Commitment

4 1 0
                                    

Disclaimer:
This poem is based only on my point of view, so please bear with me.

Commitment

Isang mumunting salita,
Pero kinatatakutan ko na ata,
Naniwala sa lahat ng iyong panata,
Nagtutula na parang makata.

Ayoko na ng bagong kabanata,
Kung paulit-ulit lang rin naman akong sasaksakin ng sandata,
Mga luha na patuloy lang ang pag-agos mula sa aking mga mata,
Masasaktan at masasaktan lang ng hindi niyo nahahalata.

Ayoko na talaga,
Kakapagod narin pala,
Pagod na pagod nako sa mga pangako niyo na puro lamang salita,
Nangangako pero hindi niyo naman ginagawa.

Sabi nga ng iba,
Commitment ang siyang nagpapatatag ng relasyon sa isa't isa,
At dahil isa tayong mga tanga,
Umasa tayo sa salitang inaakala nating tama.

Kaya tama na,
Ayoko nang maniwala,
Na may gan'yan pang salita,
Dahil ubos na lahat ng aking tiwala.

Tigil na,
Isa lang naman 'yang salita,
At katatapos lang rin naman sa salita,
Kaya Hanggang maaga pa, tama na.

***

Para sa kaalaman ng lahat, wala pa po akong boyfriend, since birth HAHAHAHAHA kaya pagpasensyahan niyo na si author at nagiging bitter minsan.

Poem & PoetryWhere stories live. Discover now