Chapter Thirty :)

Start from the beginning
                                    


"Huy, tama na yan." pigil na pigil si Ice sa pagtawa. Inaawat nya kami ni Adam pero mas diniinan ko pa ang kagat ko.


"Araaaay!" naiiyak na natatawang hiyaw ni Adam. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa sitwasyon nya. Pero either way, yan ang napala nya for selling me out to my boyfriend.


Pagkatapos ko syang kagatin ay bumaba na ako. Hawak ang magkaparehas nyang tenga na pulang pula na, sinimangutan ako ni Adam. Nag belat naman ako sa kanya.


Napatingin ako kay Ice na mangiyak ngiyak na sa kakatawa. "What's funny?" I asked him. Tumigil sya sa pagtawa pero pigil pa din.


"Sorry baby." tas tumawa ulit sya. "Naiimagine ko lang kasi..." natawa na silang dalawa ni Adam. Shet! Pinagtutulungan ako ng magkapatid!


"Sige Adam! Tumawa ka pa! Kakagatin ulit kita!" banta ko sa kanya. Tumigil sya sa pagtawa kahit na halatang nagpipigil pa din at nag pout. Inirapan ko sya.


"Ice, ano ba?!" napapadyak na ako sa inis. Aba't di pa din natigil sa pagtawa.


"Baby, I want to see that humanoid pillow pagbalik natin ng Manila." natatawa pa din nyang sabi. Nakahawak na nya sya sa marmol na bar side ng room.


"Ano ba?! Nakakainis ka na talaga!" sabi ko. Tiningnan ko si Adam na nakatingin na ngayon sa phone nya. Aba! Parang di ko kinagat ah!


"Come." naglakad sya palapit sakin sabay hila at niyakap ako. Medyo natatawa pa din sya pero bawas na. "Ang cute mo pag inis ka baby ko." Hindi na ata ako titigilan ng isang to sa kakatawa. "Akala ko talaga, ako lang ang baliw sating dalawa. Baliw ka din pala?" niluwagan nya ang yakap at tiningnan nya ako sa mata. "Baliw tayo sa isat isa baby." natatawa nya pa ding sabi. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako sa pinagsasasabi ng lalaki na to o ano.


Dahil medyo nagdilim ang paningin ko at gusto ko syang matigil na sa pagtawa, nilapit ko ang mukha ko sa leeg nya sabay kagat.


"Cream!" sigaw nya. Nadinig ko ang tawa ni Adam.


"May lahi ka palang Bella Swan, Cream!" naiiyak na si Adam sa kakatawa. Si Ice naman, hawak ang part na kinagat ko. Nakayakap pa din sya saki  pero maluwag na.


"Bad baby!" tinampal nya ang noo ko.


"Psh! Kasalanan mo yan! Tawa ka kasi ng tawa!"


"Nakakatawa ka kasi eh. Diba Adam?" Dinamay pa talaga si Adam. Grabe.


Nakarinig kami ng katok kaya naman napatingin kami sa may pinto. Niluwa noon ang nakangiting si Blue pero nawala din ang ngiti na iyon ng makita nya ako. Ano bang problema ng babaeng ito?


"Ice, Tito Kevin is looking for you." yun lang ang sinabi nya sabay alis na ulit. Nagkatinginan kami ni Ice sabay tawa. Ewan ko ba baliw na ata kami.


Lumapit si Ice sa may salamin at tiningnan ang leeg nya na may kagat ko. "If you're a vampire then Id gladly be a vampire too." sabi nya sakin.


"Nye nye."


"Oo nga! Haha." tinagilid pa nya ang ulo nya to have more access sa leeg nya. Why do I suddenly want to bite that neck again?! Ano bang iniisip mo Cream? Hinampas ko na ang ulo ko dahil sa naiisip ko.


Nilapitan ako ni Ice at hinalikan sa ulo. "I'll be going first. See you later." napa pout na lang ako. Tumingin ako kay Adam na nakahawak sa tenga nya na kinagat ko kanina.


After nun ay dinampot ni Adam ang jacket nya saka susi. "Where are you going?" tanong ko na nagtataka.


"Well, I have to pick my girlfriend and my friends on the airport."


"You mean, Kendy and Trisha and Ivan?" excited kong tanong. Dahan dahan syang tumungo at lumapit sa pintuan sabay pihit ng door knob.


"OMG! I'm coming with you! I'm so not gonna die here waiting for you guys!" dinampot ko ang jacket ko din at bag ko sabay inunahan ko na Adam na lumabas ng room.


"And who told you to come with me?" tinaasan ako ni Adam ng kilay sabay start ng engine ng sasakyan.


"Wala." kibit ko. "Told ya, I dont wanna die of boredomness so yeah, I decided to come with you!" binuksan ko ang music ng phone ko sabay patunog ng Trumphet. Nailing na lang si Adam sa kakulitan ko.


Medyo naghintay pa kami saglit sa kanila. Nang makita ko si Kendy ay nagmadali akong bumaba ng sasakyan sabay yakap sa kanya. "Kendy!" taka mans a kinikilos ko, she said Hi.


"What's with you? Trip mo ata si Kendy ngayon?" natatawang sabi ni Trisha na ngayon ay kahawak kamay ni Ivan. Fine, sila na ang cheesy and malaks mag PDA.


"Not reall. Actually...." hinarap ko si Kendy at hinawakan sa magkabilang braso. "Isusumbong ko si Adam!" napakunot ang noo nya.


"Ganito kasi yan...." hindi pa ako nakakapagstart sa sumbong ko ay sumingit si Adam.


"Hinampas nya ako ng kahoy, kinagat nya ako sa tenga." tiningnan ko ng masam si Adam.


"No I didnt!" tanggi ko.


"Nope. You did! Look!" nilapit ni Adama ng tenga nya kay Kendy. Kaines! Iniwan ako ni Kendy at dinaluhan si Adam! Oh well, ano ba naman aasahan ko eh syempre, uunahin nya ang boyfriend nya.


"So, sumama ka para mag sumbong? Huh Nice move Cream." pang aasar pa ni Adam habang hawak ang kamay ni Kendy na as usla ay tahimik naman palagi.


"You always bully me! Mas malala ang sakit nun kesa sa hampas at kagat ko sayo!" tinawanan naman nila ako.


"Wait, bat ka mag-isa? NAsaan si Ice?" Ivan asked.


"Well, Ice is..."


"Ice is with Blue." singit ni Adam. Napakunot ang noo ko dun.


"What? Hindi kaya! Kasuap nya si Tito Kevs!"


"Really?"


"See? You're bullying ma again!"


Nagtawanan na naman sila. Kaines! Sumama ako para mag sumbong tapos ako pa ang naisumbong. Worst of all, inaway pa nila ko. Grrrr.






The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now