How Far Are We From Home 1: I Found Comfort

7 1 0
                                    

"Zoe, tawag ka ni Kuya Ian." Turo ni Bea habang nakadungaw sa bintana kung nasa'n ang lalaking tumatawag sa'kin. Napangiwi ako nang marealize na tinawag ni Bea si Ian na Kuya.


"Kuya ka riyan?" Natatawa kong sabi.


Mahina niya akong pinalo sa kamay nang makalapit ako sa pwesto niya. Medyo katabi kasi ng bintana yung pintong lalabasan ko. "Malamang! 16 lang tayo tas 18 na siya! Try mo kaya!" Histerikong suhestiyon nito.


Napailing ako. Dalawang taon lang naman ang agwat niya saamin. Grade 10 ako at siya naman ay Grade 12. Isa pa, matagal na kami magkakilala kaya hindi ako sanay na kuya ang tawag ko sakanya. Ang weird!


Nang makalabas ako sa room ko ay sinalubong ako ni Ian. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong kailangan ng isang 'to?


Nabasa niya agad ang mukha ko kaya nagsalita ito. "I need your help."


Nanliit ang mata ko. I swear if this is about the girls who's desperate in dating him, babatukan ko siya!


"There's this girl-- Aray naman!" Hindi ko siya pinatapos at agad ko siyang binatukan. Matatawa na sana ako sa lukot niyang mukha pero nang maalala kong tama nga ang hinala ko ay inirapan ko siya.


"Wala ka na talagang ibang ginawa kung hindi gamitin ako!" Seryoso! Tuwing may babaeng mangungulit sakanya ay gagamitin niya ako para patigilin ito! Kaya ako walang mahanap na boyfriend dahil akala nila ay siya ang boyfriend ko!


Napakamot siya sa ulo. "Last na 'to, I promise!" Tinaas pa nito ang kanang kamay animo'y nangangako sa pari na hindi na uulit sa kasalanang nagawa niya.


Napairap na naman ako. "Sinabi mo na 'yan sa'kin Julian Grey!" Inis kong sabi.


"Please? Wala ka namang gagawin, sabay lang tayong kakain!" Desperado nitong sabi, kulang na lang yata ay lumuhod siya sa harap ko. Talaga 'tong lalaking 'to!


"Bakit kasi hindi mo na lang deretsuhin? Gagamitin mo pa talaga ako!" Halos mapapadyak na ako sa inis. Walang hiya!


"You know it's easier that way, besides I hate putting myself in an awkward situation. Irereject ko tapos iiyak sa harap ko, you know I hate dramas! Dali na, kanina niya pa ako inaaya makipagdate!" Lukot na ang mukha nito kaya halos matawa na naman ako.


"Ganyan napapala ng mga gwapo! Itago mo na yang mukha mo sa susunod!" Pang-iinis ko. Napabuntong hininga ito tila nawalan na ng pag-asa.


Natawa na ako ng tuluyan. "Oo na! Nakakainis ka naman kasi, bakit ako lagi ginagawa mong palusot? Ang daming pwede riyan!" Hinila ko na siya papunta sa building ng Senior Highschool.


"Ikaw lang gusto ko." Mahinang sambit nito kaya nilingon ko siya. Ano ba 'tong lalaki na 'to, magsasalita na nga lang ang hina pa ng boses! Paano ko siya maiintindihan?


"Anong sabi mo?"


"I said it's much easier if it's you." Seryoso nitong sabi. Sumimangot ako. Sabagay, ako lang talaga ang madaling abalahin para sakanya kasi kaibigan niya ako. Isa pa, baka madevelop din ang ibang babaeng hihingian niya ng tulong sa mga gantong bagay e samantalang ako, sobrang labong magkagusto sakanya.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Apr 21, 2023 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

How Far Are We From Home?Där berättelser lever. Upptäck nu