NINE: NIGHTMARE

1.3K 84 30
                                    







STELLE: Hi guys! I really am sorry for being gone for so long. Sana andyan pa din kayo to support me. Noon ko pa gusto mag UD wala lang talagang time, sorry talaga. May work na kasi ako and Night shift so yeah, no time puro tulog na lang :( pag nakakapuslit nag susulat ako sa office kaso ang hirap pa din, di ako mkapag concentrate. I love you all. Xxx






------------------------





"Stella"



Marahan akong nag mulat ng mga mata ng marinig ang pangalan ko ..

Halos mapatayo ako sa kamang hinihigaan ko ng makita ang pamilyar na mukha ni Aedan, nakaupo sya sa gilid ng kama ko, he was looking down on me.


"A-Aedan?" I asked startled, napaupo ako at agad na tinignan ang paligid, nasa kwarto pa din naman ako ng dorm, napatingin ako sa kabilang kama at nakitang mahimbing na natutulog si Shey roon, I look up at our room's wall clock and saw that it's only 3am.


"Anong ginagawa mo dito? Bawal ang lalaki sa girls dormitory" I whispered nakahiwalay kasi ang building ng boys sa girls, at isa sa mga rules na bawal ang ang opposite sex na mag sama sa dorms.


"Sumama ka sakin" I watched as Aedan stood up, he reached out his hand. Tinignan ko lamang ang kamay nya bago tumingin muli sa kanya.


Something's not right ...


Tumingin akong muli sa kamay ni Aedan na nag aantay pa ding abutin ko ..

My eyebrows raised ng makitang wala itong suot na gloves.


"Ano pang inaantay mo Stella?" Muli akong napatingin sa mukha nya ng mag salita sya, seryoso ang mukha nito at walang ekpresyon kagaya pa din ng lage nitong itsura, ngunit may kakaiba sa mga mata nito.


Hindi ko lang mabasa kung ano yun, pero isa lang ang sinisigaw ng utak ko, DANGER.


Isa pa, hindi nag tatanggal ng gloves si Aedan. At hindi sya pupunta dito ng ganitong oras upang sunduin ako, Isa sya sa pinaka-hinahangaan na leader sa Sophomore students at paniguradong hindi sya sisira sa rules ng school para sa akin, At bakit naman nya ako pupuntahan pa dito?


Habang napaka daming tanong ang pumapasok sa utak ko, bigla akong natigilan ng muli syang magsalita ngunit, malalim na at malaki ang boses nito na pamilyar sa akin, para bang narinig ko na ito kung saan.


"Hindi ba't gusto mo ako Stella? Bakit nag dadalawang isip ka pa?" Nabigla ako sa lumabas sa bibig nito at halos mapatakbo ako palabas ng kwarto ng makita na ang kaninang magandang mukha ni Aedan ay napalitan ng isang itim na anino, walang ibang makikita sa anyo nito kundi kadiliman at ang pulang pula nitong mga mata at ang mapuputi at matutulis nitong mga ngipin na nakangiti sa akin.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon