Chapter 9: Kabado

Start from the beginning
                                    


"Monday, yung sinabi ko ha. Dito ang lunch."


"Opo."


"O'sige. Mag-ingat ka."


Pagkasakay ko, habang nasa jeep. Napaisip ako kung ano ang mangyayari kapag dinala ko siya sa amin. Kinakabahan ako pero excited. Pagkarating ko ng school, dumiretso ako sa room namin at ikinuwento ko agad kay Rica ang napag-usapan namin ni Tita.


"Oh, really??" hindi makapaniwala si Rica sa narinig niya..


"I thought masungit si Tita and she became like that??"


"Oo nga sissy eh. Nagulat din ako, noong una nga ayokong ikwento kasi natatakot ako."


"Eh wala na eh. She wants to meet your boyfie! Go ahead."


"Sana pumayag si Johan."


"He will. Kaso, pano mo kakausapin? Hindi naman natin classmate 'yun ngayon."


"Makikita ko yan, tiwala lang."


Saktong dumating na ang NSTP Professor namin, klase na namin kaya hindi na kami ganung nakapagkwentuhan ni Rica. After class, 1:00pm palabas na kami ng room ng binalik ni Rica 'yung pinag-uusapan namin kanina.


"Sissy!"


"Oh?"


"So desidido kang dalhin siya sa inyo?"


"Siguro?"


"Balitaan mo ako kung ano ang mangyayari ha?"


"Oo naman!"


"O'siya, I have to go. May lakad pa ako. Ingat kayo ha!" sabi ni Rica sabay beso sa akin..


Pagkalabas ko ng building namin, hinahanap ko si Johan sa grounds, pero wala siya doon. Alam ko kung nasaan siya, kaya agad akong dumiretso sa botanical garden. Pagkabukas ko ng gate doon, medyo mataas ang sikat ng araw. Inikot ko ang garden pero wala siya. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang papunta pa lang doon. Nakatungo at naka-earphones.


"Johan!"


Hindi niya ako narinig. Kaya nilapitan ko siya. Tinulak ko ang kaliwang balikat nito para mapansin niya ako. Napatingin siya sa akin.


"M - monday?" sabi nito sabay tanggal nang earphones..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now