"What are you thinking?" tanong ni Xaiver sa akin nang makalabas kami sa bahay.

Hinihintay na lang namin si Mama bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Tahimik ako mula kanina dahil sa pag-aalala. I didn't know why it only dawned on me that leaving her alone was a scary thing. Kahit na binibigyan ko naman siya panggastos at pambayad sa bills, hindi sapat 'yon.

"Parang gusto kong ikuha ng personal nurse si Mama..." sabi ko, pero muling pumasok din sa isipan ko ang gastusin. "O kung puwede..."

Hindi ko masabi ang isa pang option na naiisip ko. Nahihiya ako. Kahit na bahay namin 'yong mag-asawa, it's still Xaiver's property. I felt the need to still ask his permission to take my mother with us at doon na patirahin.

"I can help you hire a trusted nurse, but if you want her to live with us, then I have no problem with it," Xaiver told me before I even had the guts to ask for his consent.

"Talaga? Puwede?" Dinig sa aking boses ang pagkamangha. On the other hand, Xaiver was confused to see my reaction.

"Of course. She's your mother, bakit hindi?"

Napangiti ako at niyakap na lamang siya. I would always be thankful for him. He made everything easier for me to handle. He would always help me put things into perspective. If not for him, I might have resorted to doing desperate actions to solve my problems.

Pagkalabas ni Mama ng bahay, hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sumakay kami sa sasakyan at agad na bumiyahe papuntang sementeryo. The ride was filled with stories about my stepfather. Seryosong nakikinig si Xaiver na para bang ayaw niyang may makaligtaang kuwento. His laugh was contagious every time my mom would tell him funny stories. He was so eager to know more about me and my family.

Nang makarating sa sementeryo, nauna si Mama na maglakad at nakasunod lamang kami ni Xaiver. She was carrying two medium-sized flower baskets, habang sa amin ni Xaiver ang cake, mga kandila, at ang baon na natirang ulam kanina.

Tama lang ang init kahit na medyo tirik ang araw. Dinig ko ang pagkaluskos ng mga dahon at sanga dahil sa hangin. The trees planted around the memorial park helped make the weather cooler. Kung wala ang mga 'yon, paniguradong parang impyerno na rin dito sa init gaya sa magugusaling parte dito sa Maynila.

"Ayon na ang Papa mo!"

Mama sped up when we reached the block. Medyo nasa looban 'yon ng sementeryo, malayo sa daan kung saan namin ipinarada ang sasakyan. Bumilis din ang lakad namin ni Xaiver para masundan siya.

Nasa itaas ng puntod ni Daddy ang puwesto ni Papa. Kaya tuwing undas, hindi kami nahihirapang bisitahin ang dalawa.

"Nandito na kami..." malambing na anunsyo ni Mama nang makarating kami sa harap ng puntod nina Daddy at Papa.

Habang tinatanggal ni Mama ang basket ng bulaklak sa plastik, Xaiver crouched a little to place the cake on my father's grave. Bago pa niya tuluyang mailagay 'yon, hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan siya.

"Hindi riyan," nakangiting pigil ko.

"Huh?" Xaiver's brows furrowed in confusion. Nilingon niya ulit ang puntod ni Daddy para siguro basahin ang pangalan at hindi naman siya nagkakamali.

Federico Bersales.

He's indeed my father, pero hindi siya ang may birthday. I forgot to tell Xaiver that it was my stepfather's. I couldn't remember if I told him about having one kaya tingin ko ay hindi. Natural lang na malilito siya.

"Si Daddy 'yan..." sabi ko na mas lalo niyang ikinalito. "Nasa taas si Papa. Stepfather ko."

"Stepfather?"

Play PretendWhere stories live. Discover now