pause for a couple of seconds. Pagkatapos ay tumalikod ako para bumalik na sa kwarto ko.

"Ida," he calls. "Ida, sandali."

Napatigil ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay sa kamay ko. Maingat ang hawak niya pero ramdam na ramdam ko ang takot na nanggagaling doon.

"Ida. . . Nakipag-usap lang ako sa kaniya dahil—"

"I told you. . . It's fine."

Natahimik siya. Humigpit nang kaunti ang hawak niya sa akin.

Lumipas ang ilang segundo. Minuto. Gusto ko nang tuluyan nang umakyat at magpahinga. But then he talks again.

"It shouldn't be fine."

Natigilan ako at napalingon sa kaniya. His eyes are bloodshot. Kung kanina ay takot lang ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon, puno na iyon ng kalungkutan.

Parang mabilis lang na lumipas ang panahon. O baka akala ko lang, mabilis ang panahon pero tumigil lang talaga ang oras sa mundo ko. Ilang linggo na rin ang lumipas. Para siguro sa iba, ang tagal na ng nangyari. Pero para sa akin, parang kahapon lang ang lahat.

Maybe that's why I feel confused with what I am feeling. Kaya siguro napapaisip ako kung sobrang tagal ko na bang malungkot para makita sa mga mata ni Boaz ang pagod.

Ilang beses ko na ba siyang nasaktan sa nakaraang mga linggo? Hindi ko alam. Dahil parang lumipas lang ang lahat ng nangyari noong nakaraan sa akin. Hindi ko namalayan na ilang linggo na pala ang dumaan.

"Ida, it shouldn't be fine," ulit niya.

Anger? Disappointment? I can't figure out which emotion is dancing in his eyes.

In Love And War (War Series #4)Where stories live. Discover now