Hanggang Sa Dulo

20 1 0
                                    

Hanggang Sa Dulo

Simula na ng bagong kabanata,
Nais kong simulan natin ito ng magkasama,
Bubuo ng mga bagong alaala,
At suportahan ang bawat isa.

Walang iwanan,
Kahit na ano pang maranasan,
Magkasamang bubuo ng pagkakakilanlan,
Susuportahan ano mang kagustuhan.

Kahit saan man tayo patungo,
Magkahiwalay ma'y di susuko,
Uuwi at uuwi parin sayo,
Sasamahan ka hanggang Dulo.

Isa, dalawa, tatlo,
Walang maikumpara sayo,
Nag-iisa ka't walang katulad na sino,
Kung kaya't ninais kong ikaw ang maging dulo.

Ikaw at Ako,
Tayo hanggang Sa Dulo,
Hinding hindi ako magbabago,
Sayo lang tutungo.

Poem & PoetryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum