Bumalik siya ng Maynila nang araw ding iyon.
Nagpaalam lang siyang sandali kay Charlyn at sumakay ng pampublikong bus pauwi. Maliban sa paliwanag na ang mga Chan ang higit na may karapatan kay Charlyn ay wala nang ibang paliwanag na ginawa ang dalaga sa ama. Bagaman nagdududa'y hindi na kumibo si Ricardo na nakahandang umalis patungong Japan sa imbitasyon na rin ng mga bisita at upang tingnan ang posibilidad ng joint venture ng negosyo. Sinamantala niya ang pagkakataon upang sabihin ditong babalik siya ng Paris.

Tipid siyang ngumiti. "I'm sorry, Bruce, if I am
such a bore. I can't help it...." Nabasag ang tinig niya roon.

"Falling in love is such a complicated business. One reason why I stay away from it." nNagkibit ito ng mga balikat. Bilang kaibigan ay sinabi rito ni Regina ang nangyari sa kanya.

"And I'm pregnant, Bruce." Tuluyan nang bumigay ang mga luha niya. Hindi siya dinatnan ng period niya two weeks ago. So that made her one month on the way.

"That compounds the problem," usal nito kasabay ng buntong-hininga. Hinayaan siya ni Bruce na umiyak nang umiyak nang matagal na sandali bago muling nagsalita. "Marry me, Regina..."

Biglang nag-angat ng luhaang mukha ang dalaga. "What?"

"Marry me." Seryosong sabi nito. "We probably
don't love each other the romantic way but we do love each other as friends. It's a good foundation."

Ngumiti siya sa pagitan ng mga luha. "Oh, Bruce, how could you be so noble, my friend? Thank you so much. You make me feel good, but no. Hindi kita itatali sa isang bagay na alam kong hindi mo gusto noon pa man."

"I want to help you, Regine. And that's the only
way I could..."

"I know." Suminghot siya at tumayo at niyakap
ang kaibigan.

Kumawala si Bruce at may iniladlad sa kanyang proposal. "A new jewel company gave me this."

"A wedding gown! Oh, my it's lovely, Bruce!"
Naroon ang paghanga niya sa colored brochure ng damit-pangkasal. Wishing na sana'y makapagsuot siya niyon at ikakasal kay Luke. Pero imposible iyon. Ni hindi niya alam kung ano ang nangyari sa matandang babae. Hindi niya gustong malaman dahil sasama lang ang loob niya. "But I couldn't possibly model that gown. Ayoko na, Bruce."

"Just this once, Regina. Grand opening ng may-ari ng tindahan. Kailangan niya ng magandang mukha na magsusuot ng gown at ng mga alahas niya sa inagurasyon," wika nito. Isa pa uling pahina ang binuklat nito at ipinakita ang mga alahas na isusuot niya. Napasinghap ang dalaga.

"This is the wedding band that you will be wearing, sweetheart, and this choker, too." Ipinakita nito ang isang wedding band na may iisang nakalubog na princess-cut diamond sa gitna na ang tantiya ng dalaga'y dalawang kilatis. Pagkatapos ay ang diamond-studded choker na bagaman ilang millimeter lang ang lapad at napakasimple ay hindi simple ang halaga ng mga nagkikislapang mga bato. Sa clasp ng choker sa gitna ay isang primera-klaseng ruby na ang kulay pula ay contrast sa kaputian ng diamond.

"These, at ang katernong earrings and tennis bracelets." Ang tinutukoy nito ay ang bracelet na puro brilyante, "are worth the king's ransom, sweetheart. These stones are all from Africa, I gathered, and flawless. These jewelries are all private and not for sale. Ilalabas lang nila dahil inagurasyon nga."

Napagpasiyahan na niyang huwag nang mag-model pero tinutukso siya ng mga larawan sa brochure. "W-what do you think, Bruce?"

"They're willing to pay your price, sweetheart. And just this once, you'd be a fool to say no."

"Then it's yes!"

"That's my girl," nakangising wika nito. "That
would be the day after tomorrow. Dala ko ang contract and all you have to do is to sign it. Pagkatapos, magpahinga ka para sa beauty rest."

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWhere stories live. Discover now