PUSANG ITIM

13 0 0
                                    

2

Hindi ko alam kung bakit walang gustong makipagkaibigan sa'kin sa school. Sabi nila praning daw ako, sabi naman ng iba dapat daw nasa mental hospital na ako dahil nababaliw na ako. Sino ba sila para sabihin lahat ng 'yon? Para namang kilalang kilala nila ako. Gusto ko lang silang balaan at tulungan para makaiwas sa mga hindi magagandang mangyayari. Sila lang din ang mapapasama kapag hindi sila naniwala sa'kin.

"Class dismiss"

Nag unahan sa paglabas sa classroom ang mga kaklase ko. Isusukbit ko na sana ang bag sa balikat nang makitang may dugo sa upuan ni Gwen nang tumayo siya.

"MAY DUGO!!" napatakip ako ng bibig.

Napalingon ang lahat at nagulat sa tili ko. "May dugo sa upuan mo, Gwen! Alam mo ba ang ibig sabihin no'n? Mag iingat ka, naaamoy niya ang dugo mo," mahinang sambit ko.

Bumungisngis ang ibang mga kaklase ko at nagbulong bulungan. "Sinong makakaamoy, Cath? Hindi ka ba naggrade 6? Hindi ba naturo ang menstruation sa inyo?," may bahid ng pang aasar sa boses ni Pia. Lumapit ang teacher namin at nakiusyuso. Tinignan niya ang skirt ni Gwen at may dugo rin ito. Sinabi niyang umuwi nalang daw si Gwen para magpalit. Pinagtatawanan pa rin ako ng mga kaklase ko. Maliban sa isa, si Nora. Nahuli ko siyang sinusundan ng tingin si Gwen habang palabas ng classroom.

Kinabukasan.
Kumalat sa buong barangay ang balita ng babaeng minor de edad na natagpuang patay sa kalye trese. Wala ng lamang loob, ubos din ang dugo na para bang sinipsip ng limang bampira.

"Kawawa naman si Gwen, sino kaya ang gumawa sa kaniya no'n?"

"Natatakot na akong umuwi mag isa, magpapasundo nalang ako kay mama"

Ganoong mga usap usapan ang naririnig ko habang naglalakad sa hallway. Sinabi ko ng mag iingat siya.

***

Paglabas ko ng cubicle may itim na pusang dumaan sa tapat ko. Napakunot ang noo ko, tumalon ito at lumabas sa awning window. Sino naman ngayon ang isusunod niya?

Hindi pa ako nakakaapat na hakbang nang biglang bumukas ang isang cubicle. Sumalampak ang isang walang buhay at duguang katawan ng babaeng estudyante sa sahig.

"AAAHHHHHHHHHH!!!"

Dumating ang tulong nang marinig ang tili ko. Napatingin ako sa bintana at nakitang nando'n ang itim na pusa. Ang sama niya.

Habang naglalakad ako pauwi, nakita ko si kuya. Nakaangkas sa bike niya si Nora. Mabilis akong tumakbo at hinabol sila.

"Kuyaaa!!"

Napalingon siya at agad na inihinto ang bike. Masama akong tinignan ni Nora.

"Bakit siya nakaangkas sa bike mo?" tanong ko.

"Bakit hindi?" pilosopong tugon ni kuya. "Nakita ko kasi si Nora doon sa labas ng gate, pinagkakaisahan nanaman ng mga bulas. Tsk ang bait nito bakit inaaway?" Ginulo niya ang buhok ni Nora. Napairap ako nang makita ang malantod na ngisi ni Nora. Alam kong matagal na siyang may gusto kay kuya.

"Kapag ikaw naaswang h'wag na h'wag kang uuwi ng bahay," saad ko bago sila lampasan.

"Cath! Anong sinabi mo? Isa ka din ba sa nambubully kay Nora? Tigilan mo 'yan isusumbong kita kay mama"

Hindi ko na sila nilingon. Ako na palaging binubully sa school hindi niya pinagtatanggol. Pero si Nora, pinaangkas pa sa bike niya. Tsk kung alam lang niya ang tinatagong baho ng Nora na 'yon.

ASWANGWhere stories live. Discover now