Chapter 106

184 11 1
                                    

Kagaya ng ipinangako ni Alexus kay Mia ay bumalik nga siya pagkatapos niyang magbihis. Pero pagkabalik na niya ay nadatnan niya na lang si Mia na natutulog na. Nakatagilid ito at ang kamay ay maagap na nakadantay sa tiyan ng mga anak nila. May unan naman na nakatabing sa kabilang kama, just in case na gagalaw ang mga bata ay hindi ito madaling mahulog.

Pero, dahil sanggol pa lang naman ang mga ito ay behave naman ang mga ito.

Nang lumapit siya sa kama ay nakita niyang gising na ang kaniyang mga anak. Naglulumikot ang mga kamay at paa ng mga ito. Pero hindi naman nag-iingay at tila naaaliw sa pagtitingin sa paligid. Siguro ay naintindihan rin ng mga ito na nagpapahinga ang kanilang ina.

Hindi mapigilan ni Alexus ang mapangiti. Sumikdo ang kaniyang puso sa nakita.

"Hey, little fella..." pagbati niya sa mga ito nang makaupo na sa gilid ng mga ito. He reached their little hands and caressed it gently. "You guys seemed to be having fun, huh?" his smile can't be erased as he spoke to his little angels.

Napatitig siya sa anak niyang lalake, hindi pa niya alam ang pangalan nito, pero nang kaniyang tingnan ito ay para niyang nakikita ang maliit niyang sarili. "You gotta be my junior, young man." at binigyan niya ito ng marahan na pat sa ulo. Napakanipis ng buhok nito. Ang ulo rin ay napakalambot, kagaya ng balat at katawan nito. No wonder kung bakit ingat na ingat ang lahat ng mga magulang dahil sensitive ang mga baby.

Hindi pa niya kasi naranasan na makahawak ng sanggol, and this is just his first time to hold, touch and feel one. At lubos siyang namangha.

Napatingin siya sa isa niyang anak na babae, na medyo malikot pa kaysa sa anak niyang lalake, "Hi, little Princess. Do you remember me? I was the one who took care of you while Mommy's on rampage, earlier." malambing niyang sabi dito habang hawak pa rin ni Baby Cassy ang kaniyang hintuturo. Mas lalo pa nga siyang natuwa nang mapatitig ito sa kaniya. "Can you recognize me, baby?" napatingin siya kay Mia na nasa tabi lang ni Baby Cassy, at masasabi niyang mini me din si Cassy ni Mia.

Anggaling, para bang noon lang ay pinangarap niyang magkaroon ng mga anak na may kamukha niya at ng babaeng mahal niya, pero ngayon nakikita na niya at nahahawakan na niya. He really can't thank God enough for giving him such blessings.

Sa lahat ba naman ng pinagdaanan niyang hirap nitong mga nakaraang buwan, na muntikan pa niyang ikinamatay ay hindi niya inaasahan na may isasaya pa siya.

Titig na titig siya kay Mia. Napansin niya ang iilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mata at ilong nito, kaya maingat niya itong inabot, pinalis at pinaskil sa likuran ng tenga nito. Habang ginagawa niya iyon ay ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa mala-anghel nitong mukha.

Anghel talaga pag tulog, pero Amazona na naman ito sa paggising. But it doesn't matter, he loves everything about her. Pati na ang paging maingay nito.

Tunay ngang mahiwaga ang langit. Inakala ba naman niyang magmahal siya ng babaeng may kapareha niya ng ugali at hilig. Ayaw niya kasi talaga ng maingay. Pero nang dumating si Mia sa buhay niya, he turned to be someone na hindi pa niya nakilala, kahit na sa ilang taon na siyang namumuhay sa mundo.

He thought, he knew all about himself. Pero hindi. Na kahit siya ay na-sorpresa sa biglang pagbabago niya.

Muli niyang ibinaling ang pansin sa mga anak niya, "You know what, I'm blessed to meet your mom." pamamahagi niya sa mga anak niyang walang kamuwang-muwang. "I don't know what she did to me, but I'm forever be grateful to her. I'm happy that she didn't give up on you... and brought you here to meet you, even after that happened between us." pinatakan niya ng mapagmahal na halik ang maliliit na ulo ng kaniyang mga anak. "I'm also glad that I didn't give up on my battle, because if I did... I will not be able to meet you, kiss you and touched you like this. Daddy is so happy. My wish now is to be with you and your mommy. My love for her didn't fathom and I loved her more now because she bear you two. I wished to watch you grow and will grow myself with you."

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now