Sayaw ng Pag-ibig

0 0 0
                                    

Naaalala ko pa ang unang tagpo nating dal'wa.
Ikaw at ako ang napiling mag kapareha.
Ni hindi ko magawang matitigan ang 'yong mga mata.
Tumibok ang puso sa paraan na diko makilala.

Sino kaba talaga.
Ano ang papel mo sa buhay ko sinta.
Nag lalayag ang isip ko sa saliw ng musika.
Pilit kinikilala ang tibok ng pusong ngayon lang nadama.

Halos araw-araw kitang kasama.
Ngunit di ka manlang nag papakilala.
At ako 'tong palaging mukhang tanga.
Palihim na tinataboy ang 'yong presensiya.

Kulay asul na mga mata, Labi na kay pula- pula.
Kahit anong pag-iwas pa.
Mukhang ikaw at ako ay may sariling istorya.
Na kung saan tayong dal'wa ang bida.

TULA Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt