Kabanata Lima

7 0 0
                                        

Nang makita ni Vynz na halos malapit na sila Crista sa bahay nila ay tsaka pa lamang siya naglakad pauwi ng bahay. Ngunit imbis na dumiretso pauwi ng kanilang bahay ay tumungo muna siya sa sapa kung saan sila nagpapakain ng mga palakang bukid. Nang makarating siya sa sapa ay tsaka niya pinakain ang alatiris na binigay ni Crista sa kanya. 

"Oh, kain na kayo.." Sambit ni Vynz sa mga palaka habang sinasaboy ang alatiris.

"Mas mahalaga pa kayo Kay Crista kesa sa akin.." dugtong pa nito.

"Pero okay lang Yun, atleast kayo ang pinapakain ni Crista at hindi ang ibang tao.."

Ilang minutos ding nagtagal si Vynz sa sapa nang maisipan nitong umuwi.

Nang makarating siya sa bahay ay andoon na lahat ng pamilya niya at nagsisipaghandaan na sa hapag kanina upang mag-hapunan.

"Oh. Vynz, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Aling Anita habang nagsasandok ng kanin at ulam na ihahanda sa lamesa.

"Hinatid ko muna po di Crista sa kanila.." sagot nito sabay alis ng sumbrero na suot suot niya.

"Nahulog po kasi Pati siya sa puno ng alatiris.." Sambit pa nito.

"Oh. Bakit?? Nanguha na naman kayo ng alatiris para ipakain sa palaka ano?" sabat ni Mang Domeng.

"Dalaga at Binata na kayo, Vynz. Malapit na kayong matapos ng pag-aaral ninyo at makapagtrabaho."

"Ayos lang Yun. Domeng." sagot ni Aling Anita. "Sila rin naman ang titigil kapag nagsawa ang mga iyan.."

"Yun nga din po ang sabi ng tatay ni Crista, Tay. "

"Malapit na daw kaming magtapos ng pag-aaral at hindi na daw kaaya-ayang tingnan na nanghuhuli kami ng palaka.

"Tsaka balita ko sa kanilang pamilya eh nagpapadulas ang magulang ni Crista sa munisipyo dahil nais bilang magkaroon ng puwesto doon." Sambit ni Mang Domeng habang humihigop ng sabaw ng tinola.

"Wala ka ng kasamang manguha ng palaka nalang araw kapag umangat angat ang buhay nila."

Biglang napaisip si Vynz sa balita ng kanyang ama. Paano nga naman siya magugustuhan ni Crista? Halos pantay lang sila ng estado sa buhay. Hindi naman Isang kahit at Isang tuka ngunit nakakain naman sila ng tatlong beses sa Isang araw. Pero madalas sa madalas ay laging sinasambit ni Crista na nais niyang makapangasawa ng mayaman. Bigla niyang naalala ang takdang aralin nila na may tanong na "Ano ang gusto mong maging sa paglaki mo??" 

Ang sagot ni Crista ay "nais Kong maging mayaman at makapangasawa ng mayaman.."

"Bakit ganyan ang sagot mo??" natatawang tanong ni Vynz sa kanya. 

"Diba dapat, maging Nurse o Teacher ang sagot mo??"

"Bakit naman??" sagot ni Crista. "Kung pwede naman akong makapangasawa ng mayaman bakit pa ako mangangarap maging Nurse o Teacher??"

"Tsaka hindi naman ganun kalakihan ang kinikita ni Tatay sa pagsasaka. Masyadong mahal ang maging Nurse o Teacher."

"Pero kung may magpapa-aral sa akin, why not??"

Eh. Ikaw. Among gusto mong maging paglaki mo??" tanong sa kanya ni Crista.

"Gusto kong maglingkod sa bayan natin o maging pulis para maipagtanggol ko ang mga taong naaapi.."

"Sus, ang hirap niyan.." ani Crista. "Dadaan ka pa sa butas ng karayom bago mo marating yan.."

"Okay lang sa akin..sabay naman na ako sa hirap.."

"Vynz, kain na..bakit nakatulala ka pa dyan??" tawag ni Aling Anita sa anak. "Tila malik ang iniisip mo ah??"

"Ah hindi po.."

"Napagod lang po ako masyado sa kakalakad ko kanina.."

"Ah, ganun ba?? Sige pagkatapos mong kumain magpahinga ka na at maaga aga ang pasok mo sa eskwelahan bukas."

"Ikaw lang anak ang inaasahan naming makakapag ahon sa amin sa kahirapan.." Sambit ni Aling Anita na Tila maging seryoso sa tinuran niya sa anak.

"Alam ko naman po iyon, Nay."

"Kaya po tinutumbasan ko po lahat ng pagod ninyo ni Tatay sa nagtatrabaho."

"Para atleast ako na lang din po ang magpapa aral sa bunso Kong kapatid."

"Salamat, anak." tugon ni  Aling Anita sa anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Still Into YouWhere stories live. Discover now