Chapter 19

37 8 0
                                    

Seyn's POV

Para akong lutang na nag lalakad dito, pagkatapos naming kumain ni Candi ay nag announce ulit sila na bukas nalang daw ng umaga itutuloy iyong pa welcome back kinemerut nila.

Pauwi na ako ngayon si Candi naman maagang sinundo ng sundo niya kaya wala akong kasama ngayon. Mahirap rin pala pag bagong salta kalang dito.

Medyo lutang rin ako dahil sa mga nangyari kanina huhu nakaka takot pala iyong Rohan!!! Sana hindi ko na siya ulit siya makita.

BEEEEEEEEEEEEEEEEEB!!!!

Pagka rinig ko ng napaka lakas ng busina ay muntikan na akong madapa.

"Next time get out of the way, tss insane" naiinis na sabi nung Rohan at pinaharururot iyong sasakyan niya.

Lintik na yan kakasabi ko lang na sana hindi ko na siya makita tapos ayon nakita ko ulit. AAAAAH NAKAKA INIS.

Bwiset siya nagasgasan sana iyang sasakyan niya! aaaaah bwiset!

****

Pagka dating ko sa bahay ay umupo agad ako sa sala.

"ma andito na po ako" sabi ko.

Badtrip parin talaga ako ngayon dahil sa ginawa ng mokong na yon. Ibang iba talaga siya kay xeon. Si xeon hindi naman ganon eh tapo-

hays hep! hep! hep! awat na nga! Xeon nanaman. Pero sa totoo lang habang patagal ng patagal nawawalan na rin ako ng pag-asa na makikita ko ulit siya. Natatakot ako na isipin na hindi ko na ulit siya makikita pa.. pero nawawalan rin talaga ako ng pag-asa na makikita ko pa ulit siya... Hays Mr. President... Asaan kana ba?

"oh meryenda at kanina pa kita kinakausap eh hindi ka sumasagot." sabi ni mama sabay lapag ng juice at pansit.

"halaaa!!! pansit!! miss ko na kumain ng pansit!!! kasi sa school namin walang ganiyan puro pasta tapos mga kung ano ano na hindi naman pasok sa panlasa ko T^T thank youuu mama you know that I love pansit" pag-dradrama ko.

"yon ba talaga ang dahilan bat ka malungkot? or baka wala kang naging kaibigan sa first day of school mo dito" natatawang sabi ni mama saakin.

Sus may prenny nga agad ako mayaman pa tas maganda.

"meron na po pilipino rin siya pero hindi halata sakaniya kasi para siyang Korean sobrang ganda niya!" pag mamayabang ko.

"sus! ang sabihin mo namimiss mo lang si-" Hindi natuloy iyong sasabihin ni mama dahil biglang dumating ang darling niya.

Buti naman at sinubo ko iyong pansit ang sarap daming gulay aaaaah imiss this T^T OA na kung OA pero kasi masarap talaga.

"oh seyn hinay hinay lang kaka kain baka mabulunan ka" natatawang sabi ni papa habang naka yakap kay mama.

Ahhhh nakaka irita siguro pag andito si kuya may kasama akong madidiri. sweet naman pero NAIIRITA talaga ako. Like nakaka inggit. T_T

"Ma, Pa, I'm here" sabi ni kuya Ethan.

Ow speaking of the devil he's here na.

"manang hinay hinay kaka kain ang taba taba mo na" sabi naman ni kuya saakin. AHHHHHH nakaka inis bwiset talaga siya. Siya na nga lang kapatid ko tas ganiyan pa bully.

" excuse me? maganda parin ako kahit mataba ako and I am not mataba not yet para matawag akong mataba. I'm sexy kaya" sabi ko sabay irap.

Kairita. Kaya siguro wala siyang love life kasi puro pang lalait alam niya.

"san ang ganda? wala naman in-game ka nanaman sa ganda gandahan" pang aasar niya uli.

Hindi nalang ako sumagot at inirapan siya.

***

Pagka tapos ko kumain pumunta na agad ako sa kwarto ko. hays.

Nakaka pagod naman. Andami nangyari ngayong araw.

Tinignan kong maiigi itong kwarto ko dito. Maganda siya sobrang layo niya sa kwarto ko dati.

Nakaka miss rin pala sa PILIPINAS miss ko na mga kaibigan ko si emerald, apyong, joy, jai, jen. May kaibigan rin naman ako dito pero ibang ibang parin talaga sila.

Ang kaibigan ko lang naman dito si candiyeli tas wala na parang ang hirap makipag close sakanilang lahat.

Pumunta ako balcony ng kwarto ko. Bukod kasi sa malaki ito may balcony rin siya oh diba pak! bongga! nakaka tuwa nga pag andito ako mahangin kasi tas may mga ibon pa na makikita sa puno. Sa PILIPINAS kasi pag bukas ko ng pinto mga marites bubungad saakin. Hays nakaka miss rin pala maka kita ng mga chismosa kahit mahilig silang manira ng iba.

Nagulat ako ng napansin ko iyong kotche! Pangatlo iyon na katapat ng bahay namin. Omg! hindi ako pwedeng magkamali! Kotche yon ng mokong! Bwiset. Kapit bahay ko ba siya??? tinignan ko iyong bahay.. wow? ang yaman ah? Ang laki kitang kita ko iyong swimming pool sa likod ng bahay nila tapos iyong mga kotche ng mukhang mamahalin ay naka display sa harap ng bahay nila. Lamborghini halos nakaparada sa bakuran nila.

Nagulat naman ako ng lumabas iyong lintik na Rohan na yon.

Don't tell me? na sakaniya iyang mga kotche na naka helera lahat diyan? Ang dami niyan ah? may yellow, green, blue, black, white, pero sobrang cool tignan iyong color pink? kanino kaya yan? sa ata niya?

Nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa gawi ko.

Gosh! dali dali akong pumasok sa loob nung napa tingin siya.

Shocks!!! nakaka hiya! naka shorts pa ako ng maikli! Aaaaaaaah.

Pagka pasok ko ay tumingin ako sa maliit n butas. Ikinagulat ko ng nakita ko na naka tingin parin siya dito.

Tinignan kong maiigi iyong mukha niya. Kitang kita sa pagmumukha niya ang pag-tataka. Yan tama yan mag taka ka. Nasabi ko na sainyo na kamukha niya si xeon no? pero may napansin akong pagkakaiba nila. Dahil medyo brown yung buhok niyang Rohan. Tapos mapupula at medyo singkit ang mga mata niya maputi siya pero mas maputi parin si xeon eh basta mas gwapo si xeon sakaniya.

Ay teka teka? bakit xeon nanaman nasa utak ko huhuhu

Pagka tingin ko ulit sa maliit na butas ay wala na siya.

Kaya pumunta ako sa kama. Inaantok ako, gusto ko ng matulog.

Habang naka higa ako iniisip ko si xeon.

Asaan na kaya siya? kamusta na kaya siya? Miss ko na siya... Naniniwala ako na makikita ko ulit siya pero sobrang sakit pag iniisip ko na hindi ko na ulit siya makikita.


Dear Tadhana, kamusta na kaya siya? sana makita ko na ulit siya.. makita ko lang ulit siya ay ok na ako.

Bago ako tuluyang maka tulog ay may narinig akong nag sasalita.


“oh siya hijo, pumasok kana sigurado akong tulog na siya dahil maaga siyang natutulog.”













Author's note: Good day everyone! abangan niyo ulit ud ko dahil madalas na ako mag u-ud ngayon kasi goal ko na matapos ito hehehe thank youuu po! sorry sa grammatical errors and typos love ko kayo.

don't forget to vote and comment! <3

Loving Mr. President Where stories live. Discover now