MANYAK

24 0 0
                                    

1

"Pre umuwi na tayo bago pa tayo maging sunod na biktima ng aswang"

Inis kong inilapag ang baso sa mesa matapos tunggain ang lamang alak. Kunot noo akong tumingin kay Popoy.
"Alam mo lasing ka na, nababading ka nanaman eh", bwelta ko.

"Uno! Popoy! Aba'y bilisan nyo na dyan magsasara na ako", isa pa 'tong si Aling Matsing.

"Ang aga pa para magsara.. isang oras nalang aling Matsing", ani ko saka tumagay ulit.

"Anong Matsing? Ising! Bilisan nyo na dyan alam niyo namang may pagala galang aswang dito sa atin"

"Sinabi ko na nga po yan kay Uno, tsk ayaw pa maniwala", panggagatong ni Popoy.

Biglang may tumunog na kung ano.

TIK TIK TIK TIK TIK TIK TIK

"WHAAAAA andyan na sya!", parang babae na tumili si Popoy bago nagtatakbo paalis.

"Teka!", tawag ko dito pero di na ako nilingon. Anak ng! Iniwan ako sinong magbabayad nito?

"Jusmeyo! Uno umuwi ka na!", agad nagsarado ng pinto at bintana si Aling Matsing. Naiwan ako sa labas at naka upo parin sa harap ng mesa.

Praning na talaga mga tao ngayon. Napailing nalang ako bago simutin ang natitirang chicharon na naiwan ni Popoy. Mag aalasdose na nang maubos ko ang dalawang bote ng beer.

Pasipol sipol pa ako habang naglalakad. "Anong petsa na naniniwala pa rin sa aswang tsk tsk tsk!" Natawa ako sa sariling turan.

Nararamdaman ko na ang tama ng alak habang tinatahak ko ang daan pauwi. Nagpapaalon alon na ang paningin ko. Madilim at ang nag iisang poste na nagbibigay ng liwanag sa paligid ay nagsimula pang magpatay sindi. "Lokong poste, umayos ka!," sinipa ko ito pero nagsisi din dahil ako lang din naman ang nasaktan. "Pambihira!"

Habang nagpapagewang gewang ako sa paglalakad may natanaw akong nakaputi. Mariin akong napapikit at kinusot pa ang mata. "Babae nga!" wala sa sariling usal ko. Nakaupo siya sa kalsada kaya nilapitan ko. Medyo madilim kung kaya't hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya doon sa kalsada. May kung ano siyang sinusubo at ang dungis na ng mukha niya. Pero.. sexy, mahaba ang buhok at hapit na hapit ang puti niyang bestida.

Tumayo ako sa likod niya.
"Hi Miss, anong pangalan mo? Gabi na ah, may aswang daw dito hehe uwi ka na", biro ko. Pinagmamasdan ko siya mula sa likod.

'Pag lumingon ka akin ka, ani ko sa sarili hehe.

Napaatras ako dahil bigla akong nahilo. Lintik na alak. Nang muli akong tumingin sa babae ay nakatayo na siya ngayon sa harap ko. Napansin kong may nakahandusay na lalaki sa likod niya. Wakwak na ang damit at dibdib nito, naliligo sa sariling dugo.

"Ohh! Anyare diyan, miss? Boypren mo ba yan? Baka maubusan na siya ng dugo may malapit na ospital dito", saad ko. Lasing lang ako pero nasa tamang katinuan pa naman ako para malaman kung anong nangyayari.

Walang ano ano'y bigla akong niyakap ng babae. Baka nalulungkot siya sa nangyari sa boypren niya. Marahan kong hinaplos ang makinis niyang likod hehe. "Ayos lang yan, miss napano ba 'yang boypren mo-"

Bigla niya nalang akong sinakal, nakiliti ako. "H'wag naman diyan nakikiliti ako hehehehe"

Tumigil siya at tumingin sa'kin, hinawakan niya ang braso ko. Bumaon ang matalim niyang kuko. Ang sakit putcha! Tapos akala ko kung anong gagawin niya, kakagatin niya lang pala ako sa leeg. Powta nanghina tuhod ko kaya nawalan ako ng balanse, napahiga ako sa kalsada. Pareho kaming natumba, nakaibabaw siya sa'kin at nakabaon pa rin ang matalim na ngipin sa leeg ko.

"Aggressive huh?", nakangisi pang turan ko kahit ang hapdi na ng leeg ko. Naaninag ko na ang mukha nya nang tamaan ito ng liwanag ng buwan. Hanep pre ang ganda, ang dungis nga lang kasi may dugo dugo. Bigla nyang kinalmot ang dibdib ko. Napangisi ako kahit masakit. "Chill babe, baka makita tayo ng boypren mo hehe", sabi ko habang dahan dahang ginagapang ang kamay ko sa legs niya papunta sa matambok niyang pwet at- PAK! Naknampucha! Sinampal ako.

Mabilis siyang tumayo.
"MANYAK! Nakakawalang gana maging aswang leche!", asik nya bago lumipad paalis.

Ilang minuto pang nagloading sa utak ko ang nasaksihan. Tumingin ako sa lalaking nakahandusay sa tabi ko.

Popoy?

Nakita kong pilit siyang tumawa kahit naghihingalo na. "Manyak amp"

Babatukan ko sana siya pero bigla nalang dumilim ang paligid at hindi na ako makahinga.

•END•

ASWANGWhere stories live. Discover now