19

95 3 0
                                    

“Luke, pwede mo ba ako samahan mamaya?”

“No, I can't. I'm sorry.”

“Luke, gusto kong pumunta sa museum, pwede mo ba akong samahan?”

“No, sasamahan ko mamaya sila Ella. I'm sorry.”

“Luke, bibili ako sa mall ng mga gamit mamaya, baka pwede mo naman akong samahan?”

“I can't, Cynthia... I'm sorry.”

Ilan lang yan sa mga pagtanggi niya na samahan ako, nitong mga nakaraang araw ay wala na akong maayos na conversation kay Luke. Laging ganiyan ang mga sagot niya sa akin. Isa iyan sa mga pruweba na nalalayo na ang loob niya sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi, dahil lagi niyang kasama sila ate Ella. Gusto kong sabihin sa kaniya na baka naman may oras kami ni Luke para makapagusap, pero hindi ko ito masabi. Dahil alam ko naman na tatanggi agad si Luke.

Sa totoo lang, namimiss ko si Luke. Laging sila ate Ella na lang ang kasama niya, siguro ay dahil gusto niyang mapalapit pa sa bata. Kaya hinahayaan ko na lang siya, lagi akong pumupunta kay Lily. Gusto na nga ni Lily na roon na lang ako tumira sa kaniya pero hindi ako pumapayag.

Naglalakad ako papuntang mall nang may narinig akong tumawag sakin.

“Cynthia?! Oh my god! It's you!” Scarlet scream.

“Scarlet... How are you?” I asked.

“I'm fine, ikaw ba? Kumusta ka? Namiss kita, hindi na kita nakakausap ah,” she said.

“Mabuti kung ganon, ayos lang ako. Namiss din kita,” I said.

“Hindi mo ako maloloko sa ganiyan, kilala kita. Magusap tayo,” she said.

Si Scarlet ang best friend ko bago pa man dumating si Lily, hindi ko na siya nakakausap simula noong umalis ako sa bahay ni Luke. Ikinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari.

“Akala ko pa naman ako pa rin ang best friend mo! Nakakatampo ha!” she said.

“Huwag ka nang magtampo, parehas kayong best friend ko,” I replied.

“Cynthia... Galit ka ba sakin?” she asked.

“Hindi, bakit naman ako magagalit?”

“Kasi... Sa nagawa ko. But I promise! Wala na kami ni Luke at magkaibigan na lang kami,” she said, itinaas pa ang kaniyang kanang kamay.

“Hindi ako galit, naiintindihan kita... At isa pa, ayaw ko na magtatanim ng galit sa kapuwa. Best friend kita Scarlet, lagi mong tatandaan yan.”

Nagusap kami tungkol sa mga bagay, pati sila ate Elle ay itinanong niya. Sinamahan niya na rin ako mag-grocery dahil wala naman daw siyang gagawin. Pagtapos mag-grocery ay umuwi na rin kami, hinatid pa niya ako sa bahay.

“Bye-bye! See you when I see you! Mwa!” she said.

“Sige na, magiingat ka,” saad ko at kumaway sa kaniya.

Hinintay kong makaalis si Scarlet tsaka pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko roon si Emma at Luke, masaya silang naguusap. Nakakainggit talaga, hindi ko laging maiwasan ang mainggit kapag nakikita ko sila na ganon kasaya.

“Hey,” Luke said.

“Hi,” pagod kong sagot. Sa mga nakaraang araw, ganiyan lang lagi ang batian namin, na parang magkaibigan lang. Hindi na rin siya tunatabi sa akin sa kama, at higit sa lahat, hindi na niya ako tinatawag na love. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, bakit ganito ang nararamdaman ko? Pagod na ako na magpanggap na ayos lang ang lahat. Hanggang kailan mo kaya, Cynthia?

Dumiretso ako sa kusina at inayos ang mga ipinamili ko nang may narinig akong nagri-ring na cellphone. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog, nakita ko ang cellphone ni ate Ella na nasa lamesa.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito, pero bandang huli ay sinagot ko ang tawag.

“Ella, baka naman pwede kong makita si Emma... Namimiss ko na siya, kahit ngayon lang oh...” the stranger said.

Hindi ako nakagalaw nang marinig ang sinabi ng hindi pamilyar na boses. Ibig sabihin ba ay hindi si Luke ang tatay ni Emma? Sino naman itong lalaki? Kinuha ko ang cellphone ko at vinideo ang cellphone ni ate Ella habang nagsasalita pa rin ang lalaki.

“Ella, sige na...”

“Namimiss ko na si Emma, anak ko rin naman siya. Huwag mo naman sana siyang ipagdamot sa akin...”

“Kahit ilang minuto lang, papayag ako. Kahit malayo kayo, ako na ang pupunta para lang makita siya.”

Nanginginig kong pinindot ang end call, ano ba itong pinasok ko?

“Cynthia. Let's talk,” I heard Luke said, napalingon agad ako dahil hawak ko pa rin ang cellphone ni ate Ella. Mabuti na lang at hindi niya ito nakita. Tumango ako at sumunod sa kaniya papuntang kwarto.

“Anong gusto mong pagusapan natin?” I asked.

“Gusto kong pagusapan ang relasyon natin, Cynthia. Alam kong naging magulo itong relasyon natin. Let's talk, love.”

“Okay, then. Pagod na rin naman akong magpanggap na ayos lang ang lahat.”

Masked JoyWhere stories live. Discover now