73.

421 30 14
                                    

Ethan Paras
Active Now

SAT 8:08 AM

Primitivo Isaiah Paras
Good morning, Tito.

Ethan Paras
Bakit?

Primitivo Isaiah Paras
Ano'ng bakit eh good morning nga! Saan ka ba? Mag-a-almusal kami nina Tita Simone.

Ethan Paras
Nag-withdraw ng milyones.

Primitivo Isaiah Paras
Aanhin?

Ethan Paras
Tumawag ang daddy mo. Frozen lahat ng cards mo, hanggang hindi ka sumusunod sa kanila. Pinahila na rin Audi mo kanina, kay Tito Ferdie raw nakapangalan 'yon. Sa lolo mo.

Primitivo Isaiah Paras
Putang ina. I'm poor.

Ethan Paras
Tanga. Hahayaan ko ba? Kaya nga nag-withdraw.

Ethan Paras
Sa Monday, sumama ka sa akin sa bank. Papagawan kita ng supplementary card.

Primitivo Isaiah Paras
Extension mo?

Ethan Paras
Malamang. Hati kayo nina Eliana at Elijah sa limit ko. Si Elliot, nakabukod na finances niya two years ago pa. Simula no'ng pumasa. Masinop siya sa pera.

Primitivo Isaiah Paras
So are you saying that me, Eliana and Elijah are not masinop sa money? 🤔

Ethan Paras
Nuknukan ka sa arte. Si Elijah, malamang at nag-a-aral pa. For his emergency. Si Eliana, ewan ko sa anak ko at laging parang nananalo sa lotto 'yon kung gumasta.

Primitivo Isaiah Paras
Para nga silang nanalo sa lotto kasi ikaw tsaka si Tita Simone ang magulang nila.

Ethan Paras
Nagsisi ako na hindi kita ipinaglaban noon. Binata pa ako eh, kaya naisip ko na baka tama sila na mas alam nila 'yong para sa'yo kasi magulang mo sila. Pero hindi nga talaga 'yon gano'n. Hindi porke't magulang, alam ang tama.

Ethan Paras
Ikaw ang panganay ko, Yvo. Hindi kita kailangan ampunin para malaman mong mahal kita.

Primitivo Isaiah Paras
What if ang almusal ko ay tears

Ethan Paras
Same.

Primitivo Isaiah Paras
I'm not mad at you. For keeping Chayo a secret. Naiintindihan ko.

Ethan Paras
Okay lang na magalit ka. Mali ako na pumili ako.

Primitivo Isaiah Paras
HINDI NGA AKO GALIT BAKET BA AYOKO NA NGA NG PROBLEMA

Ethan Paras
K

Primitivo Isaiah Paras
Alam ko hindi mo naman sasadyain na saktan ako, 'di ba?

Ethan Paras
Hindi. So I will protect you from now on, Yvo.

Primitivo Isaiah Paras
From all the evil that surrounds me, defend me.

Ethan Paras
Kinanta ko.

Primitivo Isaiah Paras
Same. Haha.

Primitivo Isaiah Paras
Uwi ka na, 'di na ako galit.

Ethan Paras
Malamang at uuwi nga ako. Bahay ko 'yan.

Primitivo Isaiah Paras
Ingat.

Primitivo Isaiah Paras
Tito, sorry. Pahabol. May kotse ba ako?

Ethan Paras
Napakagastos mo punyeta.

Ethan Paras
Bibili sa Lunes! Kayo lang yata ni Eliana ang uubos ng pensyon ko.

Primitivo Isaiah Paras
Ganito pala pakiramdam manalo sa lotto.

Ethan Paras
Dahil spoiled ka sa akin?

Primitivo Isaiah Paras
Hindi. Dahil mahal mo ako. 🙂

Part One: Last KissWhere stories live. Discover now