Fools in Love

158 17 4
                                    

Malungkot kong sinundan ng tingin ang dalawang anyo na papalayo mula sa aking kinaroroonan. Ang lalaki ay nakaakbay sa babae at ang babae naman ay nakapulupot sa katawan ng lalaki. Agad umusbong ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. Kirot na parang tinutusok ako ng libo-libong karayom.

Nanghihina kong isinandal ang aking sarili sa pader sa aking likuran.

“Elton. . .” ang tangi kong nausal. Iyon ang pangalan ng lalaking aking nakita. Si Elton. . . ang aking asawa. At ang babae? Hindi ko alam kung sino siya. Mukhang bago na naman niyang napag-iinteresan.

Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo. Kung makailang beses ko na siyang nahuling may babae mula nang magsama kami bilang mag-asawa ay hindi ko na mabilang.

Binalikan ko ang nangyari noong unang beses ko siyang makita na may kasama.

“S-Sino ’yong kasama mo sa may plaza kanina?”

Marahas akong hinarap ni Elton at binigyan ng matalim na titig, na kung may kasama lamang iyong punyal ay malamang mayroon na akong napakalalim na sugat. Mariin din niya akong hinawakan sa magkabilang balikat kaya hindi ko napigilan ang mapaigik.

“Wala kang pakialam kung sino ang kasama ko. Oo, asawa kita pero sa papel lang. Pero hindi ibig sabihin noon ay puwede mo nang panghimasukan ang buhay ko!”

Mula nga noon ay hindi na ako nagtangka pang komprontahin siya sa mga sumunod na pagkakataon. Hinayaan ko lang siya kahit madalas ay harap-harapan pa niyang ipinamumukha sa akin ang kaniyang pambababae. Na ang karamihan ay dinadala pa niya mismo sa aming bahay. ‘Yung tipong wala akong magawa kundi tahimik na humikbi sa kuwarto habang nakatakip ang mga tainga ko huwag lamang marinig ang pag-ungol nila ng babae niya sa kabilang silid.

Ang sakit-sakit. Napakasakit. Pero wala akong magawa. Kasalanan ko naman kaya siya nagkakaganiyan, eh.

Miyembro si Elton ng Boy5, isang Pinoy Pop group na sikat na sikat sa Pilipinas apat na taon na ang nakalipas. Nakuha nila ang atensiyon ko nang mapanood ko ang music video ng first single nilang “Hit the Floor”. Hindi ko nga sana tatapusin ang panonood noong time na iyon. I almost end the video not until, isang miyembro na kumakanta ang kumuha ng atensiyon ko.

Si Elton.

Bawat miyembro ng Boy5 ay may kani-kaniyang angking kaguwapuhan pero itong si Elton ang bukod-tanging nakakuha ng atensiyon ko. He looks like the Filipino version of Shawn Mendes. Dangan lamang na itong si Elton ay mayroong itim na mga mata at ang buhok niya ay brushed up at back waves ang istilo. Other than that, halos pareho na sila. Papasa na nga silang magkakambal, eh.

Sinimulan kong i-stan ang Boy5 mula noon. I became one of their ultimate fangirls. Lahat ng events nila ay pinupuntahan ko sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Hindi naman mahirap para sa akin iyon because I was born with a golden spoon. Hindi problema sa akin ang pera.

Habang tumatagal, lalong lumalala ang pagiging fan ko sa kanila lalo na kay Elton. It came to a point na sobrang gustong-gusto ko na siya. Yung tipong pagkamulat ko ng mga mata sa umaga at bago matulog sa gabi e siya ang bukambibig ko. Wala ’yang palya araw-araw.

Hanggang isang araw, I got a chance to have a close encounter with them. Sinundan ko sila sa outing sa isang private beach resort. Nalaman ko iyon dahil nabulungan ako ng isa sa staff na palaging kasama ng Boy5 na medyo naka-close ko.

Party all night. Maraming pagkain at alak. Nang magkaroon ako ng pagkakataon, nilapitan ko si Elton at binigyan ko siya nang binigyan ng alak na hindi naman niya tinanggihan. He became drunk. I took that rare chance to bring him to my cottage. The rest is history.

Nalaman ni daddy ang nangyari. Nagalit siya. Hindi ko naman siya masisisi kasi ako lang ang nag-iisa niyang anak. The one and only heiress of his multinational corporation.

Mabilis ang pangyayari. Dahil sa pananakot ni Dad, napilitang magpakasal sa akin si Elton. I was the happiest bride that time not knowing it would be the last time that I will experience genuine happiness. ’Cause I live like I’m in hell starting the day after we exchange our marriage vows to the Lord.

“I will make your life miserable just like what you and your father did to me, Nadine! Gagawin ko ang lahat hanggang sa dumating ang pagkakataon na ikaw na mismo ang sumuko sa pagsasama natin. And if that happens? I will certainly be the happiest man in the world!”

Pinahid ko ang mapait na luhang kumawala sa mga mata ko matapos kong balikan ng tanaw ang lahat ng iyon. I regained my balance. Muli kong ibinalik ang tingin sa direksiyong pinuntahan ng asawa ko at ng babae niya kahit kanina pa sila wala.

“Kakayanin ko pa, mahal ko. Kahit gaano pa karaming babae ang dalhin mo sa bahay, kahit paulit-ulit mo akong saktan, kakapit pa rin ako.” Napasapo ang isang kamay ko sa kanan kong dibdib dahil muli na namang kumirot iyon. “Mas lalong masakit sa akin kapag tuluyan kang nawala sa buhay ko, Elton. Mahal na mahal na mahal kita.”

Nag-umpisa na akong maglakad pauwi. Mayamaya ay may asong nakaharang sa daan ko. Tinahulan ako nito at sinagpang ako sa braso. Mabuti na lang ay hindi bumakat ang kagat dahil makapal ang suot ko.

Hinugot ko ang isang tinapay sa bulsa ko at ibinigay sa aso. Mayamaya pa, ang nakaasik nitong mukha ay tuluyan nang napalitan ng pagiging maamo.

I patted the head of the dog. “Time will come that I will finally tame Elton just like this dog. For now, I have to endure its bites even though it hurts while I haven't found the bread that I can give to him.”

Nang matapos kumain ang aso ay tumayo na ako at naglakad palayo. Napangiti na lang ako nang marinig ko ang pag-ungot ng aso na nakasunod na pala sa akin habang nagkakawag ang buntot.

Dahil Mahal na Mahal Kita [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang