SEVEN: CURIOSITY

1.5K 96 39
                                    





A/N: I dedicate this story to @whipcream for making the cute book cover .. Thank you sooo much ✌ Sorry medyo natagalan, start na kasi ako ng work and night shift ako so hirap mag UD ..

Hope you all understand.

I'll UD every SATURDAY or SUNDAY .. that's for sure.. ❤





--------




Isang linggo na ang lumipas matapos ang aksidente at naka-recover na din ako sa mga nangyare, mukha namang walang may alam sa mga kaklase namin ng kung ano mang nangyare ng araw na yun.

Sa loob lamang ng dalawang araw ay may napansin akong kakaiba sa sarili ko. Katulad na lamang nung isang beses.


Maaga kame nakarating sa classroom kaya naman wala pa si Ms.Ana at ang lahat ay nag kukwentuhan pa.

Pumasok si Layla na proud na proud pa habang nakasuot ng 4 inches heels, kasunod ang mga alipores nya.



"Pag yang heels na yan nabali, ewan ko na lang kung maging proud pa sya" I thought, Masama ba kung mag isip ako ng ganoon sa taong binubully ako? And as if on cue nabali ang isa sa heels ng sapatos nito at halos matumba sya kung di pa sya napakapit sa isa sa mga alipores nya.


"Nakita mo yun?" Rinig kong bulong ni BLaze kay Lucy na parang natatawa pa.

"Ou, yabang kasi eh" Lucy giggled habang ako naman na pa shrugged lamang ng shoulders.


Noong una na isip kong nangyayare talaga ang ganoon, pero nung mga sumunod na pangyayare medyo nag taka na ako.


Katulad na lamang ng oras noong Physical Educ namin, na naka-maroon jogging pants kame, white shirt, maroon lining on the sleeves and on the neckline. Si Layla lamang ang hindi naka-high ponytail, sabi ni Lucy her hair is alive and hindi talaga nag iipit si Layla dahil masasakal ang buhok nito, She has the gift of Hair Manipulation. I find it really scary, mantakin mo yun may sariling buhay ang buhok mo?


Every Friday ang PE namin, wondering kung paano ang PE ng mga taong may gifts like them? Simple lang, pwede kang mang daya basta wag kang papahuli. Dahil pag nahuli ka DETENTION.


Kagaya ng laging ginagawa ni Layla, pinag titripan nya ako pag may pagkakataon sya, kagaya ng pag hagis ng bola ng volLeyball sa ulo ko habang nakatalikod ako. Napayuko ako at buti na lamang ay hindi ako natumba dahil Nasa tabi ko si Shey, katatapos lamang turn namin sa volleyball at papunta sana kame sa restroom, we were walking arm in arm.


Napalingon kame ni Shey sa likod, our eyes scanned the place wala kaming ibang nakitang weird kundi si Layla na nakatayo hindi kalayuan mula sa amin, wala namang weird sa itsura nito, nanonood sya ng mga naglalaro habang naka-smirk. Her arms crossed over her chest, medyo naka-side view sya at mukhang hindi naman kami na papansin, pero ano ang weird? Nakita kong gumalaw ang buhok nito at unti unting umakyat para bumalik sa dati nitong haba, walang ibang nakapansin noon kundi kaming dalawa ni Shey dahil busy ang lahat, Hindi naman gagalaw ang buhok noon kung hindi nya inutos, isa pa sa direksyon nya galing ang bolang tumama sa akin.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon