Paglimot yata ang aking nakaligtaan

0 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Nakaraan ay pano ko kalilimutan.
Ikaw at ikaw parin pag sapit ng kinabukasan.
Paglimot yata ang aking nakaligtaan.

Paglimot nga ba ang aking kagustuhan.
O ang pag balik mo ang aking ina-abangan.
Walang katapusang katanungan.
Isip at puso'y di maintindihan.

Siguro'y ito na ang aking kapalaran.
Ang makulong sa ala-ala ng nakaraan.
Minimithing pag usad ay di na makakamtan.
Ikaw sa puso ko'y di na mapapalitan.

TULA Where stories live. Discover now