Chapter 4 - I need to

11 3 0
                                        

Hindi na kataka-taka kung noong pagpasok namin sa loob ng fast food chain ay nasa amin ang atensyon nila. Hindi man lahat magkakilala ang mga tao pero halos naman.

Hindi binibitiwan ni John ang kamay ko kahit pa nakapila kami para um-order. Sabi ko nga, maghahanap ako ng mauupuan namin, sabi naman nito ay makakahanap din kami. Sabayan ko lang daw siya mag order para makapili daw ako.

Hinahayaan ko naman. It also feels good that our hands are connected.

Kumakaway ang mga nakakakilala saakin minsan naman ay sinasadya talaga nitong puntahan ako para mangamusta. Pero dahil matalino ako, alam kong makiki tsismis lang sila.

"What do you want to eat?" tanong nitong nakatingin sa mga menu doon sa itaas.

"1 pc chicken with rice, double cheese burger tapos iyong large fries. Add big gravy please." Sagot kong natatakam na. I heard him chuckled.

"Bakit ka natatawa?" mahinang tanong ko. May tao pa kasi sa unahan namin at may nakapila din sa likod.

He bends down to me. Yeah, yeah, siya na matangkad!

"You eat so much." Bulong nito saakin. Hindi ko napigilang hindi ito kurutin sa tagiliran.

Sasagot pa sana ako ng magsalita iyong nasa counter.

"Next please!" nakangiting tawag nito saamin. I mean, nakangiting tawag nito kay John. Hinila naman agad ako ng lalaki palapit doon sa counter.

"1 pc chicken, 1 yum with cheese, large fries and 1 extra gravy. Make the order two." Sabi nito ng hindi tumitingin sa babae dahil sa menu ito nakatingin.

"Again Sir?" tanong nitong kumikinang ang mata. At gusto kong sapakin ang babaeng ito. Nandito ba ito para mag trabaho o lumandi?

Kumunot ang noo ni John na bumaling saakin at yumuko.

"I don't want to be rude to this stupid girl in front of me. Can you give her our order for me, love?" sabi nito sa malakas na boses.

Sa babae ako nakatingin kaya nakita ko ang pamumutla nito. John just insulted her and I'm sure na ang mga nakapila sa likod namin ay narinig ang sinabi nito.

Kinurot ko ulit si John para mabawasan ang kahihiyan ng babae sa counter. Naiinis man ako sa lantarang paglalandi nito, pero ayoko naman itong mapahiya.

Inulit ko isa-isa ang order namin ni John, para makuha nito agad. Habang si John naman ay umaakbay na saakin. Gusto kong mailang dahil alam kong maraming nakatingin pero hindi ko na inisip.

Matanda na ako para mahiya pa.

Matapos ang limang minuto ay nakuha na namin ang order namin at nakahanap naman agad kami ng upuan. Ang laking tuwa ko nga dahil nasa malapit kami sa dingding.

"You said you don't want to be rude. But you already make her feel bad." Pahayag ko ng makaupo kami. Magkaharap kami ngayon, pang dalawahan kasi ang mesa.

"It's not my fault if she's slow." Seryosong sabi nito habang pinaghahanda ang mga pagkain.

"She's not slow. Hindi niya agad makuha ang order mo because she's drooling over you." I said in a matter of fact.

Itinaas nito ang tingin saakin. A form of a smile appears. I rolled my eyes upward.

"Is she? I didn't saw it." He said while smirking this time.

"Nakatingin ka kasi sa menu." Sabi ko nalang.

"No I'm not. I'm just looking at you. Kaya siguro hindi ko siya napansin." Tinitigan ako nito at kinindatan.

Hindi ko napigilang hindi ito tapunan ng ketchup. Mambobola!

"Let's eat." Anyaya nitong tumatawa pa rin.

Fallin'Where stories live. Discover now