Ending Our Love Story -O1

15 4 23
                                    

Napahugot ako nang isang malalim na hininga, habang naiinip nang naghihintay dito sa Sweet_ April's Cafe. Nang tingnan ko naman ang aking wrist watch ay nakita kong mag-alas dyes i-medya na ng umaga. Masyado siguro akong na-excite kaya medyo inagahan ko na ang pagpunta dito.

Nakasuot ako ng isang simple yellow dress, na may naka-imprintang roses, at pinaparisan ng isang khaki colored na doll shoes. Maliban sa cellphone ko, ay ang aking colored biege lang na tote bag ang iba ko pang dinala.

Halos mag-iisang oras na akong naghihintay sa maging date ko ngayon. Today, I am going to meet Zion again. He's my ex-boyfriend, na gwapo, mabait, matalino, malambing, at maalalahanin. For me he will be my forever ideal man, because he's truly an epitome of a real man. Yung tipong wala ka nang hihilingin pang iba, kasi halos nandiyan na sa kanya lahat eh, perfect package, kumbaga.

We were together for almost five years. We were so inlove sa isa't-isa other, and we felt the real joy while we're still together. Sobrang saya naming dalawa noon. We go on several dates. It's a simple ones yet memorable. Sometimes, we went to different places, discover different kinds of foods and restaurants.

Minsan nga sa may dalampasigan lang kami nagdidate, enjoying the sunset, the sounds of waves and the softness of the sands in our feet.

For me, those days with him were priceless.

Maayos naman ang daloy ng relasyon namin, masaya kaming dalawa, hanggang sa dumating yung araw na nalaman kong bakla pala siya.

Aaminin kong sobrang lungkot ko ng malaman ito. I was fuming mad at that day. Dahil, akalain mo yon, boyfriend ko siya, ngunit ang katotohanang bakla pala siya ay sa iba ko pa talaga malalaman.

Pero kahit na ganon, pinili ko paring gawin ang isang bagay na sa tingin ko'y mabuti. Kinompronta ko siya, kung totoo nga ba, pero hindi man lang siya tumanggi. At nung siya na mismo ang nagsabi, nung sa bibig na niya talaga mismo nanggaling ang mga katagang, 'Oo, totoo iyon. Bakla ako,' ay talaga namang gumuho ang mundo ko.

I felt betrayed, yung pakiramdam na tinatraydor ka sa taong mahal na mahal mo, iyon ang naramdaman ko sa mga oras na yon. At isa lang ang masasabi ko, ang sakit. Sobrang sakit pala. Yung puso kong kahapon ay buo pa, ngayo'y nagdurugo't nawawasak na.

Nakipaghiwalay ako sa kanya sa mismong araw na inamin niya sa akin yung totoo. Wala siyang imik at parang hinihintay lang din niyang bigkasin ko ang mga salitang iyon. Hindi na ako nangahas pa na humingi nang explanation sa kanya, dahil baka hindi pa siya handa, at kung gusto niya talagang magpaliwanag, edi sana matagal na niyang inamin na bakla siya.

Pero hindi ko naman siya ikinakahiya. Dahil kahit bakla siya, nirerespito niya parin ako bilang isang babae. Kahit kailanman ay hindi ko siya nahuling naglagay ng lipstick o di kaya'y naglagay ng make up sa kanyang mukha. And never din siyang nagloko. Wala akong narinig o nakalap na balita galing sa ibang tao, na may kinakasama siyang lalaki, habang kami pa. Proud parin ako sa kanya bilang girlfriend niya, bakla man siya o hindi.

Days after our break up, ay sobrang lungkot ko, na ewan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nanghinayang ako, oo. Pero masaya akong pinakawalan ko siya, Dahil alam kong sa ganitong paraan kami mas mag grow as individuals. Baka rin will talaga ni Lord na dito na matatapos ang pag-iibigan namin, dahil may mas magagandang plano pa Siya para sa aming dalawa ni Zion.

Kahit masakit at labag man sa aking kalooban ang kalimutan siya, ginawa ko parin. Malaking tulong siguro yung pagdrop out niya sa school at lumipat ng ibang paaralan. Simul noon, hindi ko na siya nakita pang muli. Gustuhin ko mng kumustahin siya, ngunit nabigo ako, nang pati mga social medias account niya ay deleted, lahat.

I felt so hopeless at that time, and that pushes me to accept everything that aren't meant for me in the first place. Mangyari ang dapat mangyari, but life goes on. Hindi ito titigil para lang hintayin ka, magpatuloy at magpatuloy parin ito, kahit nga magmomukmuk ka lang at nakatulala, life still, goes on.

Maraming taon ang lumipas, hanggang sa natapos ko na lamang ang pag-aaral ko sa koliheyo, wala paring Zion na nagpapakita.

Hanggang sa nakilala ko na yong 'The one', wala paring lumilitaw na Zion. Hanggang sa ikinasal na ako sa taong mahal ko at minahal ako, doon ko na talaga tinapos ang kahibangang lilitaw pang muli si Zion, kahit maging isang kaibigan nalang, pero hindi parin nangyari.

Buong akala ko talaga ay pumunta na siya sa Mars at nabigong makauwi sa Earth, pero laking gulat ko ng makatanggap ng message mula sa kanya kagabi. Nagkwentuhan kami saglit ngunit masyado naming namimiss ang isa't-isa, and talking online won't be enough. Kaya heto ako ngayon, dinadapuan na nang langaw sa kakahintay ko sa kanya.

Natigil bigla ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan ng may isang lalaking bigla nalang akong kinalabit. Nang tingnan ko siya ay literal na natigilan ako, ngunit nakabawi rin naman kaagad.

Napakasimple lang nang suot niya, pero ang gwapo niya ng tingnan. Napakaputi at napakakintab ng kanyang kutis, malalim at seryosong mga mata, matangos na ilong at mahahabang mga pilik mata.

'Sino ba itong hot male specie na nakatayo sa aking harapan? Kay gwapo naman at napakaaliwas pa ng ngiti. He's somehow looks familiar, though. Hmmm?' hirit pa ng marupok kong isipan.

May balak pa atang babalik sa pagiging single, dahil lang may nakatayong gwapo sa harapan.

Huminga muna ako ng malalim as I composed myself in front of him, tsaka matipid na ngumiti sa kanya. Tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.

"Hello By, kumusta na? Titig na titig tayo, ah. Gwapo pa ba ko sa imong panan-aw, By?" Biglang sabi niya, dahilan upang mapanganga na lamang ako na parang tanga sa harapan niya.

---to be continued ---

"Don't forget to vote, comment, and share."

Hanggang sa susunod na KABANATA, guys, see you in next chapter, my little Gemmnies 🧡
God bless, everyone 💗

Pag-amping mo, kanunay 🤗

Short Story Collection Where stories live. Discover now