CHAPTER TWO

3.6K 86 3
                                    

GANOON ding paliwanag ang ginawa niya sa mga kasamahang naghihintay sa ibaba. Disappointment ang ipinalagay ng mga ito sa nakikita sa mukha niya. Itinuring ng mga ito na nanghihinayang siya dahil hindi na matutuloy ang party nila.

Hinayaan niyang iyon ang paniwalaan ng mga
kaibigan. Nang gabing iyon ay alam niyang sa flat ni Marcelliani natulog si Xander dahil nang sadya niya itong tawagan sa apartment nito'y wala ang binata.

Ipinayo ng lola niyang kausapin si Xander upang magkalinawan sila subalit tumanggi ang dalaga. Gusto niyang gumanti sa panlolokong ginawa sa kanya. Tumawag siya ng isang reporter at kunwaring nagbigay ng impormasyon na si Regina Malvar ay nakitang patungo sa bahay ng guwapong freelance photographer  na si Bruce Collins. At talaga namang nagtungo siya sa bahay ng kaibigan at doon nagpalipas ng gabi.

"I'm sorry, Regina," nanlumong wika ni Bruce. "Gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol sa lihim na relasyon nina Marcelliani at Xander. Pero hindi ako nakatitiyak. Hindi ko pa sila nakita. Isa pa'y hindi ko gustong isipin mong sinisiraan ko si Xander."

Masama ang loob na niyakap niya ang malambot na throw pillow at humilig sa couch.

"Gusto kong isigaw sa press ang natuklasan ko, Bruce. Gusto kong malaman nilang lahat kung sino si Xander! Ang hinahangaan nilang lahat..." pahikbi niyang sabi, still shocked by the truth.

"Hindi na kailangan, Regina," banayad nitong sabi. "Ang hindi mo pagsipot sa kasal ninyo bukas ay isa nang malaking kahihiyan para sa kanya. Pero ang sabihin pa sa press ang natuklasan mo'y hindi mabuti. Hindi iyon paniniwalaan ng lahat. Hindi biro ang mga babaing naka-date na ni Xander at wala pang nagreklamo kahit isa. At kinakabahan akong ikaw ang mapapasama sa hindi mo pagsipot bukas sa kasal lalo at itinawag mo pa sa mga reporter na narito ka sa bahay ko..."

"I hate him!" nanlulumo niyang sabi kasabay ng
marahang paghikbi. Umiiling na naupo sa tapat niya ang kaibigan.

MAAGA pa lang kinabukasan ay pinayuhan siya ni Bruce na sa isang hotel na muna tumuloy upang makaiwas sa maaaring gawin ni Xander. Higit sa lahat sa press na tiyak na hindi siya hihiwalayan.

Nagpiyesta ang mga paparazzi sa ginawang hindi pagsipot ni Regina sa kasal nila ni Xander. Lalong nag-apoy ang balita nang masulat na may nakakita sa kanyang nagpalipas ng magdamag sa flat ni Bruce. At lalong nakadagdag sa devastation niya ang mga isinulat ng press. Siya ang nadiin. She jilted her groom on their wedding day in favor of her longtime photographer, handsome Bruce Collins.

She didn't think na may gusto pang gawin si Xander sa kanya. Ang publicity na inaasam nito'y higit pa sa inaasahan. At hindi kinailangang makasal sa kanya. Nakuha ni Xander ang sympathy ng mga tao.

Hindi siya nagtagal sa hotel at agad na nag-check out ng sumunod na araw. Ang mga matang nakatuon sa kanya'y tila gustong magpatunaw sa dalaga. Ang iba'y nanghuhusga at pinaniwalaan ang mga nakalagay sa peryodiko. Ang iba'y simpleng kuryusidad. Ano pa man, hindi niya kayang tagalan iyon.

Pagdating niya sa bahay ni Lucia ay higit pang balita ang dinatnan niya.

"Your father phoned yesterday, Regina. And he
mentioned your stepsister Evelyn..."

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Matagal na siyang walang balita kay Evelyn. Tatlong taon na ba? Ano ang ibabalita ng ama niya tungkol dito? Nag-angat siya ng mukha sa matandang babae. Naalalang ang alam ng ama'y ikinasal siya two days ago. Kinakabahan sa naging reaksiyon nito kung nalaman man nitong hindi natuloy ang kasal niya.

"D-did you tell him what happened?"

"Tumawag siya sa dalawang kadahilanan, cherie," wika ng matandang babae sa nagsisimpatiyang tinig.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWhere stories live. Discover now