Isinara ni Luke ang pinto at sumandal doon.
"Matagal nang inuungkat ng Mama na mag-asawa ako, Regina," simula nito. "Nitong mamatay ang Papa at si Charles ay lalo nang naging obsesyon niyang mag-asawa na ako. I can't say no. I don't want to disappoint her."

"Kaya ipinain mo na naman ako sa panloloko mo sa sariling ina mo!"

"Ouch! Ang sakit niyon, ah." He had the grace to wince and looked hurt. Pagkatapos ay sumeryoso ito. "May sakit ang Mama, Regina. Kailangan kong ibigay sa kanya ang dalawang bagay na ikahahaba pa ng buhay niya. Si Charlyn at--"

"Ang paniwalain siyang magkasintahan tayo, ganoon ba?"

"Puwede naman nating totohanin iyon, ah. I like you, Regina. Very much. At alam kong hindi mahirap para sa iyong magustuhan ako. Nararamdaman ko iyon sa tuwing hinahagkan kita. Malakas ang chemistry nating dalawa."

"Huwag mong guluhin ang isip ko, Luke. Mula
nang makilala kita'y hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa mga ginagawa ko. You seem to have controlled everything that I do," galit niyang sabi. "And who cares about scientific terms?"

"Do you know what chemistry means?"

Wala siyang balak sagutin ang kalokohang iyon pero naiirita siya at siguro nga'y nililito na ng taong ito ang isip niya. "I know what it means! The study of elements and the reactions they undergo-there to satisfy you."

Ngumiti ang binata. "So you're not just a pretty
face, huh. You still remember that. At dahil ibinigay mo na rin ang kahulugan ay gusto kong sabihin sa iyo na ang chemistry mo, mixed with mine, I'm sure there would be a mighty explosion sooner or later, lady."

"Damn you, Luke! Find another woman to mix
your chemistry with. I'm not available. Ano man ang alam mo tungkol sa akin mula sa mga nababasa mo'y hindi ako iyon," she said defensively. "I don't go for flings and short affairs and sham relationships."

Bumakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki. "Kung walang usok ay walang apoy, Regina," wika nito na ang tinutukoy ay ang hindi niya pagsipot sa kasal nila ni Xander at ang balitang sa flat ni Bruce siya nagpalipas ng magdamag. "Hindi mo kailangang idepensa ang sarili mo sa akin. I don't really care about your past. Ang hinihiling ko lang sa iyo'y para sa matanda. Hindi niya alam ang tungkol sa iskandalong kinasangkutan mo. At least, hindi mananatili sa isip niyang lagi na lang akong walang permanenteng relasyon. At magkatugma tayo sa bagay na iyan. We can enjoy the bliss without the wedded."

"At kung tumanggi ako?" hamon niya. Their eyes clashed and did battle. Una siyang umiwas at marahang nagsalita. "Wala kang pinanghahawakan sa akin, Luke. Nasa inyo na si Charlyn."

"Indirectly, si Evelyn ang sanhi ng kamatayan ni
Charles at ng Papa, Regina-"

"Huwag mong sisihin si Evelyn sa nangyari sa Papa mo!" agap niya sa sasabihin nito. "Ginawa niya iyon sa sarili niya. Paano kung ibalik ko sa iyo ang akusasyon? Na siya ang may kasalanan sa pagkamatay nina Evelyn at Charles."

"Stalemate." Nagtaas ng mga kamay si Luke.
Umiling. "You don't know anything, Regina...." wika nito sa walang emosyong tinig pero ang galit sa mga mata'y naroon pa rin. "Pero ito lang ang masasabi ko, huwag sanang ikaw ang magiging sanhi ng sunod na atake ng Mama dahil....hindi kita patatawarin." Binuksan nito ang pinto at nilingon siya bago lumabas. "Ano ba naman ang iniaayaw mong magkunwang magkasintahan tayo, eh, ang ginagawa nating halikang dalawa ay tinalo pa ang magkasintahang totoo?"

NANG sumunod na mga araw ay nagkalapit nang husto sina Regina at Donya Crisanta. Tulad din ng kung paano itong bumawi ng lakas mula nang dumating si Charlyn na lagi na lang kasama ng matanda. Sa mga pagkakataong napakabait ng matanda'y nakukunsiyensiya siya sa panloloko nila ni Luke dito. Upang pawiin din ang alalahanin na para rin sa matanda kung bakit nila ginagawa iyon.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWhere stories live. Discover now