"Ano pang inaantay mo? Get out."



"No, I'll stay here. I will wait until you sleep." He said in a finality.



"Get out, Tope. Hindi ako makakatulog kung mananatili ka dito." Mas madiin na sabi ko.




Nakita kong puno ngayon ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ba't ako biglang nakaramdam ng awa sa kanyang mga tingin sa akin.



"Let me stay here. I'll just wait until you sleep. Kusa akong lalabas pagkatapos." Ang sabi niya bago magtungonsa sofa dito sa loob.





Wala na akong nagawa kundi ang hayaan sya. Dumiretso muna ako ng cr para maglinis ng katawan. Ramdam ko ang matinding pagkahilo mula sa mga ininom ko kanina, may kamuntikan pa akong matumba, nakita kong aamba sanang tumulong si Tope, sa'kin, pero hindi na din natuloy dahil mabilis kong inayos ang sarili at pumasok sa loob ng cr.




Hindi ako makapag isip ng maayos habang nanatili sa loob ng cr, sumandal ako mula glass side nitong cr at marahan na pinadaan sa aking katawan ang tubig na nagmumula sa shower.






I let myself to feel relax and comfortable, pero pumapasok sa'king isipan ang imahe ni Tope na nag aantay ngayon sa'kin sa labas. Iwinaksi ko sa aking isipan iyon at mabilis na lang na tinapos ang pagligo.




"Fuck." Mariin kong nasabi ng maramdaman ko ulit ang pag-ikot ng aking mundo mula sa pag-iinom.





Lumabas agad ako ng cr at nakita si Tope na natili sa sofa habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Hindi ko sya tinapunan ng tingin, I'm wearing a white undershirt and black shorts. I let my messy hair.





"Kung inaantok ka, pwede ka naman ng umuwi. Pwede naman na hindi mo ako bantayan. Wala akong sakit." Sabi ko bago naupo sa kama.




He didn't answer, I looked at his direction and I see his darked eyes, pinasadahan nya ang buong katawan ko ng tingin bago muling bumalik sa aking muka. He clenched his jaw




"Hindi ka ba hahanapin sa baba?" I asked him more. He just shook his head.







Humiga ako ng walang imik, nasa bandang ibaba ng kama ko ang sofa. Hindi ko sya nakikita, unless kung itataas ko ng bahagya ang aking ulo para makita sya, but I didn't. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip. This is hard for me.







"You know what, we can talk without shouting... I'm sorry for my behavior. I think I'm just being OA." Bigla kong sabi. Mariin akong pumikit.






Hindi na naman sya nagsalita. Napahinga ako muli ng malalim. My heart is beating so fast, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pagpipigil. Bawat pagtibok ng aking puso ay ramdam na ramdam.







"Pwede naman natin kalimutan 'tong nangyari... Masyado lang siguro akong nadadala ng imusyon ko." Halos pabulong kong sinabi.




"James is my friend in manila. He's gay also, his full name is Jameson Gwy Anderson . Mula pagkabata ay magkaibigan na kami. I don't know if kilala mo sya but he's starting to persue his dream right now. He's a model now." I said, naalala ko kasi ang galit niyang mga tingin sa'kin noong banggitin ko ang pangalan ni James, I know na wala naman dapat akong i-explain kasi wala namang kami.


Pero mukang kailangan.






"Sya ang nagsabi sa'kin na baka lust lang naman talaga ang nararamdaman ko sayo. Baka daw dahil sa pagreject mo sa'kin ng maraming beses ay baka masyado lang akong naattract sayo. Maybe I found you interesting that's why I feel this." Natawa pa akong bahagya sa aking sinabi.





Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon