Calvin Dy

2K 123 87
                                    

Wala ni isa sa amin ang nag-expect na ikakasal si Clark this year. Same sa walang nag-expect na ikakasal kaming tatlo nina Leo ngayong taon din. Pero sa lahat yata ng kasal na nangyari sa barkada, kay Clark na ang masasabi kong ginastusan.

Simple pa ang kina Meng at Pat. Five hundred attendees? Psh!

Seventy attendees lang ang pinagbigyan ni Clark na makapasok sa simbahan. Hindi rin kasi ito malaking church kundi maliit lang na chapel. Ang kasya sa loob, nasa 100 lang. Magkabilaang side ng upuan at mga upuan sa palibot.

Simple?

Siguro nga, simple.

Sina Leo at Will ang best men niya. We were expecting na si Rico ang pipiliin niya, but he said na baka raw sa speech ni Rico, may sabihin ang kapatid ni Sabrina na hindi niya magustuhan kaya auto pass siya kay Early Bird.

Groomsmen kami, at sa buong barkada, masasabi naming si Clark lang ang may kompletong parents na dumalo. Siya rin ang may kasal na talagang pinaghandaan. Kanya rin ang kasal na siguradong pinaggastusan. Sobrang spoiled nga, partida, unang beses pa lang niyang ikakasal.

Pinili niya itong chapel kasi first chapel ito na napasukan niya noong bata pa siya. Isang abutan nga lang ni Rico ang kisame, kanina pa niya kinakatok tuwing naglalakad kami sa loob. May ilang parte ang chapel na bukas at haligi lang ang meron. May ibang may mosaic window ng mga santo.

Dumayo pa kaming lahat sa Cebu para lang dito sa chapel na 'to. Sa likod nito, cliff na may magandang view ng dagat. Mula roon sa gilid ng bangin, tanaw ang lighthouse na bukas tuwing gabi.

Isa ibaba, may malawak na private island doon na nirentahan lang naman ng mga Dardenne para lang sa kasal ng bunso nila. Two days na kaming naka-stay roon. Umakyat lang kami rito sa itaas para sa mismong kasal sa maliit na kapilya.

Kanina pa nag-start ang ceremony, nakikinig na lang kami sa sinasabi ni Father Raymond. Nakadantay na nga ang ulo ko sa balikat ni Patrick kasi nakakaantok na. Ang init pa naman.

Saglit kong nilingon si Shin sa puwesto niya sa bandang gitna ng kabilang column ng mga upuan. Nakayuko lang siya kaya sigurado akong naglalaro na naman 'yon sa phone. Hindi naman kasi siya interesadong makinig sa mga ganitong ceremony.

Inabot pa ng ilang minuto bago magbigay ng vow at mauuna si Clark. Pinaayos na kami ng upo kasi ibig sabihin din, malapit nang matapos.

Ang dami nang camera na nakatutok kay Clark, ultimo sa mga bisita rin. Kahit kami, nagsipagbukasan ng camera para lang dito.

"Lord, kinakabahan ako," sabi niya pagharap kay Father Raymond. "Ay, sorry, Father pala. Father, kinakabahan ako, Father."

Hindi pa nagsisimula, nakakarami nang hagikgik sa loob ng chapel.

"Kaya mo 'yan, anak." Hinagod-hagod pa ni Tita Pia ang likod ng anak niya para pakalmahin. Nandoon lang naman sila ni Padi sa likod ni Clark.

Pigil na pigil ang mga tawa namin nina Early Bird sa puwesto namin sa bandang gilid ni Clark. Malayo lang nang kaunti sa altar.

"Tita Tess, wala nang bawian 'to, ha," disclaimer pa niya kay Tita Tess na nakasimangot na sa kanya sa likuran ng mga bridesmaid. "Game."

Nakailang ayos siya ng hawak sa mic bago binasa ang nasa kodigo niyang nasa phone.

"Sabrina Dardenne . . . Sabby . . . ang baby ko forever, wala namang iba . . . sorry, hindi ko talaga pinangarap tumayo rito sa altar kaharap ka." Bigla na naman siyang pumaling kay Tita Tess at parang maiiyak na. "Tita, hindi talaga, promise! Sorry na agad! Hnngg!"

Nakailang padyak na kami sa upuan para lang huwag humagalpak ng tawa.

Gago ka, ha. Sabrina ka pa, ha. Baby-baby ka pa, ha.

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now