〖𝟏𝟓〗𝐅𝐢𝐫𝐞

6 4 0
                                    

☽ 𝑭𝒊𝒓𝒆 ☾

•~❉✿❉~•

TINA

“DRAKE, NASAAN NA ba tayo?” Hindi ko maiwasang maiyak nang mapagtantong nahiwalay kami sa iba at kami lang na dalawa ang magkasama ngayon.

Mahigpit ang pagkakakapit ko sa braso nito ganoon rin siya sa kamay ko. Mabuti na lang at hindi ako nito binitawan kanina kahit na nagkadapa-dapa na kami sa pagtakbo.

“Hindi ko alam.” Sagot ni Drake. “Tahan na. Mahahanap rin natin ang iba.”

“Ang dilim, Drake. Paano natin sila mahahanap?” Madilim ang kakahuyan kaya alam kong mahihirapan kami sa paghahanap sa iba naming kasama. At isa pa, wala rin kaming dalang kahit anong flashlight. Patay na Ang cellphone ko kaya hindi rin namin ito magamit.

“May lighter ako rito. Pwede na siguro itong gawing ilaw natin.” Inilabas nito iyon sa kanyang bulsa at sinindihan.

Maliit lang ang ilaw na galing doon pero kahit papaano ay nakatulong ito para maaninag namin ang aming dinadaanan.

Sobrang tahimik ng paligid na nakapagpadagdag sa takot na naramdaman ko. Naging alerto kami ni Drake dahil baka bigla na lamang lumitaw ang halimaw na humabol sa amin. Hindi ko masyadong nakita ang halimaw kanina dahil nang magtakbuhan ang iba ay agad akong hinila ni Drake palayo roon. Nawala na sa isip ko ang iba dahil sa labis na takot at pagkataranta.

“VENICE! VENICE! NANDITO AKO! NASAAN NA KAYO?!”

Napahinto kami ni Drake sa paglalakad nang marinig namin ang sigaw ni Sarah. Hindi nagsayang ng oras si Drake at agad tumakbo patungo sa direksyon na pinanggagalingan ng boses ni Sarah. Napasunod rin ako rito.

Pero bago pa man kami makarating kung nasaan si Sarah ay isang halimaw ang biglang humarang sa aming daraanan.

“Tangina! Tina, takbo!” I didn't waste any seconds, mabilis akong tumakbo salungat kung nasaan ang halimaw. Ramdam kong nakasunod si Drake sa akin. Nang lingunin ko ito ay agad kong nakita ang malaking nilalang na hugis tao na may pakpak kagaya ng paniki at mahahabang kuko na humahabol sa amin.

Bigla kong naalala ang kwento ni Klydia sa akin noon. Ang dahilan kung bakit takot siya sa dilim. Ang nilalang na humahabol sa amin ngayon ay katulad na katulad ng pagkakakwento niya sa itsura ng nilalang na kanyang kinatatakutan.

Mapasigaw ako nang muntik nang maabot ng halimaw si Drake. Mabuti na lang at nakaiwas ito.

Natumba si Drake sa lupa at ilang beses pang gumulong. Napasapo na lang ako sa aking noo. Mabilis ko itong nilapitan para tinulungang makatayo.

“Tumakbo ka na, Tina. Hayaan mo na ako rito.”

“Siraulo ka ba?! Kapag namatay ka rito dahil iniwan kita ay hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Huwag ka ng pabebe diyan at tumayo ka na kung ayaw mong mamatay tayong dalawa.”

Mabuti na lang at walang itong natamo na malalang pinsala sa kanyang katawan kaya nagawa agad nitong tumayo.

If Drake would asked me again to left him behind to save myself, I won't think twice to disagree with him. I owe him my life and I hadn't thanked him enough. Kung mamamatay ito dahil sa akin ay hindi ko kakayanin. I hate him but he can't die because of me.

Papangit ako kung hindi ako magkakaroon ng magandang tulog dahil sa konsensya.

“Tina, may perfume ka ba diyan?” Napalingon ako rito dahil sa tanong niya. Kung hindi lang kami hinahabol ng halimaw ngayon ay binatukan ko na ito.

“Nasa gitna na nga tayo ng kapahamakan naisip mo pa ring magpabango!”

“Easy, babe. Hindi naman ako yung magpapabango eh. Itong halimaw. Meron ka ba diyan?”

Hindi ko alam kung ano na namang tumatakbo sa isip ni Drake. Pero base sa ngisi na nakapaskil sa kanyang mukha ay hindi ito basta-basta. Hindi man halata sa kanyang mukha, but Drake was smart. I decided to trust him.

“Meron. Wait, lang.”

“Take your time.”

Dahil tumatakbo kami ay nahirapan akong kunin ang perfume ko sa aking bag. Agad ko itong ibinigay sa kanyang nang sa wakas ay makuha ko na.

“Anong gagawin mo diyan?”

“Just a little experiment. Sana gumana ito.” Sagot nito.

Malayo ang agwat ng halimaw mula sa amin kaya kinuha ni Drake ang pagkakataon nito upang makapagtago kami.

“Hindi ko alam kung gagana ito. Pero kung sa oras na hindi ito gumana, tumakbo ka. Huwag mo na akong isipin. Just save yourself. Dahil kapag hindi mo iyon ginawa, mumultuhin talaga kita.” Pananakot nito sa akin.

“Ano ba kasing plano mo?”

Hindi ako nito sinagot. Lumabas ito sa pinagtataguan namin kaya napasunod rin ako sa kanya.

“Hoy, pangit! Nandito kami!” Sigaw nito.

“Anong ginagawa mo? Baliw ka ba? Mahahanap tayo ng halimaw!”

“Iyan nga ang plano ko.”

“May Plano ka bang magpakamatay? Kung meron, huwag mo akong idamay.”

“Chill, Tina. ’Di pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa nga ako nakapag-confess kay crushiee, eh.”

May sasabihin pa sana ako pero hindi ko natuloy nang marinig ko ang pagaspas ng parang pakpak na papalapit sa kinaroroonan namin. Ilang sandali lang at bumungad sa harapan namin ang halimaw.

“Diyan ka lang sa likod ko. Kapag sinabihan kitang tumakbo huwag kang magdalawang-isip.”

Napatango ako rito.

“I need your words, Tina.”

“Oo na.”

Nanatili ako sa likuran ni Drake kagaya ng utos niya. Akmang susugod ang halimaw sa direksyon namin pero bago pa ito makalapit ay sinindihan ni Drake ang lighter kasabay ng pag-spray niya ng perfume rito. Lumikha ito ng malaking apoy kaya napaatras ang halimaw.

Malakas itong umangil. Sumubok itong lumapit muli pero inulit ni Drake ang kanyang ginawa. Napapikit ito at napaatras. Kinuha ni Drake ang pagkakataong iyon para sugurin ang halimaw.

Ibinaon niya ang hawak na swiss knife sa isang mata ng halimaw. Malakas itong napaangil. Isinaboy ni Drake ang lamang ng perfume sa halimaw at walang pagdadalawang isip nitong sinindihan. Umapoy ang ibang parte ng katawan nito.

Agad akong hinila ni Drake palayo roon. We run as fast as we could. Hindi namin inaasahan na makasalubong sina Patricia. Kasama nito si Kuya Arnold, ang girlfriend nitong si Shane, sina Blessy, George, Keisha at Faye. Mukhang patungo ito sa pinanggalingan namin.

Agad akong nilapitan ni Patricia. “What happened?”

Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyare pati na rin sa iba.

“Ibig sabihin ligtas na tayo?” Tanong ni Faye.

“We’re still in danger. That creature may be injured but not dead. And I'm pretty sure that it's not alone. There are other Knaves that lurking around this forest. Many of them. They are hords.”

“Then we are really doomed.” Ani George.

Nakarinig kami ng pagaspas ng pakpak patungo sa amin. Hindi na namin kailangang tanungin ang isa't isa para malaman kung ano iyon.

Mukhang nagtawag ng back-up ang inaway ni Drake na halimaw.

✍︎ 𝑸𝒖𝒊𝒏𝒏𝒙𝒊𝒙𝒊𝒕𝒚𝒚

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐬 𝐁𝐞𝐡𝐢𝐧𝐝 𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐫𝐤 (Filipino version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon