Her eyes flew open! Hindi niya alam ang isasagot doon. At ni hindi niya gustong sumagot. Ang alam niya'y nag-init ang mukha niya. At ganoon na lang ang pasasalamat niya nang yugyugin ni Charlyn ang palda niya.

"Tita, what are you doing? Sino siya?"

"Hrmp..." Muli siyang napalunok. Niyuko ang
bata. "K-kaibigan...yes! He's my friend...."

"Hello, sweetheart," ang estranghero na nginitian ang bata at ginulo ang buhok.
"Hi," sagot ni Charlyn. "What's your name?"

"Luke. What about you?"

"Charlyn....."

Napansin ni Regina ang tila pag-ulap ng mga mata ng lalaki na iglap din namang nawala. Pagkatapos ay ang muling pagtingala nito sa kinaroroonan ni Angelo Chan at muli ring ibinalik sa kanya ang mga inata.

"Sino ang lalaking iyon?" tanong nito kasabay ng pagtaas ng kamay sa likod niya.

"I-isang k-kakilala." Bahagya siyang pinanginigan ng mga tuhod. Naramdaman niya ang kamay nitong bumaba-tumaas sa likod niya.

"Or a boyfriend na nahuli kang nakipagtagpo sa iba at ngayo'y nagwawala?" buiong ng lalaki sa tenga niya.

Napasinghap ang dalaga roon. May pakiramdam siyang may dobleng kahulugan ang tanong. "Hindi ko siya naging boyfriend!"

Ngumisi ang estranghero. Muli'y nararamdaman niya ang nakababaliw na haplos ng kamay nito sa likod niya. Iniiwas niya ang sarili sa disimuladong paraan dahil alam niyang nakatingin pa rin sa kanila si Angelo Chan.

"W-well...salamat sa tulong mo...pero mahuhuli na kami sa flight ng...ng pamangkin ko. At hindi pa ako nakapag-check out sa hotel. At tinulungan mo na rin lang ako'y...tulungan mo akong makalabas ng hotel na ito at-"

"Sure," agap ng lalaki. Yumuko ito at walang
kahirap-hirap na kinarga si Charlyn na hindi pumalag. Ang isang kamay nito ay inilagay sa likod niya at inakay siya palabas ng hotel. Isang taxi ang kinawayan nito at mabilis na ipinasakay silang dalawa. Pagkatapos ay nagsalita ng Mandarin sa driver sa pagkunot ng noo ni Regina.

"H-hindi pa ako nakapag-check out at nasa lobby pa ang mga bagahe namin," aniya.

"I'll take care of that," wika nito. "Maghintay kayo rito sa loob ng taxi at babalik ako sa reception."

"But I haven't paid my-" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tumalikod na ang estranghero pabalik.

Naiwang naguguluhan si Regina. Gusto niyang
sabihin sa driver na ihatid na sila sa airport pero hindi naman niya magawang iwan na lang nang ganoon ang lalaki. Tiyak na babayaran nito ang hotel bills niya at kailangang i-reimburse niya iyon. Isa pa'y nasa loob pa ang mga bagahe nila.

Wala pang sampung minuto ang lalaki'y muli itong lumabas ng hotel. Sa tabi nito'y ang bell boy at hila ang malaking maleta niya. Inilagay nito iyon sa likod ng taxi. Nakita niyang inabutan ng tip ng lalaki ang bell boy na muling bumalik sa hotel. Pagkatapos ay tumabi sa driver at nagbigay na ng direksiyon.

"Thank you very much, Mister," wika niya at
binuksan ang wallet at kumuha ng US dollar bills. "Nasabi na sa akin kaninang umaga ang bill ko, so please take this." Iniabot niya iyon sa lalaki subalit hindi kumikilos ito upang tanggapin iyon.

"Saka mo na ibigay sa akin iyan. Anyway, iisa naman ang destinasyon natin..." Nilingon siya nito at ngumisi. Pagkatapos ay inilipat ang mga mata kay Charlyn na nakahilig sa kandungan ng dalaga at inaantok.

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"I'm flying to Manila today."

"Oh, no." Napasandal siya sa sandalan ng taxi.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWhere stories live. Discover now