Chapter 40: If this is the last time

Start from the beginning
                                    

Pareho kaming naging tahimik ng ilang segundo bago ulit ako magsalita.

"Last time... i dreamed about mom and dad. Its a dream... no, its a good memory that I treasure. Oddly, I dreamed something which was the same with that memory... ang kinaibahan, nangyare raw ngayon. Both of them were beside me, guarding me as I'm lying here in this bed... maybe i'm being delusional dreaming about it. Sabi nga nila, mostly you'll dream about something which you always thought inside your mind." kwento ko sa kaniya.

"Ganun ba? Kung totoo yun maganda sana kasi andito sila sa tabi mo, worrying about you..."

"Yeah... indeed. Blissful but somehow, a bit sad."

"Well... u-uhhh paano kung yung papa mo bumisita? A-anong magiging pakiramdam mo?" out of the blue ay naitanong niya.

My mind is just blank. Hindi ko alam ang kasagutan sa katanungan niya... but I don't feel anything at all.

"S-sorry... b-bigla kong natanong. Huwag mo na saguti---"

"I don't know what to feel about it. Malalaman ko siguro kung mangyare na..." tanging sagot ko.

"But one thing is for sure after I dreamt about that memory..." then I chuckle.

"A-ano naman yun???" curious na tanong niya na ikinangisi ko.

"Gala tayo." I stated.

Nang mga oras na iyun ay balak ko sanang tumakas sa ospital para lumabas. Nang sabihin ko ito kay Darlene ay sinermunan niya ako. Nakwento ko na gusto ko lang namang subukan iyun at maexperience kung maganda ba ang thrill na dala ng plano ko. Nang marinig niya ito ay nagustuhan niya rin naman.

After I got dressed and all. Akala ko ay magiging sikreto talaga ang paglabas ko sa ospital ngunit nang lalabas na ako ng kwarto, andoon si Professor Jed na nakatayo kasama si Darlene. She asked permission to him and by that, Professor Jed talked to my doctor for approval. That's the tale on how my plans were ruined.

"Uyyyy! Tatampo ka pa rin sa'kin?" kulit niya habang nasa loob kami ng train.

My arms were crossed while looking outside the window, my back quite facing her.

"Ang kj mo..." maiksing tugon ko kaya't sinimulan na niya akong kulitin sa pamamagitan ng paghila sa hem ng suot kong gray na polo shirt.

"Mabuti sana kung okay ka eh, kahit umakyat pa tayo sa bakod o tumalon-talon sa bawat building eh papayag ako... syempre inaalala ko'ng kalagayan mo..." nagsusumamo nitong paliwanag na akala mo'y seryosong seryoso ako sa mga plinano ko.

"Logically speaking, do you think I can do that?" pero kung gugustuhin ko ay magagawa ko.

"Siguro?"

"I said that just half in jest..."

Pagkatapos ng ilang oras na biyahe,  nakarating na kami sa destinasyon. I bought some flowers on the way in the nearest flower shop like I always do bago pumasok.

"Dito nakalibing ang mama mo, hindi ba?" tanong niya. I hum and fix the bonnet that I'm wearing.

We finally arrived at mom's tombstone. Itinabi ko na sa kaniya ang dala kong bulaklak.

"I want you to meet my mom..."

She hum and close her eyes. I guess she's praying for her.

"Anong sinabi mo kay mom?" tanong ko nang magmulat na siya ng mga mata.

"Uh... wala pa naman... i prayed first." medyo nahihiyang pagkakasabi niya.

"Dinala nga kita rito para kausapin siya... wala ka bang sasabihin? Here I am, just wasted my time bringing you here..." I frown and kick her behind her knees gently.

"Ang sama mo talaga! Naninipa... may sa kabayo ka ba pinaglihi?" reklamo niya. I chuckle and look at my mom's tombstone.

"Mom... here I am. Beside me, she's Darlene... the one I've been talking to you. I know that Paolo's with you there. I hope you finally met him..." i uttered in the air. Walang naging kibo ang kasama ko at tahimik lamang na nakikinig.

"I just want to tell you that I've been decided... I mean... if this is the last time for me, I wanted to spend my days with the person very special to me..." I added and look at Darlene.

My cold hand reach hers, gently holding it and let our fingers intertwined. Dama ko ang init ng malambot niyang palad sa akin.

My sincere and serious mood changes nang bigla siyang suminok. Hindi ko napigilang tumawa. It's so priceless how she reacted unexpectedly.

"H-huwag ka ngang g-ganiyan! T-tita oh!" tanging nasabi nito dahil hindi pa rin ako tumigil sa pagtawa.

"Sobrang gwapo mo nga tumawa... pero dahil naman sa pang-aasar mo sakin! Kainis ka..." aniya sabay bawi sa kamay niyang hawak ko ngunit mas hinigpitan ko.

"Stay."

She frowned at me before smirking.

"Tita... I mean Mama... yung anak niyo po he's taking advantage of me..." nakangising pagkakasabi niya na ikinatigil ko sa pagtawa.

"W-what did you just say?" Hindi ko makapaniwalang atas.

"Ma... tapos yung anak niyo po, sobraaaang sama sa'kin like lagi nila akong inaasar ni Paolo. Sobraaang kawawa po ako. Tapos po isang beses... hindi po pala... ilang beses na po! Kiniss niya po ako sa lips! Tapos po hindi naman po kami! Hindi po siya nanliliga---"

I cover her mouth by my palm. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang sobrang hiya ko sa mga sinasabi niya kay mom. I feel like my face is burning and I can't even think of words to say.

"W-what are you saying?! And wait... why are you calling her m-mom?" Sa mga huling tanong ko ay halos pabulong ko itong nasabi na mas ikinainit pa ng mukha ko.

Tinanggal niya ang kamay ko at pinagpatuloy pa ang pagsasalita.

"Pero huwag po kayong mag-alala mama. Ako pong bahala sa gwapo pero pasaway niyong anak. I will take good care of him po... promise ko po 'yan mama. Wala po siya sa maling ta---"

I'm too overwhelmed of what she's saying that's why, on cue, I claimed her lips again na ikinatigas niya sa kinatatayuan niya.

"Logically speaking, the best way to shut a girl is to k-kiss her..." I said and look away from her. Hindi ako makapaniwala sa mismo kong ginawa, at sa harap pa ni mama.

"I-i hate you..." I hear her murmur that made me smile and hold her hand tightly.

"Are you sure?"

"Hindi..." She simply replied and look at me. That very moment, I claimed her lips again.

End of Chapter 40:
If this is the last time

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now