Unang-una, hindi na ako nag-iisa.





"'Lika, lakad tayo sa labas." Yaya sa akin ni Azul. Tumango ako. Inalalayan ko siya habang pababa kami ng kama. Magaling na ang sugat niya pero hindi pa rin pwedeng galawin masyado ang braso niyang iyon.





Habang pababa kami ng hagdan ay inakbayan ako ni Azul. Iyong free hand ko, nakahawak sa kamay niyang nasa kabilang gilid. We look pretty close. Natatawa ako sa kanya.





"Hindi ba masakit?" Tanong ko.





"Tsk, palaging iyon ang tanong. Hindi nga. Basta nandyan ka, magaling na." He cleared his throat. Narating naming ang gardern. Sa garden na iyon, nakagitna ang infinity pool na lalong nagpaigting sa tanawin sa paligid. Ngayon lang ako nakarating sa parte na iyon ng bahay dahil hindi ko maiwan si Azul. Naupo kami sa isang bench doon. Akbay-akbay niya pa rin ako. He cleared his throat again.





"May sasabihin ka ba?" Hindi na ako makatiis. Kanina pa kasi siya ubo nang ubo. Hindi ako mapakali sa kakaubo niya. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin. "Ano ba iyon? Sasampalin ko iyang bunganga mo."





"Kumalma ka nga. Lalong lumalaki iyang hita mo."





"Sasampalin na talaga kita!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Azul laughed. Hinawakan niya ang hita ko at hinaplos-haplos iyon. Kung bakit kasi maliit naman ang chubby ako – hindi naman ako mataba – hindi rin ako payat. Sakto lang ako. Thirty-one ang bewang ko. Thirty-six ang bust size ko at thirty – eight ang hips ko. Hindi naman ako perpekto. Sinusubukan kong mag-diet pero wala. Dati nga nag-gym pa ako pero wala ding nangyari.





"Makinig ka sa akin." He told me "Magaling na ako—-"





"So, magsesex na tayo?" Hindi ko na mapigilang itanong.





"Hindi! Well, yeah, pwede but that's not what I am trying to say!" Napapailing na lang siya. "Ngayong magaling na ako at may ideya na sila Judas sa kung sino ang gustong pumatay sa amin, hindi pwedeng hindi namin sila harapin."








Bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa manggas ng t-shirt niya. I am on the verge of crying. Napapalunok ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.





"A-aalis ka?"





"Oo. Pero 'wag kang mag-aalala dahil babalik ako. Hindi ako mamamatay, babalikan kita, Leira at kapag bumalik ako, magpapakasal na tayo, Leira. Hindi kita papakawalan." Napaiyak ako. Hindi naman maiwasan na mag-alala. Paano kung matuluyan siya. Hindi ko kayang tanggapin na matutuluyan siya. Naramdaman kong lumuluha na ako. Hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko kaya kung mawawala ang first ever boyfriend ko!





"Hindi ako mamamatay, Leira. Hindi kita iiwan." Sabi niya pa. Inangat niya ang baba ko. "I will stay true to my promise. I will never leave you."





Yumakap na lang ako sakanya nang mahigpit. Maniniwala na lang ako na babalik siya sa akin dahil iyon ang sinabi niya. Alam kong hindi ako iiwan ni Azul. He will be safe because he knew that I am waiting for him.





"Ayos na, baby ko ha. Iyong hita mo lumalaki din kapag umiiyak ka." Naningkit ang mga mata ko at sinabunutan ko siya. Tawa naman siya nang tawa. Pilit niyang hinuhuli ang kamay ko. Sa huli ay hinawakan niya ako sa baywang.





"Humanda ka sa akin kapag nahinog ka na!" Tila ba gigil na gigil na siya. Nauwi na lang kami sa pagtawa. Sinubukan kong huwag na lang pakaisipin ang pagpapaalam na ginawa niya.





Hindi nagtagal ay sumama na sa aming dalawa si Judas at si Ido. Si Axel John ay naupo lang sa damuhan habang may hawak na baso ng alak. Nakatingin siya sa ginagawa ni Ido at Judas.





Nagtotostos-pick ang dalawa. Nakisali si Azul sa kanila. Umalma pa nga ako dahil pagkatapos noon ay naghabulan silang apat. Pati si Axel John ay nakisali na.





Walang nagawa ang pagbabawal ko dahil hindi nagtagal ay nagtatakbukhan na sila. Sino ba namang matinong makakaisip na ang mga lalaking ito na armado ng mga baril at kayang pumatay ng masamang nilalang ay naghahabulan bilang past time nila? Walang mag-aakalang ganito sila kakulit.

Masaya akong nanonood sa kanila ngunit natigilan ako nang tumabi sa akin ang hari ng mga demonyo —-si King David.





"Ano na naman?" Walang emosyong wika ko.





"Wala, Leira. Gusto ko lang makipagkwentuhan sa'yo. Tell me something about your family."





Napaisip ako. Ano bang pakialam ng gagong ito sa pamilya ko? Napanguso na lang ako. Hindi ako nagsasalita pero parang hindi rin naman ako titigilan ni King David. He cleared his throat.





"Kaano-ano mo si Maximo Sarmiento?" Nabigla ako dahil alam niya ang pangalan ng tyuhin ko. Kunot noong sinagot ko naman siya.





"Tito ko. May utang ba iyon sa'yo. Patay na siya kaya hindi mo na siya masisingil."


Tumawa si King David. Bahagya niya pang hinampas ang balikat ko na para bang close kami. Napanguso na lang ako. Akala yata ni King David ay nakalimutan ko na ang pinaggagawa niya sa akin. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. He was really laughing. Hindi ko alam kung plastic ba ang tawa niya o nang-aasar lang talaga siya. Huminto lang siya sa kakatawa nang mapansin niyang iniirapan ko siya nang bongga.


"Anyway, bakit namatay ang Tito mo?" Tanong niya pa. Parang bakla itong si King David. Huminga na lang ako nang malalim at tumingin sa malayo. Ayoko na sanang balikan ang parteng iyon ng buhay ko na sobra ang iniiyak ko.


Si Maximo Sarmiento ang naging ama-amahan namin ng kapatid ko habang nasa ibang bansa si Papa noon. Mahal na mahal namin siya at alam kong ganoon din siya sa amin pero kinamalasan, halos mag-aapat na taon na ang nakalipas nakulong si Tiyo at doon na rin siya sa kulungan namatay. Naikuyom ko ang mga palad ko.


"Pinatay siya." Mariing wika ko. "Pinatay siya sa kulungan. Walang habas siyang binaril at hinayaang mamatay. Kalunos-lunos." Kuyom na kuyom ang palad ko. Naiiyak na naman ako. "Hindi tao ang gumawa niyon sa kanya. Hayop."


"What the hell are you doing, David?"


Natigilan ako nang hatakin ni Azul si King David patayo at sinabayan iyon ng suntok sa mukha.


"Hindi mo ba titigilan ang girlfriend ko?" Galit na galit si Azul. Itinaas ni King David ang mga kamay niya na tila ba sumusuko na sa pulis.


"Wala akong ginagawa, pare. Nagtatanong lang ako. Pero kung ayaw mo talagang lapitan ko si Leira, fine, pero hindi pa tayo tapos." Umalis siya. Niyakap naman ako ni Azul. Hindi ko alam na nanginginig na pala ang buong katawan ko - hindi ko alam kung sa galit ba o sa takot.


Pilit akong kinakalma ni Simoun Paul. Paulit-ulit ko namang sinasabi na ayos lang ako at hindi ako sinaktan ni King David. Pinaalala niya lang sa akin ang isang bagay na ayoko na sanang maalala at nasasaktan ako.


Hindi naman nagtagal ay kumalma na ako.


"Leira, pasensya ka na kay KD, gago iyon. Katorse na kasi iyon noong tinuli na. Makunat na kaya naiba ng pukpok." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Ido pero natawa naman ako sa kanya. Nakita kong tinapik siya ni Axel John. "Ito naman si Axel John, ga-cocktail hotdog lang ang cock. Puta! Invisible ata yan!"


Inilayo ako ni Azul sa kanila. "Ayos ka lang ba? Huwag mong alalahanin si KD. Kayang-kaya mo iyon, baby. Kapag dinaganan mo iyon nang hita mo, wapak!" Napangisi na lang ako. Hinaplos niya ang mukha ko.


"Ayos lang ako, Simoun. Nandyan ka, ayos na ako." Niyakap ko siya. Ayos ako. Hindi ko na iisipin ang bagay na iyon.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now