20

113 3 0
                                    

“A-alam mo ba ang nararamdaman ko tuwing nakikita kitang m-masaya habang k-kasama mo sila? A-alam mo bang nagpapanggap lang ako na ayos lang ang lahat k-kahit hindi?” I asked.

“Love... Alam ko ang nararamdaman mo, kaya nandito ako ngayon para pagusapan natin yan. Ayaw ko na masayang ang chance na ibinigay mo sa akin,” he answered.

“Luke, s-sobrang sakit. Tuwing magpapasama ako sayo, hindi mo ako nasasamahan dahil may pupuntahan kayo.”

“I know, love... I'm sorry.”

“A-alam ko namang wala akong laban doon dahil may anak kayo-” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

“She's not my daughter... Hindi ko anak si Emma,” he said.

“W-what do you mean?” I asked.

“Nagpadna test ako nang hindi niyo alam, malakas ang kutob ko na may nagiiba ng dna test.”

“A-alam na ba nila ang resulta? May nairecord ako na call galing sa cellphone ni ate Ella,” I said.

Ipinarinig ko sa kaniya ang record ko na galing sa cellphone ni ate Ella, iyong lalaking may tumawag at ang tawag kay Emma ay anak.

Inayos namin ni Luke ang gusot sa relasyon namin, ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagkaayos kayong dalawa at sabay niyong aayusin ang mga problema. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ko, nakikinig siya.

“How's Lily? Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit siya nag-resign,” he asked.

“Ayos lang naman siya, hindi ko muna sasabihin ang dahilan. Mas mabuting siya ang magsabi sayo,” I answered.

“Ngayong nalaman mo na hindi mo anak si Emma, anong plano mo?” I asked.

“Tatawagan ko yung number na tumawag sa cellphone ni Ella, ako na ang bahala. Magpahinga ka na, love,” he answered.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa tawag ni Lily, alas sais pa lang ay tumawag na agad siya. Sinagot ko ang tawag at nagulat naman ako sa bungad niya.

“Cynthia... K-kailangan kita,” she said and I could hear her sniffling, she was clearly crying.

“Okay, sige. Hintayin mo ako pupunta na ako,” after saying that, I hung up and went to her house.

“Anong nangyari?!” I asked.

“A-akala ko okay na ako, a-akala ko moved on na ako. N-nakita ko siya kahapon, a-ang s-saya niya... S-samantalang ako, n-nasasaktan. A-anong k-kulang sakin?” she sobbed.

Ang hirap tignan na ganito ang kalagayan ni Lily, lagi siyang ganito. Sinasabihan ko siya minsan na tatagan niya dahil may anak siya, ang hirap na siya ang nagtatanong ng ganiyan sa akin.

“Walang kulang sayo... You're enough,” I uttered.

Ilang minutong nakayakap sa akin si Lily at umiiyak sa balikat ko, naaawa na ako sa kalagayan niya. Hindi niya deserve ang ganito. Namimiss ko yung Lily na laging masaya, mahilig magbiro, at higit sa lahat, palatawa. Pero kung titignan ko itong nasa harapan ko, hindi siya ang Lily na kilala ko.

Ano bang ginawa mo sa kaibigan ko Cian? Kung alam mo lang sana ang nararamdaman niya.

“H-hindi ka ba busy? Baka naistorbo kita,” she said.

“Hindi, hindi mo ako naistorbo. Sabi ni Luke, hindi niya anak si Emma.”

After I said that, she removed her hug from me and wiped her tears.

“Totoo?! Masaya ako para sayo... Ikwento mo sa akin para kahit papaano ay maiwasan kong isipin ang mga sakit na naramdaman ko.”

Ginawa ko ang sinabi niya, ikinwento ko lahat. Mas ayos na rin iyon dahil nakita ko siyang ngumiti at tumawa.

Nang umuwi ako ay nakita ko si Luke na naghihintay sa akin sa gate, nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. Nang makalapit ako sa kaniya ay niyakap niya ako.

“Mukhang pagod ka, magpahinga na tayo,” saad ko, hinahatak siya papasok sa loob.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

“Oo, bago ako umuwi sinabayan ko na si Lily. Kaya halika na, magpahinga na tayo.”

Nang makahiga na kami sa kama ay dali-dali niya akong niyakap.

“Love? Sabi mo sa akin ay nagpapanggap ka lang na ayos lang ang lahat... Ayaw ko na gawin mo ulit yon, hmm?” he said.

“Gusto ko kasing makapagbonding kayo, kaya kahit na nagseselos ako ay pumapayag ako,” I replied.

“Kaya nga. Ayaw ko na ulit gawin mo yon, okay? Ayaw kong nagpapanggap ka. Again, I'm sorry, love... Hindi ko na gagawin ang mga nagawa ko sayo noon, at sayo ko itutuon ang atensyon ko. I love you.”

Masked JoyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant