PART 21

21 2 0
                                    

Pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mata ko ay sakit ng ulo na agad ang bumungad sakin. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa nilang magyayang uminom eh. Ayan tuloy at parang gusto ko na lang hilinging tanggalin na lang muna ang ulo ko at saka na lang ibalik kapag nawala na ang hangover na 'to.

Nang hindi pa humihinto ang tila umiikot kong paningin ay mas pinili ko munang manatili sa pagkakahiga. Kinapa ang ibabaw ng bedside table para kunin ang phone para makita ang katakot takot na oras. Letche! Malalate pa ata ako nito eh. Kaya kahit na kumikirot pa din ang ulo ko ay agad na akong tumalima papasok sa banyo para maligo at gawin ang morning ritual ko.

Makalipas nga ang kalahating oras ng matapos ako. Actually yan na ata ang pinaka mabilis na pagaayos ko dahil kung hindi ako inaabot ng isang oras sa banyo ay kailangan pa muna akong katukin para lumabas.

Nang makapagbihis nga ay mabilis kong binitbit ang bag ko at nagtatakbo na palabas sa kwarto ko. Pagbaba ko naman sa hagdan ay nakita ko si mama sa sala kaya mabilis ko siya nilapitan para magpaalam.

"Gotta go ma. See yah' later." Maikling sabi ko bago siya hinalikan sa pisnge.

"Teka, di ka ba magaagahan? Kumain ka muna kaya." Pahabol nitong sabi kaya nginitian ko na lamang ito.

"Sa school na lang po. Malalate na po ako eh. "

"Ganun ba, then go now. Baka mahuli ka nyan sa klase mo. Ingat sa byahe. " Niyakap niya pa muna ako ng isang beses bago ako paalisin sa bahay.

Pagkasara nga ng pinto ay agad na akong nagtatakbo palabas para magabang ng masasakyan. I don't have other choice since for sure naman na traffic na naman. Mabuti na nga lang at mabilis din akong nakahanap ng masasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Habang nasa bus nga ay kinuha ko ang phone ko sa bag dahil nga sa wala naman akong magawa. Pero mukhang maling desisyon atang ginawa ko yun dahil sa katakot takot na mga messages at notifications ang nakita ko dun. Hay! Lagot na naman ako nito mamaya.

APP: Messenger

June 5, 20**|7:50 AM

Tropa de Walang Jowa GC:


Andrea Nichole:
@Serenity Acker! Asan ka ng babaita ka? Naku! Hindi ka man lang nagsabing umuwi ka na palang awitt ka kagabi hmp! 😤

Myca:
Ano ba, ang aga aga mo namang mambulabog Andrea.

Charity Faith:
Anyare?

Andrea Nichole:
Hinahanap sakin ni Cally si Seri. Pinapatanong kung kamusta na daw ba siya.

Charity Faith:
Cally? Sino yun?

Andrea Nichole:
Yung babaeng Cullen kagabi.

Gwyne Divina:
Bakit naman daw hinahanap? Teka kilala ba yun ni Seri?

Andrea Nichole:
Aba malay ko. Nag-dm lang naman sakin para sabihin yun eh.

Janua:
Pero seryoso bigla na nga lang nawala si  Seri kagabi pati na din yung Ali na yun hindi na din bumalik sa table.

Myca:
Asus baka may tinake home na kaya ganun. Mga lalaki pa naman ngayon ganyan na ganyan lagi ang style.

Andrea Nichole:
Well, well, well, wag mo namang lahatin  Mycs. Iba si Ali sa mga pinsan niya according sa mga sources na nakalap ko.

Gwyne Divina:
What do you mean by that @Andrea Nichole?

Andrea Nichole:
Ilag daw yun sa gals eh.

Janua:
Ah baka guys ang nais mare.

Andrea Nichole:
Hindi din. Balita ko may hinihintay daw yun eh. Kung hindi ako nagkakamali mahal pa nun yung ex niya.

Charity Faith:
Kung ganun naman pala hindi yun red flag kaya pwede tayong makipag friends sa kanya.

Myca:
Hindi rin. Base sa mga naririnig ko he's good at flirting and a master when it comes to breaking girls' hearts.

Andrea Nichole:
Ikaw talaga @Myca napaka ano mo. Paki close na lang ang mouth kasi gwapo naman sila eh.

Myca:
Hoy tirador ng red flag ayusin mo ah. Baka mamaya nyan umiyak ka sa'min dahil sa isa sa kanila.

Gwyne Divina:
Ano ba kayo. Magsiayos na nga kayo at may pasok pa tayo. Kapag kayo nalate yare kayo sa Prof niyo hmp!

Janua:
Yes ma @Gwyne Divina!

Seri Acker:
G'morning! I didn't have the chance to tell you that I'm leaving last night. Pero all goods naman. I'm safe and still breathing.

Andrea Nichole:
Hoy babaita! Mabuti naman at nagparamdam ka. Musta ulo mo? Kaya pa ba?

Seri Acker:
Matatanggal na nga. Fudge this hangover, parang gusto ko na lang tuloy ihang ang aking head to make it stop aching.

Janua:
Uminom ka ba naman eh. Btw same din 🥲.

Seri Acker:
We can all survive this. Hangover lang 'to.

Myca:
Tama na yan. We still have class kaya see you at school pips!

Seen by everyone.


The Destiny's Game (Epistolary)Where stories live. Discover now