(SIMULA) KABANATA 1

2.7K 71 2
                                    


Malakas kong sinipa ang basurahan sa harapan ko dahilan para magkalat ang basura na nasa loob nito. Nag-iisa ako ngayon dito sa rooftop ng school building namin.

Nagkuyom ang kamao ko sandali saka mahigpit na hinawakan ang buhok ko. Hindi ako makapag- isip ng tama kung ano ba dapat kong gawin sa mga oras na ito.

Alam kong magsisimula na ang klase sa isa sa mga subject namin ngayong tanghali dahil nagsimula na ulit tumunog nang marahan ang bell hudyat na tapos na ang oras ng tanghalian namin.


Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Alam kong pagkakamali na tinalikuran ko si tiffany at nakakabastos iyon.


Pero hindi ko kasi maisip ang sinabi nitong buntis siya at ako ang ama. Muling pumasok sa isipan ko ang alaala kung paano ngayon na sa sabi ni Tiffany na buntis siya at ako ang ama.

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa may naramdaman akong yumakap saakin. Napahimas pa ako sa aking ulo dahil ramdam ko ang pananakit nito bago tuluyang magmulat nang kaunti.

Dahan- dahan kong nilibot ang aking paningin at nag- angat ng ulo unti para tignan ang aking paligid, tinignan ko din ang brasong nakapalupit saakin.


Bahagya pa akong nagulat ng makita si Tiffany pala ito. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa'kin at tumayo. Muntikan pa ako tumaob dahil sa ramdam ko ang pagkahilo.


Tanging under wear lang ang suot ko. Muli akong tumingin sa paligid. Alam kong kwarto itong kinalalagyan namin.


Nagmulat nang mata si Tiffany at tinignan ako nito ng may kunot sa nuo. Hindi ako makapag- isip ng maayos dahil siguro sa sakit ng ulo. Tinanong ko ito kung anong ginagawa namin sa loob ng kwarto. Pero ngumiti lang ito sa'kin at tinignan ang sariling katawan mula sa ilalim ng kumot.



Paanong pareho kaming hubad at magkayakap? Eh, sa pagkakaalala ko nag- iinom lang kami ng mga kaibigan ko kagabi at kasama sya.

Pilit ko sandaling inalala ang mga nangyari noong gabi na iyon.



Hindi maaari. Paanong mabubuntis ko ang sarili kong kaibigan, kung gayon mismo na si Tiffany mismo ang isa sa may alam na hindi ako napatol sa mga katulad nya.


"Hindi 'to pwede"

Ang nasabi ko na lang sa sarili ko bago napaupo sa lapag dito sa rooftop. Napakaimposible talaga nito. Paanong mabubuntis ko si Tiffany, eh Kasama ko si Mike, ang boyfriend ko.

Ang alam ko din kami ni Mike ang magkatabi nong gabi na 'yon at bago si Tiffany. Halos isang bwan na din iyon nong mangyari ang kasiyahan naming mga magkakaibigan.


"Craig!!!"


Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses. Nanatili akong nakaupo habang ang bilis ng tibok nang aking puso. Napalunok pa ako.





Ilang sandali pa muli ako nitong tinawag, at saka dahan- dahan na tumayo habang na natiling nakatalikod at saka humarap sa kanya.

Puno ng kaba ang aking dibdib nang makita ang kaniyang seryosong muka.



"Hi-Hindi ko alam Mike."



Ang nasabi ko na lang ng oras na ito. Mabilis siyang naglakad sa direksyon ko saka malakas akong sinuntok sa muka. Ramdam ko ang mabigat na suntok nya sa'kin, dahilan para muli akong mapaupo.




"How did you do this to me?"Sigaw nya sa'kin.

Kinapa ko ang aking labi at tinignan ang daliri ko na may dugo. Wala pang isang segundo hawakan ni Mike ang kwelyo ng damit ko at saka ako itinayo nang malakas.


Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now